Habang umiikot ang bote ay tila nagkakagulo ang kalamnan ko. Natatakot ako na sakin tumapat ang ulo nito. Naginginig ang tuhod ko, maging ang aking panga ay tumitigil sa paggalaw. Tahimik ang lahat. Seryusong tinitingnan at hinihintay kung sino ang susunod na sasagot sa tanong na "truth or dare?". Sana talaga hindi ako.
Napansin ko na unti-unti ng tumitigil ang bote sa pag ikot. Mas lalong kumabog ang aking dibdib. "Ayan na , malapit na syang huminto", sabi ko sa sarili ko. Natulala nalang ako sa mga sumunod na nangyare. Ako nga. Saakin nakatutok ang panuro ng laro. Ang ulo ng bote ay nakaturo sa direksiyon kung nasaan ako.
"Shit!..." Sigaw ko na tila lumbay na lumbay dahil ako ang taya. Ano ba naman yan? Napakaswerte ko naman talaga ngayon...
Ramdam ko ang tingin ng mga kasama kong nakapalibot sakin. May mga nakangiti, may seryoso na kala mo naman mga galit na, may ngiting aso na hindi nakakatuwa, pero may isang taong nakakuha ng atensyon ko. Ang taong katapat ng kabilang dulo ng bote, ang taong magtatanong ng mahiwagang tanong.
Nagtagpo ang aming mga mata. Yung tingin na parang nag-uusap na kami pero kami lang ang nakakaintindihan. Ganong tinginan alam niyo yun?
Hindi ko alam kung bakit pero mas lalo ako kinabahan dahil sa kanyang pagkakangisi. "Bat naman kaya ganyan makangiti ng lalaking to?"syempre sa isip ko lang din sinabi to.
Natigil lang ako sa pagtitig sa kanya ng biglang magsalita ang katabi ko.
Si Vince, isa sa mga naging kaibigan ko dito sa isla. Nagkakakilala kami sa dalampasigan, kakadating lang din namin ni Sapphire nun. Akala ko nga dumada-moves lang kay Sapp pero gusto niya lang daw makipagkilala. So yun na nga si Vincent Vangough, ohh di ba mala artist from the past ang pangalan . Di din naman mapatalo sa pagwapohan tong lokong to, laging rin siyang nakangiti, matangkad at higit sa lahat mayaman. Perfect siya kumbaga.
"Pano ba yan Neal, ikaw ang bwena mano natin. " Sabi niya sakin habang tumatawa-tawa pa na parang nang-aasar. Tiningnan ko lang sya gamit ang seryoso kong mukha. Ayaw kong ipahalata ang kaba sa loob ko. "Act normal lang Neal, bakit ka ba kasi kinakabahan ng ganito", sabi ko sa sarili ko. Pinilit kong maging seryoso. Ayaw ko ipakita ang kaba sa aking emosyon na bakas sa aking pagmumukha.
"Hmmm... Ano na sino na m-magtatanong sakin?" Tanong ko sa kanila. Mas lalong napangisi ang taong natatapatan ng dulo ng bote.
Nakipagtitigan akong muli sa kaniyang mukha, ano siya lang may karapatng tumitig? Hinihintay ko ang kanyang tanong. Walang umiimik sa mga taong kasama namin. Naghihintay din sila ng mga mangyayare.
"Truth or dare?" Tanong ng nakangising tao sakin. I felt my knees trembled as I hear his husky voice.Bakit ganon? Kailan pa ako nailang sa ganyang boses? Why am I so afraid from this man's mere voice? Maybe because of his well-toned muscles, his lustful eyes, seductive lips? Wait, bakit ko iniisip to. Straight ako. Bakit parang may nararamdaman akong iba? Ano to? Nawala ang aking pag-aagam- agam ng muli niya akong tanungin. Bumalik ang aking isip sa realidad.
" So what now? Huwag mo muna ako pakatitigan, matutunaw naman agad sayo." Muli nyang tanong sakin. Tinitigan niya lang ako ng mapanukso habang hinihintay ang sagot ko.
"Dare." Bigla kong sagot. Mali. Wth, bakit dare ang pinili ko. Naguguluhan ako. Natatakot na baka mahirap ang ipagawa niya sakin.
Muli ko siyang tiningnan na dahilan kung bakit mas kumabog ang aking dibdib. Mas lumawak ang ngisi sa kanyang mukha. Takot ang nagingibabaw sakin, kaba na hindi malamang dahilan.
"Make out with me." Bigla niyang sabi na nagpatigil ng sandali sa aking kinauupuan. Tama ba ang narinig ko. Make out with me. Hahaha, nagjojoke ba ang lalaking to?
Di ako makapagsalita. Maging ang mga katabi ko na nabigla din. Lasing na ba ang lalaking to. Like what the fu.... gde. We're men. Straight men to be exact. Di ako makagalaw. Maya- maya pa ay may humawak nalang sa aking pulsuhan at hinila ako patayo. Ngayon ko lang napagtanto na sya ang humila sakin.
Kailan pa sya nakalapit sakin? Ganon ba ako katagal natulala at hindi ko man lang naramdamn ang paglapit nya sakin. Sumusunod lang katawan ko sa kanya na kala mo'y isang laruan na kinokontrol ng taong hawak ako.
"Woaahhhhhh! Go julius?!" Sabi nang isang kasali sa laro. Parang nakita ko na siya dati.
" Goodluck sayo Neal. " Sigaw naman ng isa pa. Nakalayo na pala kami sa grupo at malapit na sa pintuan na sa tingin ko ay tinutuluyan ngayun ng taong humihila sakin ngayun. Ang huli ko nalng narinig ay ang pag sigaw ng mga kasama namin.
" Enjoyyy!"sigaw naman ng isa pa.
Pabilis ng pabilis ang kabog sa aking dibdib hanggang sa buksan na nya ang pinto. Bumungad sakin ang kulay blue na pader at isang king size bed. Mas lalo akong kinabahan. Ano ba ang pinasok ko? Anong mangyayare sakin? Samin? Naguguluhan kong tanong saaking sarili. Tulungan niyo ko, sandali, pwede pa ako umatras.
Pero parang di ko magawa... Shit nalintikan na Neal. Anong nangyayare sayo? Di na rin ata ako nakakapag isip nang maayos dahil sa alak.
*********************************
BINABASA MO ANG
Desiring Him (Bxb)
RomanceIn the world that we live in, lies laws or concepts that are hard to grasp. But the most vague among them is the laws of love. Let us embark to the world focusing the laws of love between couples who's love story started from a simple dare, a dare...