Mabilis lumipas ang araw mula nung dumating si Krizzy sa bahay ni Julius. Hindi ko alam kung anong nararamdaman pag tinitingnan ko silang dalawa. Madalas kasi silang magkausap, tapos laging nakangiti itong si Krizzy na tuwang tuwa sa pinag uusapan nila.
Katatapos lang rin pala ng check-up ko sa doctor ko. Sabi niya lang naman sakin na wala akong dapat ikabahala kasi nag-iimprove naman daw yung katawan ko. Wag lang daw masyadong maiistress.
"Best friend, ano nanaman bang iniisip mo diyan? Kanina ka pa tulala jan. Malapit na tayo sa bahay ni Julius mo. " Napawi ang pag-iisip ko dahil sa sinabi ni Sapphire. Oo nga pala, nakasakay na kami ngayun sa kotse ni Sapp. Hindi kasi nakasama sakin si Julius kasi sumakit DAW ang ulo ni Krizzy.
Nalungkot ako ng maalala ko yun.
"Uyyy, Neil. Bakit ba parang biernes santo yang mukha mo?" Sabi naman ni Sapphire.
"W-wala to Sapp." Tugon ko. Ayaw ko pang sabihin kung ano ang nararamdaman ko kay sapp kasi dadagdag lang yun sa mga problema.
Narating na nga namin ang bahay ni Julius sa ganong position.
Pagpasok sa bahay ay narinig ko na ang pag-uusap ng dalawa dito sa bahay. Parang seryuso sila, hindi naman ako napansin ni julius kaya umakyat nalng ako sa kwarto ko. Si Sapphire nga pala ay umuwi na din pagkahatid sakin. Nagpaalam siya sakin at para siyang nagmamadali dahil may pupuntahan daw siya.
Nagpalit ako ng damit pagkatapos maligo at nahiga sa kama hanggang sa tamaan ako ng antok.
Nagising ako ng mga alas-5 ng hapon. Bumaba ako sa sala . Di ko inaasahan ang nakita ko, nasa sofa si Julius at Krizzy natutulog, ang ulo ni Krizzy ay nakapatong sa hita ni Julius. Bigla nalng tumulo ang luha ko. Alam ko naman na dapat ay mag tiwala ako kay Julius. Na pagpasensyahan ko si Krizzy kasi may sakit siya. Pero tao lang din naman ako eh, nasasaktan pakiramdam ko kasi parang nawawalan na si Julius ng oras para sakin.
Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Naramdaman ko nalang ang patuloy na pagtulo ng kuha ko. Hindi ko na mapigilan ang sakit. Ako naman kasi ang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan eh. Dapat siguro magpahinga muna ako. Aalisin ko muna ang lungkot sa puso ko. Pero hindi ko magagawa yun kung nandito ako sa bahay , habang nakikita silang dalawa.
Umakyat akong muli papunta sa kwarto at inilagay ang ilang damit ko sa isang malaking maleta. Hindi pa rin natatapos ang pagluha ko. Tumatakbo sa isip ko kung anong mangyayare sa kanila pag umalis ako. Pero may tiwala ako kay Julius, alam kong alam niya ang tama at mali. Kailangan ko ring magpahinga at alalahanin ang iba ko pang ala-ala.
Sana maintindihan ako ni Julius. Sana lang talaga tama ang gagawin ko.
Nang matapos na ako sa pag-gayak ng gamit at makpag-bihis na din ay bumaba na ako papunta sa sala. Tinatawagan ko rin si Sapphire pero walang nasagot. Parang nakapatay ang cellphone niya.
Nakita ko si Julius na nakatayo na, nakaharap siya sa natutulog na si Krizzy sa sofa, mukha siyang seryuso at malalim ang iniisip.
"N-neal. Bakit may maleta kang dala. S-saan ka mapunta?" Nagtataka niyang tanong sakin. Hindi ko rin napansin na nakatitig na pala siya sakin.
Bigla nanaman tumulo ang luha ko. Tumakbo si Julius at agad ko ding naramdaman ang pag-yakap niya.
"Why are you crying baby? May problema ba? May masakit ba sayo? Tell me me Neal, please. I can't see you like this baby. " Napangiti ako sa mga sinabi niya. Ramdam kong sincere siya sa mga sinasabi niya. Pero sa kabila nun ay nalungkot ako at sinisi ang sarili dahil sa kung anong lungkot ang nararamdaman ko.
