Nagsimula na nga kaming magpractice at ang weird ni Ken dahil nagagalit siya kahit sa maliit na pagkakamali lang. Alam ko naman na need namin maging malinis yung performance pero kasi sobrang strict niya ngayon. Kahit yung mga kaibigan niya napapapitlag kapag nasigaw siya eh. Bahala siya diyan.
Doon na sa part na with partner naming sasayawin yung HSH, iniba kasi ni ate Irish at ginawang with partner yung part ng chorus. Lumapit agad sa akin si Jethro na kasamahan namin. Hinawakan niya agad ako sa baywang dahil ganoon ang unang step.
Tumingin kami sa isa't isa nang magsimula ang kanta. Inikot niya ako at huminto ako nang nakatalikod sa kaniya, nakaback hug siya sa akin. At sa hindi malamang dahilan ay nagtama ang tingin namin ni Ken na malalalim ang pagkakatitig sa akin.
Ayan na naman ang mga paru paro sa katawan ko na tila'y kinikilig pa ata sila. Dahil sa titig niya ay hindi ko sinasadyang maapakan ang paa ni Jethro, napapitlag siya sa sakit.
"Sorry" bulong ko malapit sa tainga niya. Tumango lang siya sa akin at namula ang mukha. Ganyan talaga yan kapag kinakausap namin lalo na ako, namumula talaga yung mukha niya. Sabi niya naman mainit lang.
Napagitla ulit kami nang sumigaw si Ken at papunta sa direksyon namin ni Jethro.
"Sa thursday na yung performance natin pero hindi niyo pa rin maperfect?!" naiinis niyang tanong sa amin.
Duh. Wag mo kaya akong titigan.
Napapitlag ako ng hilahin niya ako palapit sa kaniya at hinawakan ako sa beywang. Mayghad. Yung puso ko ang bilis na naman ng tibok. Ramdam ko yung laki ng kamay niya na nakahawak sa beywang ko.
"Dapat kasi i-feel niyo yung sayaw" napatindig ang balahibo ko sa batok nang bumulong siya sa akin. Kusa ring gumalaw ang katawan ko at nakisabay sa way ng pagsayaw niya. Shocks. Nakakaba lalo na at ganito siya kalapit sa akin. Nanlalamig pa ata ang pawis ko. Ramdam na ramdam ko rin ang kaniyang maiinit na haplos sa kamay at beywang.
Rold, bakit naman ganito?
Nakarinig kami ng palakpak sa mga pintuan at nakita namin si ate Irish na nakatayo roon at nakatingin siya sa amin.
"Bakit hindi na lang kayo ni Ken ang magpartner sa part na yan, Angel?" tanong ni ate Irish na nagpalaki sa mata ko. Nagkatinginan din kami pero umiwas din ako agad ng tingin.
"What do you think, guys?" tanong pa nito. Napatango ang lahat at sumang-ayon.
"Oo nga, dre, bagay kayo" nagpipigil na ngiti ni Stell habang nakatingin sa amin.
"Bahala kayo" sabi niya sabay labas ng dance studio. Napahagalpak sa tawa yung mga kaibigan niya. Pare-parehas silang buang kaya siguro naging magkakaibigan silang lima.
Naririndi ako sa ingay ng mga nanonood ngayon ng basketball. Nandito kami ngayon sa gym at katabi ko yung apat pati na si Rica. Laban ngayon nila Stell at nandito kami ngayon sa gitnang bahagi ng mga bleachers dahil maganda raw yung pwesto dito sabi ni Sejun. Mahilig rin kasing manood 'to ng basketball sabi niya.
"Sino bang nakaisip na magsuot pa tayo ng ganito? Ang baduy, dre" reklamo ni Ken. Nakasuot kasi kami ng damit na may tatak ng pangalan ni Stell at number pa ng jersey niya. Ang nakaisip nito ay si Rica.
"Ayaw mo 'non support kay Stell" sabi ko sa kaniya. Kasi sa totoo lang magandang idea rin ito. Hindi na lang siya sumagot pero nakabusangot pa rin ang mukha. Nakaramdam naman ako ng pagkauhaw.
"May dala kayong tubig diyan?" tanong ko sa kanila. Umiling sila sa akin kaya wala na akong choice, nagpaalam ako sa kanila na bibili lang ako tutal may mga stall naman malapit dito. Nag-cr muna ako dahil kanina pa ako naiihi pinipigilan ko lang kasi ang kulit nung lima kanina.
BINABASA MO ANG
SDS 2: Their Son's Secret
FanficGusto nilang sundan ang yapak ng kanilang mga tatay sa mundo ng performing, gusto nilang makilala rin sa buong mundo, gusto nilang magkaroon ng maraming tagahanga, at higit sa lahat gusto nila magkaroon ng matibay na pagkakaibigan. Ngunit isang desi...