Chapter 6

11.1K 283 134
                                    

Andra Celestine Xanford

Jonah;

Andra, I didn't know na close pala ang Mother mo at ang husband mo.

Ayan ang bumungad na text message sa akin ng buksan ko ang aking telepono. Napakunot ang noo ko dahil sa laman ng mensahe niya.

Me;

Wym?

Jonah;

I saw them earlier. They looked close and fond of each other. Nakakapit pa nga mommy mo sa braso ng husband mo eh.

Ibinaling ko ang ulo ko sa kabilang banda at inisip kung close ba si Mommy at Lawrence.

Me;

Maybe they're having a good time kaya lumabas sila.

'Yan nalang ang naging tugon ko kay Jonah. Up until now, I'm still confused kung bakit mag kasama si Lawrence at Mommy. Hindi naman kasi sila close ng asawa ko and Lawrence didn't say anything about it.

Iwinaksi ko nalang lahat ng isiping iyon at ininom na ang gatas na para sa amin ng anak ko. 6 months na ang tiyan ko at sobrang nag iingat talaga ako dahil mahina pa rin ang kapit ni baby. Malapit nanaman nahulog ang baby ko no'ng may araw na grabe ang away namin ni Lawrence. I just cought him again, chatting with Rachel pero sa awa ng diyos ay naihinto naman na niya.

"Ma'am, nandyan na po si Sir," anunsyo ng katulong namin habang nanonood ako ng movie sa sala.

"Good evening," hinalikan ako ni Lawrence sa noo at hinaplos ang umbok kong tyan.

"Hello, baby. Daddy is here na. Stay strong, okay. Kapit lang kay Mommy, kunti nalang lalabas ka na." pag-kausap ng asawa ko sa tyan ko.

Halos araw-araw niya iyang ginagawa. At sa araw-araw na ankikita ko siyang gawin iyon ay nakikita ko ang Lawrence na minahal ko. Kada hahawakan niya ang tyan ko at kakausapin ang anak ko ay nanunumbalik at unti unti nanamang nabubuo ang tiwalang paulit-ulit niyang winasak.

"Let's go upstairs, Andra. It's getting late. Baka mapa'no kayo ni baby."

Sa araw-araw naming mag kasama ay natutunan ko ulit siyang tanggapin. Sa kwarto na namin ulit siya natutulog at nanunumbalik na rin ang saya at tamis ng aming pag sasama.

"Wala ka bang naramdamang masakit ngayon?" tanong niya habang inaalalayan akong humiga sa kama.

"Wala naman. Mukhang nakikisama si baby at ayaw akong pahirapan," nakangiting sagot ko sa kanya at nginitian niya rin ako.

Hindi ko na siya tinanong ukol sa sinabi sa akin ng kaibigan ko dahil ayokong baka iyon nanaman ang pag awayan namin. I should be hapoy na narito na siya at inaalagaan ako. Besides, Mommy ko naman ang kasama niya at wala namang masama doon.

"Goodnight, Hon. Sweet dreams."

And just like that, time passes by so fast 8 months na ang tyan ko at heto ako ngayon, nag lalakad papunta sa opisina ng asawa ko. I planned to surprise him dahil nga gusto kong e express kung gaano ako kasaya at ka thankful na araw-araw niya kaming inaalagaan ng baby ko.

Hindi naman ako nahirapang pumasok sa building nila dahil bukod sa kilala ako ng mga tao rito, ay sinabi ko rin na asawa ako ni Lawrence. Kinikilig at nakangiting bumabati sa akin ang mga stuff dahil sa hawak hawak kong cake at pag kain sa kamay ko.

"Ang sweet mo naman, Ma'am, napakaswerte no Sir sa'yo!" kinikilig na sambit ng employadong kakilala ko.

Nginitian ko lang ang lahat ng nag bibigay ng openyon at dumeretso na sa pintuan ng opisina ng asawa ko. Hindi na ako kumatok pa at basta nalang binuksan ang pintuan ng kanyang opisina na agad ko namang pinag sisihan.

Lust in Ocean [Kainuyan Island #1] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon