Chapter 8

14 2 0
                                    

"Beach Date"

____________

Naglakadlakad ako sa beach , matapos kumain. Ang daya lang ni tita at kuya e, sabi daw mamasyal kami , KAMI , hndi lang sila. Pero ano ngayon?? Kaya heto ako ,

Bitbit ko ang strappies ko , ramdam na ramdam ko ang sand sa mga paa ko.

Tumitingin tingin ako sa paligid , hay ang sarap panuorin nh lugar. Nakakarelax talaga , gusto ko sanang maligo kaso nakalimotan kung magdala ng towel kaya mamaya na pag natapos na akong maglibot.

Yung ulo ko , umiikot talaga , palibhasa ngayon pa lang nakakapunta nito.

Ng may napansin akong lalake na , na parang may tinataguan , nakadikit siya sa wall na tanging mata lang ang makita kapag nasa harap ka niya , kumbaga sumisilip.

Napunta naman ang tingin ko sa sinisilipan niya , at nakita ko...

Isang batallion ng mg unggoy este tao na naghahanap , kaya pala nagtatago tong lalake , nakatayo lang ako sa bandang likuran niya pero malayo pa.

Titingnan ko sana siya ulit ng lumapit ang isang unggoy este ung tao from the battalion .

"Ate , nakita mo si Kyle dito ? " tanong niya , umisa ung isang kilay ko.

"Sinong kyle?" Sabi kasi ni prince kyle na wag ipagsasabi kaya ayun.

Umirap siya "Like duh , Kyle Williams ? " maarteng sagot nitong babaeng unggoy na mukhang kakagaling lang imudmod ang kanyang mukha sa harina.

" ah , si Prince kyle, bat naman mapadpad dito?" Tiningnan niya ako , at biglang umalis.

"Huh?" Naguguluhan ako.

"Prince Kyleeeee!!!!!!" Sigaw ng mga kasamaang niyang mga unggoy. Napalingon naman ako kung san sila patungo , at ayun confirmed

Yung lalakeng nagtatago kanina , si prince kyle pala , ang bagal ng pick up ko. Pakshet , tulungan ko kaya siya?

Tumingin ako sa kaninang pwesto ni Prince Kyle pero wala na siya. Lumingon ako sa kanan at kaliwa , wala naman.

Ay bahala , lalakad na sana ako ng ...

"Wala na ba sila , Jhaz?" Naninindig yung balahibo ko ng marinig ang boses niya. Kyahhhhhh!!!!

Andito lang pala siya sa likod ko sa may cottages, " ah sila? Ung battalion ng unggoy este fans mo?"

"Oo , san na sila? " humarap ako sa kanya .

"Ah umalis , hndi ko alam. Bat ka naman hinanap nun ?" Ang gwapo niya sa sandonh puti , shetty , tutulo talaga ang laway ko nito.

"E kasi magpapaautograph , selfie , sinabi ko na kamukha lang ako pero mapilit kaya ayun , hinabol ako. " tumawa ako , at natawa rin siya .

" mukha ngang nagtago ka sa isang army ng dead zombies haha" natawa ulit ako.

"Dead zombies ? Ung fans ko? Di ba fan rin kita? " napatigil ako , oo nga no.

"Haha joke lang naman ," peace sign. Tumawa siya , nakuuuuu ung panty ko nasan na? Paki hanap sa lost and found area . Haha

" tara" sabay akbay saken.

"Huh? Anong tara? " ang feeling ko mashado , syempre pakipot muna , baka yayain pa akong magpakasal nito nuh, mahirap na at baka ako pa ang lumuhod. Haha

"Tara , gala tayo , wala ka naman kasabay ee " nagnod nalang ako , syempre sino ako para tatangii ??

Lord , salamat kung ano man ang nagawa kung mabuti at binigyan ako nitong napakagwapong blessing , sabihin mo na lord ng ulit ulitin ko yung ginawa ko!

"Once Upon A Facebook"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon