𝓝𝓲𝓷𝓮

4 0 0
                                    

𝓓𝓮𝓪𝓽𝓱 𝓟𝓮𝓷𝓪𝓵𝓽𝔂; 𝓟𝓪𝓱𝓪𝔂𝓪𝓰 𝓝𝓰 𝓘𝓷𝓸𝓼𝓮𝓷𝓽𝓮

Ako'y ikinulong sa rehas na bakal.
Ako raw ang siyang nasasakdal.
Pinaratangan sa krimeng hindi ko ginawa,
hatol na kamatayan sa aki'y isasagawa.

Buhay ko'y inilagay sa kamay ng tao,
ni hindi naman nila batid kung ano ang totoo.
Hustisya! aking turan at sigaw hanggang huling hininga,
Hustisya! para sa katulad kong isa lamang biktima.

Kamatayan, mainam nga bang solusyon at paraan?
Paano kaming mga inosente't naparatangan lamang?
Kami ba'y mabibigyan pang kalayaan?
O mamamatay ng walang kalaban laban?

Death Penalty imoral na maituturing,
sa sistema ng pamahalaan ito'y pwedeng dayain
'pagkat habang may mga namumunong ganid sa salapi,
kaming mga inosente ang mananatiling api.

𝓢𝓽𝓪𝓻𝓼 𝓪𝓷𝓭 𝓥𝓮𝓻𝓼𝓮𝓼Where stories live. Discover now