Paano na yung mga chismosa sa amin?

16 1 0
                                    

Oo, tinanong ko yan kay Lord. Kasi kilala ko mga chismosa sa amin at kachikahan ko nung isang araw. CHAROT! Sila yung may mga diabetes na, blood pressure, may anxiety, madaling mastressed, isip ng isip ng kung anu-ano tapos karamihan mga guchi na. Sa tunay naniniwala akong mas stressed pa sila kaysa sakin noong sinundo kami ng ambulansya. Hindi kasi kami sa bahay itinest. Nakiusap yung close relative namin na kami na lang ang pupunta sa City Hall para magpatest kaysa puntahan sa bahay which is a good decision din para less chismis and less panic sa mga kabarangay namin.


At tulad ng inaasahan, nagpanic ang sambayanan noong sinundo kami sa amin kasi ambulance yon tapos clear yung glass ng driver and shotgun seat so kitang kita nila na mga naka-ppe ng bongga yung susundo tapos sa kasamaang palad pa naman e nasa sulok ng kabukiran ang bahay namin kaya kailangan talagang magtanong noong nagmamaneho ng ambulance kung saan ang bahay namin. Wala rin kasing alam kahit mga kapitbahay namin na tinest kami e. Nalaman lang nila sinusundo na kami. HAHAHAHA


I really prayed for the Lord to heal their anxiety and troubles and panic because they don‟t know what they're doing.


We should stay calm, be informed, wag puro chismis, read, listen or watch the news from reliable sources at hindi puro sa trolls at fake news sa social media, follow safety protocols and cooperate with the LGU. Kung may nakasalamuha ka na nagpositive sa Covid, don‟t be afraid na magpatest because kapag contact tracing I think it‟s free kasi free yung samin eh. Kung takot ka sa chismosa dyan sa inyo na kesyo baka pag-usapan ka or iwasan ka or something, mas matakot ka sa sarili mo dahil hindi mo alam kung infected ka or hindi.Sabi nga ni Fr. Jerry Orbos, we‟re all in the same boat in this storm and we must not rock the boat kasi lalong tataob ang barko. We should stay calm and wait for the Lord.

My Covid-19 JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon