Lord, ako na lang.

23 0 0
                                    

Sinabi ko „to kay Lord noong nilalagnat pa ako sa bahay namin. Noong nilalagnat pa lang ako, nilalagnat na rin ang inay ko. Pag pinupunasan nya ako or pag dinadalhan nya ako ng gamot sabi ko sa kanya magmask sya kasi nga inuubo na rin ako non tsaka baka nga infected na kami kasi hindi pa kami nasswab dahil that time e hindi pa nalabas yung result no‟ng close family member namin na nakasama namin. Noong lumabas na positive sya, sinwab test din kami. Nag-isolate kami don sa isang bahay ng tito ko na walang nakatira na katapat lang ng bahay namin habang naghihintay ng result. Kami lang dalawa don ng Inay. Nakita ko kung paano sya nasstress araw-araw habang naghihintay, hindi makakain, mahapdi lagi ang tiyan, hindi makakatulog tapos isip ng isip ng kung anu-ano. Hindi ko akalain na ipagpapasalamat ko kay Lord na nagkavirus din ang Inay ko.


Weeks before we had a „contact‟ with a close relative who tested positive, my Inay was so busy. E noong mga panahong yon, kaming tatlo lang sa bahay. Ako, yung kapatid kong bunso tsaka sya kasi yung dalwa kong Ate may work tapos hindi sa bahay umuuwi tapos yung Tatay ko naman may work din sa malayong lugar. So ayun na nga. Sobrang busy ng inay ko. Pagkagising nya ng morning direcho tahian sya agad. Patahian kasi ang business namin pero due to pandemic nga, natengga ang business kaya inabala ng inay ang sarili nya sa katatahi ng masks, PPE, etc.. Ang pahinga lang ng Inay ay kakain or meryenda tapos ako pa nagluluto dahil wala syang choice (sa kasamaang palad ay hindi ako gifted sa pagluluto kaya salamat kay mareng youtube talaga. HAHAH) tapos sa gabi hindi na yun kakain. Basta mag-mamassage chair lang yun tapos borlogs na. So namayat talaga sya.


Siguro sabi ni Lord sa inay ko "Pahinga ka muna anak. Masyado ka nang pagod..". True to his words, tumaba ang inay ko sa facility. Nakapagpahinga sya ng sobra sobra. Napakabait ni Lord.Another reason: let‟s say na kami lang ng ate ang nagpositive tapos sya hindi. Ay inakupu lalo lang yong masstress at mamamayat tapos siguradong hindi yun makakatulog pati kami dahil tatawag yon maya‟t maya. E yun ngang pamangkin lang ng Inay na nagka-COVID dun sa Dubai e minsan pag nagigising ko ng madaling araw e naririnig ko magkapulong sa selpon tapos kita ko lagi ang eyebags na mabebenta ng wampiti per kilo. E paano pa kaya kami na anak nya na mismo ang nagkavirus? Kaya buti na lang talaga nagkavirus din ang Inay.So kapag hiningi mo kay Lord na ikaw na lang at wag na sila, you‟re doubting his ability to make miracles on others. Let us all remember that He is a very powerful God who can transform a storm into a very beautiful disaster.

My Covid-19 JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon