"13 MORE DAYS ANDREUX!" Galit na sigaw ni Principal Agustin.
"Edi wow Sir!" Sigaw ni Syc habang hawak ang mop.
"Wala kase siyang pambayad ng janitor kaya tayo ang pinag lilinis." Sabi ni Siniah.
"Gago! HAHAHAHAHAH! Iisa nga lang yung janitor saten eh yung crush ni Shynah." Natatawang sabi ni Shamiah.
Nag tawanan ang pito. Shynah raised her middle finger.
"Hoy wag niyong inaaway si Shynah mahar, may bebe na yan!" Sigaw ni Sapphire at kinindatan si Shynah.
Hindi kumibo si Shynah at pumasok sa isang cubicle.
"Sanaol may bebe." Sabi ni Summer.
Nag simula na sila pumunta sa kani-kanilang gawain habang nag kekwentuhan.
"Tingnan niyo kami ng bebe ko, no tags, no mentions, no posts, no convo, no bebe." Natatawang sabi ni Syc.
"Pakers! Nag tatagu taguan kami ng bebe ko eh, hanggang ngayon hindi ko pa siya mahanap." Singit ni Sybhel.
Nag tawanan ang walo.
Maya maya sa gitna ng paglilinis umupo sa lababo si Syx at nag patugtog ng kanta nila.
Lumapit si Sybhel at tumayo sa lababo.
Gumaya ang iba sakanya.
Lima na silang naka tungtong sa lababo at nag tetwerk sa harap ng salamin.
"AHH YEAHH AT PINATAY ANG ILAW!" Sigawan nila.
Si Sapphire naman ay pinatay sindi ang ilaw sa banyo.
"UMADALAS! LUMALABAS! ANDREUX!" Sigawan nila.
Nang nasa kalagitnaan na sila ng kanta ay may pumasok na babae.
Ang kaklase nilang si Scenery. Pumasok ito sa cubicle.
Nag tinginan ang walo at sabay sabay ng kabit balikat at pinag patuloy ang pag kakanta.
"DAMN ANDREUX! MAY MEETING SA KABILA!" Sigaw ni Sir Calias.
"Wala kaming pake bleh!" Pang aasar ni Summer.
Sabay sabay silanh bumelat sa guro.
Lumapit si Siniah sa pinto at malakas itong sinara.
"WHAHHAHAHAHAHAHA PAKYU KA SIR." Sabi ni Shamiah at pinakyuhan ang pinto kung nasaan kanina si Sir Calias.
"Hays. Nakakapagod. Nag puyat kaya ako para sa exam tas may banda pa ko." Sabi ni Sybhel at umupo.
"Wag ka na kase mag aral." Sabi ni Syx.
"ULOL!" Sigaw ni Sybhel.
"Okay lang yan kopyahan nalang tayo sa exam, dating gawi." Sabi ni Syc at inakbayan si Sapphire.
"Graduating tayo Syc, baka di tayo maka graduate sa mga kagaguhan naten." Mahinang sabi ni Sapphire.
"Edi okay, pare pareho tayong repeater!" Malakas ma tumawa si Shynah.
Walang tumawa. Nag peace sign si Shynah at tinakpan ang bibig niya.
Sensitive ang topic na yun. Si Sapphire ay binibingwit ang valedictorian, kaya seryoso siya sa pag aaral niya.
"Alis na ko, iwanan na naten to." Ani Syx at tumayo.
"Saan ka punta Syx? Sama na ko hinahanap na ko eh." Sabi ni Shynah at tumayo na den.
"Sus! Si Syx makikipag basag ulo nanaman yan." Ani Siniah.
"Nginamo Syx punta ka nanaman frat mo." Ani Sapphire.
YOU ARE READING
ANDREUX LADIES
Teen FictionThis story is about these hot ladies who treasure their friendship and stay together every milestone of their life, but how about if one of them got tired? One of them lost contentment? And a few of them leaved? Will they be together as one again? S...