Andra Celestine Xanford
Nasa kwarto lang ako, nag mumokmok at hinihintay na makauwi ang taksil kong asawa. Hindi pa rin mahinto hinto ang luha sa mga mata ko. Sagana pa rin itong lumuluha at hindi talaga nag papaawat sa pag-tubig.
"Andra," dinig kong tawag niya ng pumasok siya sa aming silid.
"Saan ka galing?" kunwaring tanong ko sa kanya habang naka tingin sa labas ng aming bintana.
Alas onse na ng gabi at ngayon lang umuwi si Lawrence galing sa pambababae niya. "I told you, I need to do something with the team," iritang ani niya.
"Hanggang alas onse talaga, Lawrence?" hinarap ko siya at kumunot ang noo niya nang makita niyang luhaan ang mga mata ko.
"Paano kung sabihin ko sa'yong alam ko kung saan ka galing? Maniniwala ka ba?" humihikbi ngunit malamig na ani ko.
Awang awa na ako sa anak at sa sarili ko. Hirap na hirap na akong pigilan ang emosyong namamalagi sa dibdib ko. "What are you talking about?" gulong aniya. Lumapit ako sa kanya at itinapon sa harapan niya ang mga litratong kinunan ko.
"Care to explain, Hon?" umiiyak na ani ko. Nakita ko naman ang gulat sa itsura ni Lawrence at halos hindi siya mag kandaugaga sa pag pulot at pag tingin sa mga litratong itinapon ko.
"Andra..." nag mamakaawa at humihingi ng tawad ang boses ni Lawrence. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko ngunit hindi ko ito hinayaang mahawakan niya.
"Sa dinami-rami ng babae, Lawrence, bakit ang bestfriend ko pa! Bakit siya pa, ha!" sigaw ko sa kanya at hindi ko na napigilan ang sarili kong pag sasampalin at paluin ang dibdib niya.
"Pinag katiwalaan kita! Pinagkatiwalaan at minahal ko kayo ng sobra, pero bakit ganito ang igaganti niyo!" humihikbing sigaw ko. Napaupo ako sa harapan ni Lawrence at ipinulupot naman niya ang mga bisig niya sa akin.
"I'm sorry, Andra. Nadala lang ako ng tukso. Hindi ko sinasadya, Andra." may bakas ng pag-sisisi sa boses niya pero hindi ko ito pinansin.
"Buntis ako," pag-amin ko nang makalipas ang ilang sandali ay nahimasmasan ako.
"What did you just say?" gulantang na tanong niya. Hinarap ko siya at tinitigan ng maagi ang mga mata niya .
"I'm 2 months pregnant. Kung gusto mong kilalanin ka ng anak ko bilang ama niya, tigilan mo na iyang panloloko mo. I want my child to have a complete family, so please, please, Lawrence, tama na ang pambababae. Mag kakaanak na tayo," paki-usap ko sa kanya.
Galit ako sa ginawa niya. Galit na galit. Pero para sa anak ko ay isasantabi ko ang galit ko at tatanggapin pa rin siya para lang hindi maranasan ng anak ko ang naranasan ko. I'm a fruit of a broken family. My parents separated when I was 4. My Mom cheated on my Dad at ilang ulit niya iyong ginawa kaya my Dad decided to just let Mom go. I was devastated back then. Hindi ko alam kung kanino ako sasama dahil pareho ko naman silang mahal. But Mom decided to just get me every Friday until Sunday. Sobrang hirap ng gano'n. Ang hirap kapag broken family kaya naman I promised myself that my child will never ever experience that kaya ngayon, tinitiis ko ang sakit para sa kanya.
"W-why didn't you tell me, Andra?" nasa tinig ni Lawrence ang galit ngunit hindi niya magawang magalit ng tuluyan dahil alam niyang may kasalanan siya.
"I was going to tell you, pero mas pinili mo ang party niyo, or should I say babae mo, kesa sa usapan nating mag didinner tayo," mapait na ani ko. Itinayo ako ni Lawrence at dahan dahang ipinaupo sa kama naman.
"I'm sorry, Andra. I was really attracted to Rachel kaya ko iyon ginawa. But don't worry, I was just attracted, ikaw pa rin ang mahal ko," gusto kong humalakhak ng sobra dahil sa sinabi niya. Parang pinakuluang tubig nanaman ang dugo ko dahil nag init ito at namuo nanaman ang luha sa mga mata ko.
"Mahal? If you really love me hinding hindi ka maaatract sa iba, Lawrence. Kahit na sobrang sexy at ganda pa niyang babaeng 'yan, kung mahal mo talaga ako ay hinding hindi mo maiisipang mag loko." mariing sambit ko. Inalis ko ang hawak sa akin ni Lawrence at tumayo upang ituro ang pintuan.
