Maaga akong nagising para tumulong na rin kila manang sa pag-aasikaso ng agahan. Kung mananatili ako rito kila tito Kean ay dapat tumulong ako sa mga gawaing bahay. Paggising ko kanina may mga damit na nasa loob ng kwarto kung saan ako natulog, ang sabi ni manang pinabili daw ni tita Yacci para sa akin.
"Good morning po" bati ko kila tito Kean at tita Yacci na sabay na bumaba.
"Good morning din, Angel, ang munting anghel" natawa na naman ako sa pagbati ni tito Kean.
"Tumulong ka kay manang?" tumango ako sa kaniya.
"Opo, tita at thank you nga po pala sa mga damit" sabi ko sa kaniya. Umupo na sila sa hapag kainan habang ako nakatayo sa gilid nila.
"Walang anuman, gamitin mo lahat 'yon ah, para sa'yo lahat 'yon" tumango ako sa kaniya. "Umupo ka na rin, sumabay ka na sa amin sa pagkain"
Tumango ako at tumabi kay tita Yacci. Aangal pa ba ako?
"Good morning" napatingin ako sa dalawang lalaking kadarating lang dito sa dining room. Si Ken yung isa at hindi ko kilala yung isa pa pero katulad ni Ken ay little version naman ito ni tito Kean.
"Kevin ito nga pala si Ate Angel mo, dito muna siya kasi wala siyang ibang matutuluyan dahil nasunugan siya kagabi" pagpapakilala sa akin ni tito Kean kay Kevin. Napangiti ako nang namula si Kevin, ang cute niya.
Siguro nasa grade 1 palang si Kevin, ang cute niya. Napatingin ako sa katabi ni Kevin na ang sama ng tingin sa akin. Tinarayan ko siya, ang aga aga ganyan agad siya makatingin.
"Kamusta na nga pala yung performance niyo sa foundation week, Ken?" tanong ni tito Kean habang nakain kami.
"Nakabisado na po namin yung mga step sa dati niyong kanta, pa, magpractice na lang po kaming mga nasa dance club" saad ni Ken sabay subo sa pagkain niya. Oo nga pala, nabanggit din sa akin ni ate Irish na may performance ang buong dance club sa darating na foundation week at kailangan kong makasunod sa mga steps.
"Angel," napatingin ako kay tito Kean. "Hindi ba kasali ka sa dance club? Kabisado mo na ba yung mga steps?"
"Actually, tito, kakapasok ko palang po kahapon at wala pa akong ibang alam sa mga steps kaya ang sabi po ni ate Irish, need ko pong makahabol para makasali sa performance" sabi ko. Hindi ko nga lang talaga alam kung paano ako makakahabol lalo na at mayroon na lang kaming dalawang linggo para magpractice. Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang academics ko sa dalawang linggo na 'yon.
"Bakit hindi ka magpatulong kay Ken o kaya sa mga kaibigan niya, what do you think, hon?" napatingin ako kay tita Yacci tapos kay Ken na nabilaukan ata. Buti nga sa kaniya.
"Good idea, Angel," pagsang-ayon ni tito Kean. Bumaling siya kay Ken. "Felip Jhon,"
"Po?"
"Narinig mo naman siguro ako?" sumimangot siya kay tito Kean at tumango. Narinig ko ang mahinang pagbungisngis ni tita Yacci. Tumingin si Ken sa phone niya tapos ay tumayo na siya kaya napatingin kami sa kaniya.
"Nandiyan na po sila sa labas, mauna na po ako," lumapit siya kila tito Kean at tita Yacci at hinalikan sila sa pisngi pagkatapos ay ginulo niya naman ang buhok ni Kevin. Napangiti na lang ako, buti pa siya maayos ang relasyon niya sa magulang niya.
Kinalabit ako ni tita Yacci. Pinatayo niya ako, hindi ko alam kung bakit.
"Sumabay ka na kay Ken, hindi mo alam papuntang university" tumango ako sa kanila at nagpaalam na rin. Pinisil ko muna ang pisngi ni Kevin bago lumabas. Ang cute cute talaga niya, hindi sa kaniya nagmana ng kacute-an si Ken.
BINABASA MO ANG
SDS 2: Their Son's Secret
FanfictionGusto nilang sundan ang yapak ng kanilang mga tatay sa mundo ng performing, gusto nilang makilala rin sa buong mundo, gusto nilang magkaroon ng maraming tagahanga, at higit sa lahat gusto nila magkaroon ng matibay na pagkakaibigan. Ngunit isang desi...