𝓢𝓪𝓷𝓪
Sa bawat tanong na
"Kamusta ka?"
sana'y ang mga katagang
"Ayos lang ako"
ay aking mapanindigan,
sana'y hindi nila mahalata
na ito'y hindi totoo
at pawang kasinungalingan lamang.Sa bawat ngiting ipinapakita,
sana'y hindi nila marinig
ang puso kong wasak
na umiiyak
sa labis na sakit
at paghihirap.Sa bawat tawa at halakhak,
sana'y hindi nila makita
ang mga takas na luha,
ang mga matang nagsasabing
hindi ko na kaya.Sa lahat ng sana na aking hiling,
itong huli'y
kung maaari'y Iyong tuparin.Sana'y sa muling pagsapit ng umaga,
ako'y hindi na muling magising pa
'pagkat pagod na akong imulat
ang aking mga mata.
YOU ARE READING
𝓢𝓽𝓪𝓻𝓼 𝓪𝓷𝓭 𝓥𝓮𝓻𝓼𝓮𝓼
PoesiaPoems are stars as well as verses. A compilation of poems that need to be told.