V05 | paghusga

45 8 2
                                    

DILIM na ang bumabalot sa kalangitan at tanging buwan ang kumikinang doon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DILIM na ang bumabalot sa kalangitan at tanging buwan ang kumikinang doon. Isang araw na naman ang magwawakas ngunit ang pangungulila ni Ethan ay patuloy pa rin.

Marahan siyang naglalakad sa gilid ng kalsada. Nakatanaw sa mga nadadaanang puwesto ng tindahan sa talipapa sa kanilang barangay.

Salubungan na ang mga taong namimili ng ulam lalo na sa pritong manok na mano-manong niluluto sa harap nila. Naeengganyo tuloy bumili ang mga nadaan dahil sa nakakagutom na amoy.

Isang linggo na ang nakakalipas nang pumunta siya sa Makati at isang linggo na rin na hindi nagparamdaman sa kaniya ang natatanging customer. Maging si Tin ay walang magawa kundi ang sumunod sa utos ni Venice na hayaan siya.

Ngunit kahit nakalaya na ang kaniyang pagkatao sa mundong kinagisnan ay wala pa rin siyang sayang maramdaman.

Laman ng kaniyang pilit na pagngiti ang pag-aalangan at maraming katanungan sa nangyayari.

Kasabay ng kaniyang kapit sa patalim na pagsasakripisyo ay ang paglaho ng dahilan niya. Wala na. Hindi na muling nakipagtipan o nakipagkita si Ivy sa school at miski sa bahay nito. Hindi niya na mahagilap ang minamahal.

Nakawala man siya sa hawla ay wala ring saysay. Wala ang magandang mundong inaakala niya.

Mas lalo niya pang ibinaba ang suot na itim na sumbrero nang makarating sa harap ng botika. Sinamantala niya na walang ibang bumibili.

"Robust nga po, isang kahon," halos pabulong na sabi ni Ethan sa dalawang lalaking nagtitinda kasabay ang pag-abot ng bayad.

Ilang beses na siyang nakakabili niyon ngunit hindi pa rin mawala ang hiya dahil sa maaaring isipin ng mga makaririnig. Panghuhusga na ayaw na ayaw ni Ethan.

Agad na naghanap ang lalaking naka-gel ang buhok. Kunot na kunot ang noo nito at walang tigil sa pagsilip sa mukha ni Ethan habang nililibot nito ang patong-patong na kahon ng gamot.

"Ikaw ba si Ethan...Ethan Cruz?" tanong nito habang inaabot ang maliit na kahon sa binata.

Napatingala si Ethan at tiningnan ang mapayat na tindero. Hindi naman pamilyar ang mukha nito kaniya. Wala siyang maalaalang pagkakataon na nagkita sila noon.

"P-paano n'yo po ako nakilala?" seryosong tanong ni Ethan ngunit wala siyang nakuhang sagot.

Sa halip ay nagkatinginan lamang ang dalawang lalaking nagtitinda. Kalakip ang ngiti na may katumbas na kahulugan sa kanilang isipan. Walang humpay na tinginan na tila may pinapaabot na mga salita.

"Wala, ito na 'yong binili mo," turan ng mapayat na lalaki.

Kinuha na lamang ni Ethan ang sukli at kahon na nakapatong sa gawa sa salaming estante. Bagay na nasa pag-itan ng mamimili at nagtitinda.

Lalo pang nakadagdag sa kaniyang pagtataka ay ang pagturo sa puting pulseras niya ng lalaking nagbigay ng kahon. Tila ipinapakita ito sa kasama. Isang ebidensya. Isang patunay.

vileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon