𝓣𝔀𝓮𝓵𝓿𝓮

4 0 0
                                    


Mahal kita, ngunit mas
maigi nga sigurong
ang mga salitang ito'y
ipaanod na lang sa agos
ng tubig sa ilog kaysa
naman sarili ko ang hayaan
kong malunod.
Ipapadala sa ihip ng hangin, 
kasabay nang paglubog ng
araw, mula sa malayo'y ika'y
aking tatanawin, tatalikod,
sisimulang ihakbang ang
mga paa palayo sayo, 
'pagkat ayaw ko ng labis na
madurog pa ang aking puso.

Sa huling sandali ay hayaan
mong banggitin ko
— Mahal kita,
pasensya na ngunit
ako'y aalis muna, 
para makalimot, 
hilumin ang sugat, 
pagaanin ang bigat
ng kaloobang
punong-puno ng mga
ikinubling salita. 
— Paalam muna.

𝓢𝓽𝓪𝓻𝓼 𝓪𝓷𝓭 𝓥𝓮𝓻𝓼𝓮𝓼Where stories live. Discover now