Pagkatapos ng class namin ay pumunta na muna ako sa locker para kunin ang extra kong shirt. Sinabihan na rin kasi kami ni ate Irish na dapat ay may extra kaming t-shirt pamalit.
"Siya?" napatingin ako sa mga babaeng dumating. Mga nakaheels sila kaya mukhang matatangkad, magkakasing tangkad lang naman kami.
"Oo, siya, Skye" sabi ng isang babae habang nakatingin rin sa akin. Napakunot ang noo ko, kasamahan ko siya sa dance club. Nagcross arms sa akin iyong tinawag niyang Skye. Feeling ko siya yung pinaka kinakatakutan dito, yung mala queen bee ba.
"Ang sabi nila close ka raw sa lima" sabi niya, hindi iyon patanong bagkus ay sure pa siya. Hinarap ako sa kaniya, ito na nga ba ang sinasabi ko.
"Hindi ako close sa kanila" sabi ko lang at tinalikuran ko siya at nilagpasan, pero hindi pa nga ako nakakalayo ay hinatak na niya ako sa balikat ko.
"I'm talking to you, don't be so rude" saad niya. Bored akong tumingin sa kaniya at bakas din sa mukha niya ang pagkairita.
"Anong kailangan mo? Pwedeng sabihin mo na agad, may gagawin pa kasi ako" mahinahon kong sinabi sa kaniya. Napansin kong pinapaligiran na rin kami ng mga estudyante rito, ayoko nga ng ganito eh. Kainis.
Napakunot ang noo niya at tila'y mayroong inaalala, nagliwanag ang mukha niya nang maaalala niya na.
"I saw you sa news yesterday, isa ka sa nasunugan hindi ba?" napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Nagbulungan na tuloy yung nasa paligid. Lumapit siya sa akin at nag lean forward para magkapantay ang mukha namin. Nakaheels lang siya kaya matangkad siya. Tsk. "Willing akong magdonate kung need mo, magkano ba ang kailangan mo?"
Napabuga ako ng hangin dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Oo, nakaka offend, wala siyang karapatan na sabihan ako ng ganyan.
"Hindi ako tumatanggap ng donation lalo na kung galing sa maruming ugali na katulad ng sa'yo" sabi ko sa kaniya na ikinagalit niya. Totoo naman kasi yung sinabi ko, bakit siya magagalit?
"How dare you?!" sasampalin niya sana ako kung hindi lang sa marahas na humila sa kamay niya palayo sa akin.
"Touch her and I'll break this," tukoy niya sa braso nung Skye na hawak niya. Napaikot na lang ako ng mata. Tila'y natakot si Skye dahil wala na siyang sinabi at sinamaan na lang ako ng tingin.
Tumingin si Kuya Marvin sa paligid dahilan kung bakit nagsialis yung mga estudyante na nakikichismiss pagkatapos ay tumingin sa akin.
"Okay ka lang, lil sis?" tanong niya. Tumango ako sa kaniya at binitbit na ng maayos ang bag ko. May pasok pa ako sa café, nalipat na kasi ang shift ko ng hapon para uwian namin. Hindi nga pumasok si Rica, hindi ko tuloy nasabi sa kaniya kung saan ako ngayon tumutuloy.
"Saan ka ngayon nakatira?" tanong pa ulit ni Kuya Marvin. Habang matamang nakatingin sa akin. Kasabay ko siya sa paglabas ng building kaya napapatingin sa amin yung mga estudyanteng na dadaanan namin. Hindi ko siya inimik, pwede niya naman kasi akong hindi kausapin dito sa school. Knowing na kilala siya rito at mukhang maraming may takot sa kaniya.
Hinila niya ang braso ko kaya napaharap na ako sa kaniya nang makalabas kami sa building namin.
"Galit ka pa ba, lil sis?" tinignan ko lang siya. Bumuntong hininga siya at ginulo ang buhok ko. "I hate saying this pero I'm sorry, okay? Hindi ako ang totally na nagsunog ng apartment niyo"
"Kung hindi ikaw sino?" tanong ko sa kaniya. "At saka isa pa, at least alam mo yung gagawin nila, pwede mong pigilan pero hindi mo ginawa"
BINABASA MO ANG
SDS 2: Their Son's Secret
FanfictionGusto nilang sundan ang yapak ng kanilang mga tatay sa mundo ng performing, gusto nilang makilala rin sa buong mundo, gusto nilang magkaroon ng maraming tagahanga, at higit sa lahat gusto nila magkaroon ng matibay na pagkakaibigan. Ngunit isang desi...