Chapter 20

9.7K 200 4
                                    

Andra Celestine Xanford

"Are you really leaving, anak?" malungkot ang boses na tanong ni Daddy habang pinapanood ang mag impake ng mga gamit ko.

"Yes, Dy. Mag-iingat ka rito ha." malungkot akong ngumiti sa kanya at nakita ko namang nag punas siya ng kanyang pisngi.

"Awee. Don't cry, Dy. You can always visit me there." sabi ko at tumayo upang mayakap siya.

"Ayokong umalis ka, anak." lumuluhong saad ni Daddy.

"Ayoko rin, Dy, but I don't have a choice. I need to fix myself and let God handle everything." naluluha na ring ani ko.

"Ayokong umalis ka, pero gusto kong maging okay ka. Masakit lang sa akin na maiiwan ako ritong mag-isa at masakit sa akin na aalis ka dahil nasaktan ka nanaman ng sobra." dama ko ang sakit na nararamdaman ni Daddy pero kailangan ko talagang umalis.

Kailangan kong umalis hindi lang para sa sarili ko. Aalis ako para na rin sa dalawang lalaking damay sa gulong ginawa namin. They need to heal too at hindi 'yon mang yayari kung nandito ako.

"I will miss you, Andra." niyakap ako ng mahigpit ni Daddy at niyakap ko siya pabalik.


"I will miss you too, Dy. You can visit me anytime. Wag na wag kang mag papagod rito, okay. Kahit na malayo ako mag tatrabaho pa rin ako. If you need to rest, rest. Don't stress yourself."  tumango siya sa sinabi ko at sinabihan nang bumalik sa pag-iimpake.


Matapos ang usapan namin ni Calix noong isang linggo ay inayos ko na lahat ng maiiwan ko rito sa pilipinas. Sinigurado kong maayos ang lahat bago ako umalis. Hindi pinull out ni Calix ang investment niya sa kompanya na malaking ipinagpasalamat ko.


Lahat ng problema sa kompanya ay inayos ko bago ako aalis. Sinigurado kong ipapasa nila ang mga pipirmahan at problema sa akin at hindi kay Daddy. He will still manage pero ako pa rin ang CEO. Hindi ko siya pweding hayaan na ma stress dahil baka mapa'no siya.


Pag-sapit nang umaga ay inihatid ako ni Daddy sa airport. Ayoko na sanang magpahatid pero nang pumilit si Daddy at kinonsensya ako.


"Dy, don't forget to take your meds. Kapag may nararamdaman ko tumawag ka sa akin at ipatawag ang nurse o Doctor mo. Kapag may problema sa kompanya call me. Wag mag papa stress at wag--"


"Enough! Baka maiwan ka na ng flight mo, anak. Pakiramdam ko bukas pa matatapos 'yang pag papaalala mo kaya alis na. Mamimiss kita!" putol ni Daddy sa akin at itinulak na ako patalikod.


"Daddy!" sabi ko at nilingon ko siya.

"Bye, anak. Daddy will surely miss you!" sabi niya at kumaway-kaway sa akin.

"Bye, Dy. Visit me when you miss me!" nag flying kiss ako sa kanya at kumaway-kaway.


Nang makaupo na ako sa eroplano ay hinintay ko lang na mag take off ito at natulog. Sa buong byahe ay natulog lang ako at gigising lang kung kakain. The flight was exhausting kaya naman pag dating napagdating ko sa bahay ni Lola sa New York ay agad akong natulog at hindi na inayos ang mga gamit ko.


Paggising ko ay umaga na ulit at nasa kwarto ko si Lola, inihahanda ang pag-kain ko.

"Ow, you're awake! Come on, eat. Hindi ka pa kumakain mula nang makarating ka rito." nakangiting sabi ni Lola.

Umupo ako sa kama ko at inilagay naman ni Lola ang bed table sa aking harapan. "There you go. You should eat, apo."

"Thanks, La." I said and start eating what she prepare.

Lust in Ocean [Kainuyan Island #1] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon