"Once again, lets clap our hands for Mr. and Ms. Carsowela" sobrang lawak ng ngiti ni dads at Mams ngayon na kasalukuyang nasa stages
ramdam ko talaga kung gano ka saya ang magulang namin, cause they really wanted na maging top 1 kami sa ranking, even though palagi naman kaming nasasali sa top 5 pero nasa top 4 at 3 lang ang rank namin, nag rorotate lang palagi
at ngayon, sobrang proud ako sakanila cause all of their efforts, nasuklian ng gusto nilang makamit, they really works hard para maging top 1 sa ranking
"I'm so proud of you mams, dads!" salubong ko sakanila ng bumalik sila sa aming table galing sa stage, wala si ate dito kasi nagpa alam na mag restroom
"Thankyou sweetie, lahat ng to ay para sainyo" then dad kissed my forehead also mams caressed my hair
___
I'm on why way to the restroom, nagpa alam mona ako sakanila, medjo na ligaw pa ako sa daan papuntang restroom kasi napaka laki ng venue at maraming mga business partners ang nag uusap sa kahit anong sulok ng venue, kumakain pa kasi ang lahat kaya ganon
"I'm so sorry" sabi ng babae na nakabangga saakin kasi nagmamadali itong tumatakbo, hindi na nya ako nilingon pa kasi nagmamadali talaga sya
"Couz!" sigaw ko kay ttaelida
Sya pala yong babaeng naka bangga sakin, hindi ko kaagad na pansin na sya yon kasi naka talikod syang tumatakbo palayo sakin, at naka ponytail pa ang buhok nito"Oh sht, ikaw pala yon sorry" hingal na hingal itong bumalik sa pwesto ko
"Anyare sayo te?"
Hindi na nya ako sinagot pa at hinatak na nya ako kung saan kayat nagpa hatak nalang ako, wala na akong choiceDinala nya ako sa likod ng venue kung saan napaka tahimik, hindi na abot dito ang sound systems na nasa loob at mukhang walang tao, at kaunti lang din ang lights na narito, natakot ako kasi mukang nakakatakot dito, at gabi na rin
"ttaelida, anong ginagawa natin rito, bumalik na tayo, natat—. Hindi nya ako pinatapos magsalita kasi tinakip nya ang kanyang palad saking bibig at sininyasan akong tumahimik
"Sumunod ka" pa bulong na sabi nito
katakot naman, ano bang kalokohan ang iniisip ng babaeng to
Sumunod naman ako sa kanya at ginaya pa ang posisyon ng paglakad nya, sobrang Ingat sya sa kanyang lakad, kaya nag ingat din ako, huminto sya sa may dinding at syempre huminto din ako
"Wag kang maingay, silipin mo" bulong nito at sumilip din ako kung saan sya sumisilip
sino yon? si max bayon?
"Si max bayon?" tanong ko
"Panoorin mo nalang"Napairip nalang ako at tinoun ang atensyon don, habang si ttaelida ay nagkukuha ng video para ebidensya daw kung sakali
Sino yung lalaki na kasama nya ngayon? Bakit sila nandito? Kasali din ba sila sa event?
Nag uusap lang naman sila, hanggang inabot ng lalaki ang kamay ni max at hinalikan ito, kasunod nito ay hinalikan ng lalaki ang leeg ni max papunta sa kanyang panga, at papuntang hala——-😲
Sobrang gulat ko kasi biglang sumulpot si Keullin at malakas na sinuntok yong lalaki, as-in sobrang lakas, dinig na dinig padin namin kahat medjo malayo kami sakanila
naka higa na ang lalaki ngayun sa sahig, hirap bumangon
"Walang hiya ka! Binigyan na kita ng isa pang chance pero anong ginawa mong malandi ka ha?!" sigaw nito sakanya, ramdam na ramdam ko ang galit nito at hindi nya ma control ang emotion nya