First swab ko ay July 26, lumabas ang result na POSITIVE at dinala kami sa facility ng July 29, nagsecond swab ako ng August 8, lumabas ang result na NEGATIVE tapos nathird swab ako ng August 12. I was really anticipating to come home because that is the last swab test at pag nagnegative yon, makakauwi na ako.
August 14, Friday ng hapon nalaman ko na lumabas na yung result ng mga kasabayan kong naswab. Hindi ko rin alam kung bakit hindi pa lumalabas yung sakin na result pero may tiwala naman ako dun sa nurse na sasabihin din naman yon kung nandon na kaya naghintay na lang ako. Naghanap ako ng pedeng pagkaabalahan kasi baka kaya hindi pa lumalabas yung result ko dahil baka may gusto pa sakin ipagawa si Lord. Iniisip ko rin no‟n yung tanong sakin ng OLG people kung handa na raw ba ako sa testimony ko. Sabi ko sa leader namin e hindi pa kasi hindi ko alam ang sasabihin. Nagtry din kasi akong magbasa ng ibang testimonies online pero bat parang hindi naman ako masyadong nastress? Bakit konti lang yung iyak ko mga 3 mL lang? Bakit parang wala pa akong nagiging desperate prayer? Kahit na there is a big chance na magpa-positive ako dahil may ubo pa ko, I was so positive that night na magiging negative yung result ko. Napatanong tuloy ako kay Lord: "Lord, yun na yon? Para kasing no sweat eh. Di ko masyadong feel."
August 15, Saturday. Maaga akong gumising, nagbreakfast agad, tapos naligo ng maaga. Tinry ko rin iayos yung maleta tsaka malaking eco bag. I was so positive na makakauwi na ako that day. Pinractice ko na rin yung Fight Song. Nagpapractice na rin ako ng testimony ko. You know what? Sa sobrang positive ko, nagpositive din yung result ko. I was back to zero. Lumbay ako eh. Hindi naman ako nawalan ng pag-asa. Nalungkot lang ako kasi alam ko na kaya ako nagpositive kasi may gusto pang ipagawa sakin si Lord doon. I was there for a purpose. Ang nakakalungkot kasi ay hindi ko makita kung anong purpose pa. I deactivated all my social media accounts, gumawa lang ako ng bago para macontact ako ng nurse sa nurse station tsaka sa iba pang super important people in my life. I reflected and I looked for his reasons kung bakit until I realized na gusto ni Lord ayusin yung testimony ko. Gusto nya pa akong bigyan ng time para makapag-isip at magreflect.So you don‟t challenge the Lord. You don‟t underestimate what he can do to your life because he can turn the tables in ways you can never imagine.

BINABASA MO ANG
My Covid-19 Journey
Non-FictionMy Covid19 Survival Journey. Understanding my purpose. "My life is not worth nothing unless I use it for doing the work assigned me by the Lord Jesus -- the work of telling others the Good News about God's wonderful kindness and love." Acts 1:7-8