Four

212 9 2
                                    

Francine's POV

Nagsasalita na sa harap yung teacher namin about Math. Pero I can't focus, wala na akong ma-gets sa mga sinasabi at sinusulat nya. Sabagay, sino bang mabilis maka-gets ng Math lessons?

Pero ang mas malala, bakit AmBoy ang naisulat ko sa cup nya nung Sabado?! Hindi ko matancha kung lasing pa ba ako nung mga oras na yun. Alam ko lang, twice na akong napapahiya sakanya. Parang gusto ko lang magpalamon sa lupa ngayon sa sobrang hiya.

Sinubukan kong ibalik sa Math class ang focus ko. Bat ba Math ang unang subject ng school ng ito? Ang aga aga e. Samin nga, English ang first subject.

Tumunog na ang bell. Agad akong tumayo para pumunta sa cafeteria, usapan kasi namin ni Roxanne na dun kami magkikita at sabay kaming kakain.

Nagulat ako sa laki ng cafeteria dito. I looked around para hanapin si Roxanne, pero ang daming students, ang dami ding tables.

"Huy!" Biglang may tumapik saken ng medyo malakas.

"Ah!" Napalingon ako, si Roxanne na pala.

"Sorry, may tinapos pa ako sa room e." Sabi nya. "Tara kain na tayo."

Nakahanap kami ng vacant table sa may bandang dulo ng cafeteria. I looked around to see na halos same lang din pala ang highschool sa Pinas at America.

"Kamusta first day mo pala?" Tanong ni Roxanne saken.

"Classmate ko si AmBoy!"

"Ha? AmBoy?" Confused na tanong ni Roxanne.

"Yung nagpa-party nung Friday!"

"Wait, si Kyle?!" Medyo nanlaki ang mga mata ng pinsan ko.

"Oo!" Sagot ko. "Jusko, pano kung singilin nya ako dun sa sneakers nyang nasukahan ko?" I worried.

"Hindi naman siguro." Iling ni Roxanne. "Pwede naman labahan yun."

"Edi sana ipalaba na lang nya kesa pabayaran."

"Sigurado ka dyan, insan?" She stared at me. "Ang OA mo naman."

Tinitigan ko lang si Roxanne.

"Malay mo naman nakalimutan na nya yun." Sabi nya saken. "Marami namang sapatos yun."

Hindi ko alam kung bakit worried din ako sa sapatos na yun. Siguro nga OA lang ako, pero papano nga naman kase talaga pag pinagbayad ako? Hindi ko pa din naman alam ang ugali ng mga Americans.

After ng recess, bumalik na ako sa classroom namin, still trying my best na umiwas sa mga tingin ni Kyle. Hindi ko alam, pero ramdam kong gusto nya akong asarin sa hindi ko malaman na dahilan.

The day went on. Finally, uwian na. Pumunta ako sa parking lot ng school para antayin ulit si Roxanne. Mag-kapitbahay lang kami, and we use our bikes papunta sa school and pauwi.

Paalis na kami ni Roxanne nung may car na dumaan sa tapat namin, and nakita kong si Kyle ang nagmamaneho.

"Sino yung kasama ni Amboy sa sasakyan?"

"Ah, yung Ate nya yun." Sagot ni Roxanne. "Si Janella, head ng cheering squad."

Then naalala ko when I saw her sa kitchen nila nung palabas ako ng bahay nila. May tama pa nga ata sya nun, pero in fairness, maganda sya at mukhang mabait.

Nagbike na kami papunta ni Roxanne sa isa pa naming part time job sa isang bookstore. Pinoy naman ang manager namin don, at mabait din.

Taga-ayos kami ni Roxanne ng mga books sa shelves. Minsan, nagbabasa din ako since pwede naman daw sabi ng Manager namin. Basta daw hindi ganun kadami ang customers, e pwede kami magbasa after namin mag-ayos ng mga libro.

Miss Americana and the Heartbreak Prince - KyCine [ON HOLD]Where stories live. Discover now