V08 | hinagpis

53 6 9
                                    

WALANG humpay sa pagtingin si Laura sa mga bagay na nasa loob ng puting silid ng lalaking psychiatrist

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WALANG humpay sa pagtingin si Laura sa mga bagay na nasa loob ng puting silid ng lalaking psychiatrist. Magmula sa malaking paso sa kaniyang tabi na may nakatanim na halamang may dalawang malalaking dahon, sa mga canvas sa pader na may nakapintang mga puno at maging ang paggalaw ng kamay ng orasan ay sinusundan na rin niya.

Saktong limang minuto na siyang nag-iintay na matapos ang nasa trenta anyos na doktor sa pakikipag-usap sa telepono.

Marahan niyang isinandig ang katawan sa lamesa ng doktor bago hinawi ang hanggang balikat na buhok— isang panibagong bagay upang wilihin ang sarili.

"Bukas puwede ako. Mga ten o'clock, okay?" sambit ng doktor sa kausap nito sa kabilang linya. Saglit pa nitong iniayos ang suot na itim na salamin habang nakatingin sa papel.

Malalim na paghinga ang pinakawalan ni Laura bago hindi na nakapagpigil na sumabat. "Doctor Manuel, ano na po bang nangyayari kay Ethan?"

Nakaukit na sa mukha niya ang matinding pag-aalala dahil sa sobrang paninibago. Paninibago dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magagampanan na ni Laura ang responsibilidad bilang isang ina.

"Wait lang po, Ma'am Laura," unas ni Manuel na halata ang pagkataranta dahil dalawang mahahalagang tao ang kausap nito.

"Okay po. See you tomorrow po, sir," huling katagang binitawan nito bago ibinalik sa lagayan ang telepono. "Sorry sa pag-iintay, Ma'am.Laura."

Umayos na si Laura ng pagkakaupo. Nakade-kuwatro pa siya at tuwid ang likod na nagpapamukha sa kaniyang mayaman. Idagdag pa ang gawa sa perlas na kuwintas at nangingintab na pouch.

"Matagal na obserbasyon pa po ang kailangan namin para magkaroon ng konkretong sagot sa tanong ninyo, pero kung pagbabasehan po ang mga kinikilos niya ngayon..." At saglit pang napalunok si Manuel bago nagpatuloy. "May posibilidad na may severe anxiety  po s'ya."

Hinila nito papunta sa gitna ng lamesa ang isang replika. Gayang-gayang sa ulo ng isang tao ngunit gawa lamang sa pininturahang goma.

"Nabubuo po ang anxiety kapag ang emotional brain, amyglada particularly..." pagsisimula nito habang itinuturo ang ibabang bahagi ng utak. "Ay na-o-overcome ang cognitive brain po natin."

Nanatiling nakatingin si Laura sa ipinapakita ng doktor ngunit hindi niya lubusang naiintindihan ang ang eksplenasyon nito. Aminado naman siyang hindi magaling at hindi mahilig sa paksang patungkol sa siyensya. 

"Kung sakali nga pong may severe anxiety si Ethan. Paano at saan naman niya nakuha 'yon?" may pagtatakang tanong ni Laura.

"Dahil po sa trauma at stress kaya tayo nagkakaroon ng anxiety. Matanong ko lang po, may mga pagkakataon po ba na napapansin n'yong malungkot si Ethan o kaya naman ay maraming problema?"

Hindi na nakasagot pa si Laura. Hindi dahil sa wala siyang kakayahang magsalita kundi wala siyang karapatan dahil ni minsan ay hindi niya nasaksihan ang unti-unting paglaki ng anak.

vileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon