Angel's Point of View
Maaga akong umalis sa apartment kung saan ako ngayon nakatira, maaga rin umalis ang kasama at kaibigan ko rito na si Rica dahil parehas kaming may pasok pero siya ay sa Westview University habang ako naman ay sa trabaho ko. Bukas pa kasi ako makakalipat sa WU.
"Good morning, Ate Kate" bati ko sa kasamahan ko rito sa café.
"Good morning, Angel, ang munting anghel" natawa ako sa pagbati niya sa akin. Lahat kasi ng mga katrabaho ko rito ay ayan ang tawag sa akin dahil na rin kila Sir Kean at Ma'am Yacci na may ari nitong café.
Simula nang umalis ako sa amin ay natuto na akong magtrabaho at hindi nanghingi pa ng kahit na anong tulong o pera galing sa mga magulang. Okay lang naman dahil ayoko ring madungisan ang mga kamay ko dahil sa pagkakaalam ko ay hindi galing iyong sa mabuting kamay.
Oo, lumayas ako sa bahay namin, at ang tanging tulong lang na tinanggap ko sa kanila ay ang pagpasok ko sa WU dahil nandoon rin daw ang kuya Marvin ko.
"Magandang umaga, Angel, ang munting anghel ng aming café" bati sa akin ni Sir Kean. Binati ko rin si Sir, balita ko nga dati siyang myembro ng isang sikat na Ppop group dito sa Pilipinas. Ang gwapo rin kasi ni Sir Kean, ang swerte tuloy ni Ma'am Yacci.
"Good morning din po, Sir Kean," pumunta siya sa counter, kapag ganitong oras kasi tumutulong siya sa amin bilang isang barista ng café nila.
"Wala ka pa bang pasok?" tanong niya sa akin.
"Bukas pa po ang first day ko sa Westview University, sir" saad ko sa kaniya, napatingin siya sa akin.
"Magiging magkaschoolmate kayo ng anak ko" saad niya sa akin. Oo nga pala, may anak siya na dalawa pero never ko pa silang nameet dahil hindi naman sila nagpupunta rito sa café nila.
"Oo nga po eh, baka po magkita rin po kami roon" saad ko sa kaniya. Napakabait ni Sir Kean kahit minsan maloko siya at lagi kaming inaasar. Ang swerte rin pala ng mga anak niya sa kaniya kasi lagi nila sa amin pinagmamalaki yung mga anak nila lalo na yung panganay nila at proud na proud raw sila sa mga ito. Sana all.
Sila mommy at daddy kasi never naging proud sa akin, palaging si Kuya Marvin, kaya nga nagdesisyon ang umalis at maglayas sa bahay. Bukod pa roon, ayoko rin ng pamamalakad nila sa bahay, palaging maraming armadong lalaki sa bahay at feeling ko may pinagmeetingan sila roon.
Ayoko mang sabihin pero mayaman ang parents ko, oo, sila lang ang mayaman dahil hindi ako magiging katulad nila. Hindi rin kami magkasama ng kuya ko dahil mas pinili niyang manatili sa tabi nila mommy at daddy. Myembro si kuya Marvin ng isang gang kaya medyo layo rin ako sa kaniya dahil ayokong mapahamak ang buhay ko.
"Yoooow" napatingin kami sa pumasok sa loob ng café at nandiyan ang mga kaibigan ni sir Kean.
"Ang aga niyo naman akala ko mamaya pa kayo?" saad ni Sir Kean. Ako na muna ang pumalit sa pwesto niya at kinuha ang in-order nila.
"Ito kasing si Cullender atat nang makita ka" rinig kong sinabi ni Sir Lester. Palagi ba naman silang nandirito, malamang makikilala ko na rin sila.
"Ulul, kayo nagmamadali sa akin ah" natawa ako sa sagot ni Sir Cullender sa kanila.
"Nasaan si Issa, Jan?" tanong ni Sir Kean. Teka nga lang, bakit ba ang chismosa ko?
"Bakit mo hinahanap asawa ko?" Rinig kong tanong ni Sir Jan kay Sir Kean.
"Masama na ba hanapin si Issa? Parang ewan 'to"
BINABASA MO ANG
SDS 2: Their Son's Secret
FanficGusto nilang sundan ang yapak ng kanilang mga tatay sa mundo ng performing, gusto nilang makilala rin sa buong mundo, gusto nilang magkaroon ng maraming tagahanga, at higit sa lahat gusto nila magkaroon ng matibay na pagkakaibigan. Ngunit isang desi...