Binitawan niya ako nang makalayo na kami sa apartment ko na ngayon ay nasusunog.
"Anong pumasok sa isip mo at sumugod ka sa loob?" medyo galit na saad ni Kuya Marvin sa akin. Tumingin ako sa kaniya dahil nagtataka kung anong ginagawa niya rito.
"May alam ka ba kung bakit nasunog ang apartment namin?" napaiwas siya ng tingin. "Kuya!"
"Ano naman sa'yo kung meron?" napakuyom ang kamao ko. "Gusto kang pauwiin nila mommy"
"Kuya hindi mo ba alam na maraming nadamay na tao?! Nadamay yung tirahan nila! Paano na sila ngayon?!" sigaw ko sa kaniya. Kahit kailan hindi siya nag-iisip, puro utos lang nila mommy ang sinusunod niya.
"Wala akong pakielam basta umuwi ka lang" saad niya.
"Pwede mo akong sabihan na lang! Bakit kailangan mong sunugin yung apartment namin?!" naiiyak 'kong saad sa kaniya. "Dahil sa ginawa mo, sa tingin mo uuwi ako? Mas lalo ko pang hindi gugustuhing umuwi sainyo"
Tinalikuran ko siya at bumalik kung nasaan si Rica, nang makita niya ako ay bigla niya akong niyakap.
"Akala ko may nangyari na sa'yong masama, bakit kasi sumugod sugod ka pa doon?" sermon niya sa akin. Pinakita ko sa kaniya yung kinuha ko.
"Alam mo namang napakaimportante nito sa akin lalo na yung nasa loob ng wallet na 'to" sabi ko sa kaniya. Hindi namin alam kung saan kami tutuloy ngayon, tanging natira lang sa amin ay yung gamit namin school na dala namin.
Nag-stay lang kami roon sa tapat ng apartment namin. Nanghihinayang kami dahil hindi pala dala ni Rica yung laptop niya kaya hanggang ngayon wala siyang tigil sa pag-iyak at kanina ko pa siya pinapatahan.
May dumating na magsusundo sa kaniya.
"Sure kang hindi ka sasama muna sa akin?" tanong niya. Umiling ako sa kaniya.
"May magsusundo naman sa akin dito eh" pagsisinungaling ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin pero halata pa rin ang lungkot sa mga mata niya.
Napabuntong hininga ako nang ako na lang ang mag-isa rito. Wala pa naman akong kakilala rito sa lugar namin, katulad ng sabi ko ay iwas ako sa mga tao dahil natatakot akong makilala nila ang pamilya ko.
"Angel!" napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko sila sir Kean, napatayo ako sa kinauupuan ko.
"Buti naman at okay ka lang" may pag-aalala sa boses ni Ma'am Yacci habang tinitignan ako.
"Paano niyo po nalaman ang nangyari?" tanong ko sa kanila.
"Nahagip ka sa balita kanina na pumasok sa loob ng apartment na yan, kaya dali dali naming pinuntahan ang address mo, buti na lang at okay ka lang," sabi ni Sir Kean.
"Salamat po, pero okay na rin naman po ako"
"May matutuluyan ka ba ngayon?" umiling ako kay Ma'am Yacci, sa totoo lang bukod kila mommy, wala na akong kilalang kamang-anak namin.
"Gusto mo bang doon muna pansamantala sa bahay tumuloy?" tanong ni sir Kean. Mabilis akong umiling.
"Hindi na po, nakakahiya naman po, ang dami niyo na pong naging tulong sa akin" pagtanggi ko sa offer nila pero kalaunan din ay hindi ko na silang napigilan pang patirahin ako sa kanila. Ang swerte ko rin pala dahil sa kanila ako nagtatrabaho.
Pagkarating namin sa kanila ay pinapasok nila ako sa loob. Compare sa bahay ng parents ko ay medyo maliit pa ito, sakto lang para sa kanilang pamilya.
BINABASA MO ANG
SDS 2: Their Son's Secret
FanficGusto nilang sundan ang yapak ng kanilang mga tatay sa mundo ng performing, gusto nilang makilala rin sa buong mundo, gusto nilang magkaroon ng maraming tagahanga, at higit sa lahat gusto nila magkaroon ng matibay na pagkakaibigan. Ngunit isang desi...