"Lumipat ka na sa guess room. Pinaayos ko na ang kwarto mo roon. Ayow ko ng makatabi at makasama ka pang muli sa iisang kwarto. Nandidiri ako sa'yo. Tandaan mo ito, ginagawa ko lang ito dahil sa anak ko. At pakiusap, wag na wag ka ng mambababae, maawa ka sa anak mo," malamig na ani ko bago siya tinalikuran at dumeretso sa banyo ng kwarto.
Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan. Kitang kita ko ang effort ng asawa ko. Halata talagang bumabawi siya sa mga nagawa niyang kasalanan kaya naman bumabalik nanaman ang tiwala ko sa kanya at nakakausap na niya ako ng maayos. Tatlong buwan na ang lumipas at napakarami ng nangyari. Hindi na rin kami nag kikita ni Rachel at balita ko ay lumipad na siyang pabalik ng America. Kung about naman sa baby ko ay malungkot na balita lang ang masasabi ko.
Malapit nalaglag ang baby ko dahil sa stress na nararamdaman ko. Hanggang ngayon e mahina pa rin ang kapit ng bata kaya naman heto ako at nakaupo lang at hindi maka pag trabaho.
"Bye, Hon. See you later," paalam ng asawa ko at hinalikan ako sa sentido.
Sa pag lipas ng araw at buwan, palagi kong iniisip kung nag bago na nga ba si Lawrence. Sabihin na nating wala na si Rachel sa bansa, but he can always pick other women! Kahit na nakikita ko namang may nag bago sa kanya e hindi ko pa rin maiwasang mag duda. 'Yung trust ko sa kanya ang nawala at sobrang hirap ibalik no'ng trust na 'yon.
"Hi, Dad. You okay?" tanong ko sa Daddy ko nang isang araw ay bisitahin niya ako sa bahay.
"Yes, hija, I'm good. May kaunting problema lang sa company, but I can handle," malumanay na sagot ng Daddy ko.
Simula nang malaman na mahina ang kapit ng bata ay pinahinto na muna ako ni Daddy sa pag mamanage ng kompanya namin. He said na it's better if I should take a break and take care of my baby. Ilang buwan na rin ang nakalipas at kung pwede lang na pabilisan ko ang oras para manganak na ako ay ginawa ko na.
"You look tired, Dy. Do you want me to help you?" offer ko kay Daddy dahil halata talagang parang mas tumanda siyang tignan kesa sa edad niya.
"No, no. It's really fine, Andra. Just take some rest at ako na ang bahala sa kompanya, okay. I will leave now because the company needs me. Don't forget to take your vitamins and eat healthy foods, okay. Bye, love you." hinalikan ni Daddy ang ulo ko at nilisan na nang tuluyan ang aming bahay.
Naiwan nanaman akong mag-isa rito. Walang ibang kasama at kausap kundi ang mga katulong namin. Hindi raw makakauwi ng maaga si Lawrence dahil may ginagawa raw sila ng team niya. Umakyat nalang ako sa aming kwarto at nanood ng kung ano-ano sa TV.
"Do you have a wife or a girlfriend?" tanong ng host kay Mr. Calix Saavedra.
Nasa isang reality show siya ngayon at iniinterview siguro siya dahil nga isa si Calix Saavedra sa pinakabatang naging successful sa buong Asia. Ngumiti si Mr. Calix ag sinagot ang tanong ng host sa kanya.
"I don't have." nakangiti ang mga labi niya ngunit ang mga mata niya ay kitang kita kong hindi natutuwa sa mga itinatanong sa kanya.
"Kailan mo balak mag-asawa, Mr. Calix? You're at the right age to have a famiy," kita ko ang irita sa mata niya ngunit nakangiti pa rin ang labi niya.
"I'm still waiting for the right woman. I am not rushing, though. Darating rin ang oras na mag papakasal ako at hintayin mo ang oras na iyan at ianunsiyo mo rito sa programa mo," may bahid nang pagka sarkastikong aniya kaya naman napatawa ako ng bahagya. Kita ko ang awkward na ngiti sa labi ng host kaya naman mas lalo akong natawa.
Kahit kailan talaga loko-loko itong si Mr. Calix. I've known him before. Matagal ko na siyang kilala pero siya, hindi na niya yata ako maalala. He's on top now at baka kinalimutan niya na rin lahat ng mga tao at pangyayari na nakaukit sa nakaraan niya.
BINABASA MO ANG
Lust in Ocean [Kainuyan Island #1] [COMPLETED]
Roman d'amourWARNING! SPG | R18 | READ AT YOUR OWN RISK! Kainuyan Island Series #1 [COMPLETED] Andra Celestine Xanford is the daughter of Mr. Don Xavier Xanford. Xanford's family is one of the riches family in Asia because of their said business. Andra is the c...