𝓞𝓷𝓮

12 0 0
                                    


𝓐𝓷𝓰 𝓐𝓴𝓲𝓷𝓰 𝓛𝓲𝓱𝓲𝓶

Mayroon akong pinakatatagong lihim
na tanging ako at ako lang ang nakakaalam.
Kung iyong tatanungin
ay hindi ko sasabihin,
ngunit kung ako ay iyong pipilitin
mamarapatin kong ika'y pagbigyan.

Sa oras na iyong malaman,
'wag mo sana akong kasuklaman,
hindi ko naman iyon nais gawin,
ako'y isang biktima lang din.
Biktima ng mapanghusgang mundo
at mapanlinlang na tao.

Heto na,
Ako ay isang mamamatay-tao,
sa loob ng isang madilim na silid
doon ay may ikinulong ako,
ang hirap at sakit ay kaniyang dinanas
sa mga kamay kong marahas.

Kung iyong tatanungin, ba't ko ito ginagawa?
dahil sa ganitong paraan
pakiramdam ko ako ay malaya,
kalayaang sa akin ay ipinagkait
kaya sa puso ko'y namuo ang galit at sakit
na tanging dugo at buhay ang magiging kapalit.

Heto ako ngayon, nasa harapan niya,
kaniyang mga mata'y nagmamakaawa,
kaniyang mga luha'y patuloy sa pag agos
sa kaniyang sasapiting kalunos-lunos.

At heto, sa paglapat ng aking mga balat
sa malamig na bakal,
sa isang kalabit,
ang kaniyang mga mata'y nagsimula nang pumikit.

Ako ay isang mamamatay-tao,
— 'pagkat sarili ko'y pinatay ko.

𝓢𝓽𝓪𝓻𝓼 𝓪𝓷𝓭 𝓥𝓮𝓻𝓼𝓮𝓼Where stories live. Discover now