Secret Ten

508 30 4
                                    

"Kamusta naman ang foundation week?" tanong ni Tita Yacci.

Kumakain kami ngayon ng dinner. Infairness kumpleto sila na never ko nang naranasan simula nga yung nangyari kay mommy.

"Okay lang naman, ma. Nanalo nga sila Stell kanina sa basketball eh. Muntik na niyang hindi maishoot yung last seconds pero akalain mo 'yon nashoot niya, pa" kwento ni Ken.

Nadiskubre ko rin sa kaniya na pala kwento rin siya sa parents niya. Hindi lang pala siya sa amin madaldal, pati pala sa magulang niya.

"Magaling naman kasi talaga si Stell sa basketball katulad ng tito Lester mo"

Proud din si Tito Kean sa kaibigan niyang si Tito Lester. Sana all. Bumaling sa akin si Tito Kean. "Kamusta ka naman sa university niyo, Angel?"

"Okay lang naman po, Tito, medyo busy na rin po sa pagrereview kasi may parating kaming exam" napakunot ang noo ni Tita Yacci. Napatingin siya sa akin pagkatapos niyang punasan ang bibig ni Kevin.

"May exam kayo?" tumango ako. Bumaling siya kay Ken at ang sama ng tingin niya rito. "May exam pala kayo pero never pa kitang nakitang magreview"

"Ma, hindi ko na kailangan magreview. Talino ko na kaya, diba, pa?" pagyayabang pa nito. Natawa naman sa kaniya si Tito Kean.

"Anak, alam kong matalino ka na pero kapag ikaw bumagsak sa math, alam mo na" natatawang sabi ni Tito Kean pero may pagbabanta.

"Pa, walang pakielamanan ng gitara. May gitara ka naman eh" saad ni Ken sa kaniya. Ngumisi lang sa kaniya si Tito, infairness ang gwapo ni Tito Kean.

"So, magreview ka at gawan mo ng paraan, Felip"

Kamot ulong umakyat si Ken sa kwarto niya pagkatapos naming kumain. Mapipilitan tuloy siyang magreview. Nalaman ko kasi kanina na mahalaga sa kaniya yung gitara dahil hilig niya rin pala ito.

Napaisip tuloy ako. Maganda kaya ang boses ni Ken kapag kumanta? Never ko pa kasi silang narinig na kumantang magkakaibigan eh.

Nagreview lang ako hanggang sa mag-alas onse ng gabi pagkatapos ay nagdesisyon na akong matulog dahil bukas na ang last practice namin ng sayaw at need naming pumasok ng maaga.

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Hindi siya alarm, may tumatawag sa akin. Kinuha ko ito at sinagot.

"Hello?"

[Mag-uusap tayo mamaya, Angel]

Parang nagising ang diwa ko sa narinig kong boses.

"D-dad" tawag ko sa kaniya pero binaba niya agad yung call.

Ano kayang kailangan ni Daddy at napatawag sa akin?

Maagang natapos ang practice namin dahil kailangan daw naming magpahinga agad para may energy kami bukas sa performance.

"Pagod na pagod ako sa practice ngayon" reklamo ni Stell habang inikot ikot ang balikat niya.

Sa totoo lang, ngayon kami pagod na pagod sa practice dahil isang beses lang ang break namin. Talagang need namin maging maayos yung performance bukas, may mga darating kasi na bisita ang university.

"Hindi lang naman ikaw" sabi pa ni Sejun na halatang pagod din. Sa pagkakaalam nagpasundo sila sa papa ni Josh para ihatid na sila pauwi.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko at nabasa ang text ni daddy. Napatingin ako sa lima na masayang nakukwentuhan kahit halatang pagod na. Napangiti na lang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SDS 2: Their Son's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon