Pagpasok ko sa room ay hindi ko pinansin yung apat sa unahan, ayoko silang makausap dito sa school dahil baka sugurin ako ng mga fans nilang lima. Kasunod ko lang dumating si Ken at mukhang nagulat pa yung apat dahil pumasok ito. Tumingin sila sa gawi ko pero tumingin na ako sa may bintana.
Sana maging isang ordinaryong araw lang ngayon. Hindi rin nagtagal ay pumasok na yung prof namin sa first subject at nagturo agad agad dahil ayaw niya raw nasasayang yung oras niya pero sa kalagitnaan ng pagtuturo niya ay napakwento na siya ng talambuhay niya. Aba, pakielam namin sa buhay niya? Lalabas ba yan sa exam namin?
Natapos ang first subject namin sa pagkukwento niya ng buhay niya sa klase, bored na bored na nga yung iba sa amin kaya nagcellphone na lang. Hindi niya naman nakikita kaya okay lang.
Nagdaan pa ang mga oras at lunch break na namin, nauna akong lumabas sa mga kaklase ko kasi ayokong makipagsabayan sa kanila pero hindi pa ako nakakalayo ay may mga kasabay na akong maglakad. Ang lalakas ng loob sumabay sa akin parang walang naging kasalanan eh, ingay pa nila kaya napapatingin talaga sa amin o sa kanila yung mga estudyante.
"Hi, Ken" napatingin kami sa babaeng humarang sa dinadaanan namin. Parang painting ang mukha nito dahil sa sobrang kapal ng makeup niya pero infairness ang sexy niya sa suot niyang damit. Wala kasi kaming uniform dito at free kaming magsuot ng kung ano-ano. Ewan ko ba sa patakaran ng school at walang pinagbabawal na damit, palibahasa puro mayayaman ang nag-aaral.
Dahil friendly nga itong limang 'to, nginitian ni Ken yung babae kaya ang nangyari namula yung babae na nagpakunot ng noo ko. Nginitian lang, namula na? Lakas talaga ng charisma nitong lalaking 'to pero mas malakas charisma ni Josh.
"Bakit?" tanong ni Ken habang nakangiti pa. Nagpacute yung babae sa kaniya. Teka nga lang, ano bang ginagawa ko rito? Dapat nga hindi ako sumasabay sa kanila kasi ayoko ng atensyon.
Nauna na akong maglakad sa kanila dahil nagugutom na ako, ayokong maiwan sa kanila na makikipag landian pa ata roon. Nagulat ako nang may biglang tumawag ng pangalan ko, pagtingin ko ay nakatingin sa akin yung babae kanina na ang sama pa ng tingin, pati na yung lima na nakangiti pa. Isama mo na rin yung mga estudyanteng nasa paligid namin.
Bumaling si Josh sa babae. "Sabi sa'yo meron na si Ken eh" sabi niya rito pagkatapos ay lumapit sa akin, hinila niya ako palayo roon. Nagpumiglas naman ako sa hila nilang lima.
"Ano ba?" reklamo ko. "Nakatingin na sila sa atin, bitawan niyo na ako" pero hindi nila ako pinansin hanggang sa makarating kami sa canteen.
Lahat sila napatingin sa gawi namin kaya napayuko na lang ako. Ayoko talaga ng atensyon dito sa school. Ayokong gumulo ang school year ko rito. Gusto ko na lang lumayo at magtago kasi ramdam ko na yung masama nilang tingin sa akin. Kainis, hindi naman kasi ako palaban sa ibang tao. Nagkataon lang talaga na ang sungit sungit ni Ken kaya nasasagot ko.
Tumalikod ako at nagsimulang umalis ng canteen, hindi na lang muna ako kakain. Mamaya na lang siguro kahit gutom na ako.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Stell sa akin pero hindi ko sila pinansin. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa field at naupo sa mga benches doon. May mga naglalaro ng socker pero malayo naman ako roon. Sa pinaka taas ako pumwesto para kahit anong mangyari hindi ako matamaan.
May mga nakaupo ring estudyante sa ibaba at yung iba sa pinaka field nakaupo kahit na may mga naglalaro ng socker. Sana matamaan sila. Charought, wanport.
"Oh" napatingin ako sa nag-abot ng burger sa harap ko. Napaikot ulit ako ng eyeballs ko, sinundan pa rin pala nila ako rito sa field.
"Alam niyo, hayop kayong lima" saad ko sa kanila. Malayo naman kami sa mga estudyante at mukhang hindi sila napansin na dumating. Tumabi sila sa akin. Si Sejun at Stell umupo sa magkabilaang tabi ko habang yung tatlo naman nasa likod ko.
BINABASA MO ANG
SDS 2: Their Son's Secret
Fiksi PenggemarGusto nilang sundan ang yapak ng kanilang mga tatay sa mundo ng performing, gusto nilang makilala rin sa buong mundo, gusto nilang magkaroon ng maraming tagahanga, at higit sa lahat gusto nila magkaroon ng matibay na pagkakaibigan. Ngunit isang desi...