𝓜𝓲𝓷𝓼𝓪𝓷 𝓚𝓸 𝓝𝓰—
Minsan ko ng ninais
na ako'y maging buwan
na tatanglaw sa'yong kadiliman
sa sandaling ang araw
ay lumisan.Minsan ko ng hiniling
sa mga tala sa kalangitan
na sana ikaw na lang at ako
ngunit ang pag-ikot ng mundo
ay tila hindi umaayon sa aking gusto.Minsan ko ng sinubukan,
kalimutan na lang ang nararamdaman,
sa huli ako'y talo at bigo,
pag-ibig ko sayo'y hindi madaling maglaho.Minsan ko ng kinalimutan,
ibinaon sa limot,
inalis sa aking isipan,
ngunit ang mga tala sa kalangitan
pinapaalala ang nakaraan,
mga ala-ala na kahit kailan
ay hindi mabubura.
YOU ARE READING
𝓢𝓽𝓪𝓻𝓼 𝓪𝓷𝓭 𝓥𝓮𝓻𝓼𝓮𝓼
PoetryPoems are stars as well as verses. A compilation of poems that need to be told.