"J-julius, Alam mo naman na mahal kita di ba? A-alam kong m-mahal mo rin ako pero hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko k-kung bakit tuwing nakikita ko kayo pakiramdam ko mas magiging -ma-masaya ka sakanya. Kaya gusto ko munang alisin kung ano man itong nararamdaman kong selos o kung ano man. Sana mainitindihan mo. Kala Sapphire muna ako makikit----" pinutol niya ang nagsasalita ko ng magsalita siya.
"No, you're not leaving my house. Kung tungkol kay Krizzy to, Ngayon din ay ihahanap natin siya nang pwede niyang tuluyan. Hindi naman kasi mala-- Basta hahanap ako nang paraan para Di na siya dito mag stay. Just please stay. Don't leave me. I can't lose you. I need you now, more than ever. You're the one that gives me strength. And I can't bear knowing that you're gonna leave. So please don't. Just don't Neal. " Tumulo na rin ang luha niya. Niyakap niya ako at pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Ramdam ko ang pamamasa ng damit ko sa balikat dahil sa luha niya. Ayaw kong nakikita siyang ganito. Mukhang mali nga ang plano ko. Ngayon napagtanto ko na mahal niya talaga ako at wala akong dapat ikabahala. Nawala ang lungkot na nararamdaman ko. Ngumiti ako at iniharap ang mukha niya sakin.
Tinitigan ko muna siya. Kita ko ang lungkot sa mata niya. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at siniil siya ng halik. Ayaw ko ding malayo sayo Julius.
"Di na ako aalis. Salamat sa pagmamahal mo Julius. I promise you na hinding-hindi kita iiwan. " I kissed him again. And there I saw his smile.
"Uhmmm, I promise you. Later I'll find a place for Krizzy ok? Let's go to our room. I missed you so damn much. " Hinihila niya na ako nun. Nakakaloko ang mga ngiti niya kaya alam ko na ang mangyayare nito. Naiwan ko na din sa baba ng hagdan yung maleta.
Pagkapasok namin ni Julius ay inihiga niya agad ako sa kama at hinalikan. Hindi yun dun natapos kasi tinuloy pa ni Julius ang ginagawa niya kaya may nangyari na nga.
Ilang oras din yun. Nang matapos kami ay bakas ang saya at pagod sa mukha namin. Ngayon alam ko na mahal nga namin ang isa't isa at walang makakabuwag nun.
Sa sobrang pagod ay nakatulog na ako. Ang huli kong natatandaan ay nakapatong pa rin ako sakanya at nasa loob ko pa rin siya.
THE END...
is near?
Hi! Again readers! Just got back from my slumber. Charr. Well I missed you guys. Bale I'm editing the story again. I realized na hindi pa dapat ito yung end. So yeah, itutuloy pa natin ang book 1. And babaguhin ko pa din talaga yung ibang chapters. Yung iba nabago ko na so better to re-read nalang din from the start. May dinagdag kasi ako hihi. I don't know kung kelan ako makakapag update ng next chapter pero I just hope na makagawa na uli ako ASAP. Btw. Nagbasa pala ako ng comments recently, thankful saaking super supportive readers diyan at pati na din sa silent readers na I hope mag vote na din hihi. Charr lang uli. Kaya ko rin pala naisipang ipagpatuloy tong story dahil na din sa mga commentor ko. Sorry nga pala dahil pabago bago isip ng person kaya ayan change of plans, pero for the better. Again keep supporting this story as well as the other story I'm working with. Love yahhh hubbers😘
It's the end hubbers but not actually the end because we're gonna have a book two.. There's more at dapat humanda sa bagyong paparating.
The first law of love; Trust. Yan ang palaging sinusubok sa isang relation. Kaya tandaan na bawat pagdadaanan niyo, if you have trust towards your partner."You can conquer all."
BINABASA MO ANG
Desiring Him (Bxb)
RomanceIn the world that we live in, lies laws or concepts that are hard to grasp. But the most vague among them is the laws of love. Let us embark to the world focusing the laws of love between couples who's love story started from a simple dare, a dare...