Don't let the Lord do all the work.

5 0 0
                                    

August 16, Sunday morning. Parang bigla na lang ay nag-ting! sa isipan ko kung bakit positive ang result ko ng August 15. Oo, nagpepray ako for healing. Oo, maraming nagpepray para sakin tsaka sa family ko. Oo, kasama ko si Lord sa laban pero narealize ko hinayaan ko lang pala si Lord. Iniasa ko sa kanya lahat ng trabaho. Sabi nga "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.". Kasi yung ginawa ko, talagang nagpray lang ako tapos kumain at natulog lang. Humingi ako ng tulong kay Lord pero nagpetiks ako sa gyera. Lumaban si Lord para sakin pero ako yung hindi lumaban para sa sarili ko.


I was advised to drink more fluids and gargle warm water by the nurse upon admission kasi nga may ubo ako. Tapos sabi ng inay pakuluan ko lang daw ng pakuluan yung luya hanggang sa umanghang tapos inumin ko. Tapos magsuob din daw ako.


Nasunod ko naman yung drink more fluids kahit maya‟t maya ako umiihi pero di ko masyadong nasunod yung gargle warm water. Nag-ga-gargle naman pero hindi regularly. Hindi rin ako nagpapakulo ng luya sa initan ng tubig dahil ang iniinom ko e yung 12 in 1 na herbal powdered tea tapos yun yung nilalagyan ko ng luya pero kalaunan di ko na nilalagyan dahil tinatamad akong magtalop. Hindi rin ako nagsusuob dahil sobrang hindi ko gusto ang pakiramdam. Parang mauuna akong madeads kaysa dun sa virus.


Sakto na topic namin ng August 15 sa OLG na "Surrender to the authorities.". I realized needed to obey the nurse and my Inay. Dapat lumaban din ako talaga. Dapat may din gawin ako kasi nga team work always makes the dream work. Kaya simula noon, sinunod ko lahat ng payo sila kahit na napakahirap noong magsuob, sige gora lang. Narealize ko na kaya pala sobrang parang feeling ko na ginagawa akong steamed siomai noong unang suob ko ay dahil comforter and gamit kong kumot no‟n at hindi regular cloth.


Anyway, madalas gano‟n tayo. Iniaasa natin lahat kay Lord. "Lord, I need financial breakthrough", "Lord, gusto kong makapasa sa exam", "Lord gusto ko ng trabaho.", "Lord, gusto ko nang gumraduate.". As for me, I prayed for healing. Paano ka magkakafinancial breakthrough kung nakatambay ka lang sa inyo at walang ginagawa kahit ano para magkafinancial breakthrough? Paano ka makakapasa sa exam kung di ka naman nag-aaral? Paano ka magkakatrabaho kung di ka naman nag-aapply? Paano ka makakagraduate kung wala ka namang balak tapusin yung thesis nyo?


Tapos pag hindi binigay ni Lord, magagalit tayo e hindi naman genie si Lord. We serve the Lord, not the other way around. Friends and enemies, when we feel like the Lord fails us, don‟t be mad kay Lord. Don‟t blame the Lord because he will never fail us. Jeremiah 29:11 says "For I know the plans for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future". So assess yourself. Be humble enough to admit your mistakes and your shortcomings then do something about it.

My Covid-19 JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon