CHAPTER 5: SAVED BY THE MAYOR

361 16 2
                                    


ZENNEIGHT POV

It's been more than a month simula ng pumasok ako sa Sebastian Academy, today is sunday, my rest day since advance ROTC or Reserve Officer Training Corps ako may training ako every saturday, mas maganda kase kapag advance. The ROTC officer announced that starting nextweek may training na kami for marching, pasamasid at kung paano mag salute.

Though medyo may kahirapan pero keribells naman, They even ordered me to take my mask off pero nag pumilit akong huwag, kaya as punishment 100 push ups every meeting, minsan wala kapag nandoon din ang mayor, nagtataka kaming lahat kung bakit tuwing training naman ay kasama namin siya, nakaupo siya kasama ang mga body guards niya, minsan naman late siya dahil busy daw sa opisina.

"Kailangan ba tuwing training nanunuod ang mayor? Ang weird!" na w-weirduhan ako dahil hindi namin alam kung bakit kelangan nandun siya, pero aaminin kong minsan nakakahinga ako ng maluwag dahil natatakasan ko ang mga parusang binibigay sa akin.

Dag-dag pa sa sakit ng ulo ko ang mga kaklase kong mga bastardo, minsan binabato ako ng kung ano-ano kase weirdo raw ako, nakasuot ng mask araw-araw.

'Masisisi ba nila ako? Dahil kung ako ang tatanungin hindi ko rin gugustuhin kaso wala akong choice eh!'

Hindi ako aware na kahit sa kolehiyo uso pa pala ang mga bullies, may konting pag-sisisi ako dahil pinili ko ang kurso na yun, kaisa-isahang babae lang ako sa buong major at minor class namin.

Nabalitaan kong mga Business administration students pala sina Shawn and his friends, second year college na rin sila, naisip ko nga na kung hindi sana ako tumigil sa pag-aaral noon edi nasa ikatlong taon na ako ng kolehiyo.

I isolated myself for two years, and simula noong pinilit ako nila lolo na ipagpatuloy ang pag-aaral doon ko na sinanay na mag suot ng mask at tinago ang mukha ko, hindi naman ako masyadong lumalabas sa bahay pero nagtaka ang mga chismosa at chismoso naming mga kabit bahay.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatago pero ang mahalaga ay ang ngayon, inabot ko ang laptop tsaka nag connect sa wifi, tamang Netflix lang chill.

Sa halip na manuod ng palabas sa Netflix, kinuha ko ang cellphone at tsaka pinindot ang mobile legends application, nakakalibang din naman maglaro nito at minsan ginagalit ako everytime na natatalo ako. May mga panahon kasing mga bobong gamer akong nakakalaro, may mga mag syota rin na nagpapainis lalo sa akin.

Nang mabuksan ang game application napangiti ako ng makitang Mythic 1 at may 10 stars pa ako, pipindutin ko na sana ang start but someone invited me.

"Accept ko ba to?" nagdadalawang isip ako kung sasali ba ako sa squad nila pero sa huli tinanggap ko nalang din.

Okay lang naman sa akin dahil hindi ko nilagay sa avatar ang litrato ko, nasa lobby na kami at ilang saglit pagkatapos nilang mag banned ng hero, pumili na ako ng hero na gagamitin. Unang choice ko is si Miya since na astigan ako sa kanya.

"Hoy kanser! Change hero ka!"

"Hahaha don't get mad bro baka nag pa pilot lang yan ng account kaya nakaabot sa mythic."

Napangiwi ako dahil sa nabasa kong nag pop up na conversation, sa sobrang inis ko pinalitan ko ng gusion, master ko lahat ng hero sa ml, kung pwede lang patayin ang mga kakampi baka nasa base pa lang pinatay ko na.

Hindi ko na pinansin ang mga trash talks ng kasama ko, sila rin naman nag invite kaya panindigan nalang nila. Nag antay lang kami na mag 100% para mag start na.

"Welcome to mobile legends!" bungad ng babaeng robot sa amin kaya agad na akong bumili ng mga items ni gusion.

Pumunta ako sa bottom line kasunod si Guinevere na hero, naiirita ako dahil panay talon niya sa akin, tapos may pa emoji pa. Sinimulan kong patayin lahat ng mga minions ng kalaban namin nang matapos ay pumunta ako sa jungle para mag farm, mas nairita na naman ako dahil tumulong ang nakasunod na hero sa akin, akala ko nga kukunin ang buff pero nagtaka ako ng binigay niya sa akin.

TILL YOU'LL BECOME MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon