"Prologue"

310 5 2
                                    

Facebook.

An app that connects people.

But also destroys connection.

-

"Jhaz, paano kaya kung maghiwalay tayo?"

The first message in my messenger to greet me during our 2nd anniversary.

Agad na namuo ang luha ko. Where did I go wrong?

"Happy 2nd anniversary babe! Bakit naman tayo magbrebreak?"

Nakita kong kanina lang pala siya active kaya iniwan ko nalang muna ang cellphone ko. I need a shower.

Ano kaya ang nagawa ko? Pilit kong inisip kung bakit bigla siyang nagtanong ng ganun.

Nagbihis agad ako pagkatapos. My phone beeped.

"Ngayon pala yun? Sorry nakalimutan ko. Happy Anniversary!"

Bakit ba siya ganito? Okay naman kami last week.

What happened at biglang naging gan'to?

"Ryan, may problema ba tayo?"

Napabuntong hininga ako. Hindi ko ata kayang mag-isip. Sana naman ay sasabihin na niya kung ano ba talaga ang kanyang problema.

"..."

Mukhang pinagiisipin niya rin kung ano ang sasabihin niya.

"Wala naman, Jhaz. But I do have a problem."

Napakunot ang noo ko. Wala kaming problema. Okay. Pero siya, meron. Ano naman kaya?

"What is it babe?"

Kagat labi kong tinipa iyon. Damn, I am feeling bad about this.





"Once Upon A Facebook"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon