"Taena ang tagal ni Ken" nayayamot na saad ni Josh. Kanina pa kami dito sa tambayan namin at totoong ang tagal ni Ken.
"Sayaw na sayaw na ako kanina pa" saad naman ni Stell habang pinapanood ang dance practice noon nila papa.
May pasok kami ngayon at hinihintay namin si Ken na lumabas sa bahay nila dahil sabay sabay kami palaging pumapasok. Minsan nga kapag sobrang tagal na ni Ken lumabas at feeling namin malelate na kami, iniiwan na namin yan, kainis.
"Taena mo, ang tagal mo" bungad agad ni Sejun kay Ken paglabas ng bahay nito. Naglakad na agad kami papuntang school, tutal walking distance lang naman.
"Jah, kasali ka sa contest ng arts club?" Napailing ako kay Stell.
"Ayokong sumali, alam ko naman kasing ako lang mananalo roon" saad ko sa kanila na sila namang kaniya kaniyang reaksiyon.
"Woah, lakas mo roon, dre" sabi ni Ken sa akin habang natawa pa.
"Oy, balita ko madaming sexy sa kabilang university" saad ni Stell na siyang nakatanggap ng isang malutong na kotong kay Sejun. "Aray ko, Sej, batok ka ng batok"
"Yung isip mo kasi walang nadudulot na maganda sa amin" natawa kami sa sinabi ni Sejun. Sa amin kasing lima si Stell yung mahihilig sa sexy, aba malay ko kung bakit.
Pero one time may kinuwento si mama sa akin, si Tito Lester daw ang medyo walang preno ang boses kapag dating sa ganyang bagay. Siguro namana ni Stell kay Tito Lester ang pagiging ganyan niya. Buti na lang medyo matino pa kaming apat.
Pagkarating namin sa school ay nagkaniya kaniya na muna kami dahil may mga sarili kaming schedule.
Si Sejun ay may meeting ngayon dahil siya ang class president ng section namin. Pagmemeetingan ata nila yung para sa upcoming foundation week.
Si Stellvester naman ay pumunta ng court dahil pinapatawag ng coach niya sa basketball, dalawang araw din kasing hindi nakaattend si Stell ng practice nila dahil sumama sa amin para magpractice ng sayaw.
Si Ken ay dumiretso na ng room dahil may gagawin pa raw siya, malay ko kung ano, makikipag-usap lang naman ata siya sa chicks niya sa room, chickboy kasi.
Si Josh naman ay pumunta sa dance club dahil siya naman ang treasurer, kasali rin kaming apat sa dance club pero si Josh ang pinaka active na member.
At ako naman, nandito sa canteen dahil nagutom ako, maaga pa naman kasi at saka may gusto akong makita rito. Kumaway ako sa kaniya nang makita ko siya sa isang sulok.
"Jaaaaah," lumapit ako sa kaniya at nakipag apir. "Kamusta? Namiss kita,"
"Hindi ka muna umuwi para makita ka ni mama, ilang araw kang hindi umuwi sa bahay tapos ayan agad bungad mo" saad ko kay Ate Agate.
"May pasok ako ngayon kaya dumiretso na ako rito sa school, kamusta si mama at papa?" tanong niya habang may nginunguyang bubble gum.
"A'yon nag-aalala na sa'yo, ilang araw ka ba namang hindi umuwi, nauubos na yung idadahilan ko sa kanila. Hindi ko nga alam kung bakit naisipan mong sumali sa mga gang na yan, tignan mo tuloy sarili mo, nagiging monster na itsura mo, kaya ka hindi nagugustuhan ni Josh eh" panenermon ko sa kaniya kaya nakatanggap ako ng suntok sa braso. T*ngina, kababaeng tao ang lakas manuntok.
"Don't mind my business, Jah," saad niya sa akin, bumuntong hininga ako. Ano pa nga bang magagawa ko? Siya nga walang pakielam sa ginagawa naming magkakaibigan.
"Ate, bakit hindi ka na lang tumuon sa pagiging graphic artist mo? Doon maayos ka pa, walang gulong sinasangkutan, hindi ngayon na puro pakikipag-away inaatupag mo" sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko, pagkatapos ay umalis na. Napabuntong hininga ulit ako, kahit kailan ang pasaway niya talaga.
Oo, myembro ng isang gang ang ate Agate ko at hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya sumali roon kasi never niya namang sinasabi sa amin. Hindi ako sasali sa gang, never, alam din ng mga kaibigan ko yung about kay Ate Agate kaya lalong nainis si Josh sa kaniya na crush niya noon pa.
Sumali sali ng gang, torpe naman pagdating sa crush.
Hindi rin pala alam nila papa at mama na may gang si ate, kahit kating kati na akong sabihin sa kanila ayoko namang mapahamak si Ate kaya kahit na ubos na ako ng idadahilan ko todo takip pa rin ako sa mga ginagawa niya.
"Tulala na naman si Justin" doon lang ako nabalik sa reyalidad nang marinig ang boses ni Ken habang nagpractice kami ng sayaw dito sa dance studio kasama ang ibang member ng dance club.
"May iniisip lang" sabi ko sa kanila. Napatingin kami sa pumasok ng pinto.
"Guys, meet Angel, transferee and sa club natin siya sasali" sabi ni ate Irish. Napatingin kami sa babaeng kasama niya, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at masasabi kong nasa mababang estado lang siya ng buhay dahil sa way ng pananamit niya.
"Nakalipat pa siya? Nasa kalagitnaan na ng school year" rinig kong bulong ni Sejun. Lahat kami nagtataka dahil tulad ng sinabi ni Sej, masiyado nang late ang pag-enroll niya.
At feeling ko may kakaiba sa kaniya.
BINABASA MO ANG
SDS 2: Their Son's Secret
FanfictionGusto nilang sundan ang yapak ng kanilang mga tatay sa mundo ng performing, gusto nilang makilala rin sa buong mundo, gusto nilang magkaroon ng maraming tagahanga, at higit sa lahat gusto nila magkaroon ng matibay na pagkakaibigan. Ngunit isang desi...