Julius's POV
Nakita ko na siya ulit. Ang lalaking gumugulo saaking isipan mula pa ng umalis ako sa Islang yun. Iniwan ko siya sa pangangalaga ng pinsan ko. Nagkasakit siya pagkatapos naming gawin yung mainit na pag niniig .Umalis muna ako dahil sa urgent meeting ng kompanya namin. Bumalik ako sa Island para tingnan ang lagay niya sa isla. Di ko alam kung bakit siya ang laging laman ng isip ko. Tatlong linggo na ang dumaan at hindi ko pa rin nakikita ang lalaking yun. Nasan na kaya siya? Naaalala niya rin kaya ako? Tinatanong ko ang aking sarili.
Maya- maya ay naputol ang pag-iisip ko ng tumunog ang aking cellphone.
~caller: krizzy...~
I answered her call kasi gusto kong panindigan na straight ako. A week after I left the Island, krizzy came to my house, nagsorry siya at hindi niya na rin daw uulitin. Nakipagbalikan ako sakanya para makalimutan ko na rin yung lalaking yun. Pero nagkamali ako. Hindi siya mawala sa isip ko.
Krizzy: babe... Bat naman you're so matagal mag answer to my call?
(Kahit naiirita na ako sakanya sumagot pa rin ako at hindi pinarinig sa boses ko ang inis)Julius: ey! Babe. Galing ako sa banyo kaliligo ko lang. bat ka napatawag?
Krizzy: babe... (Nagpacute pa suya gamit ang boses niya) I wanna go to the mall kasi right now. As in now na. I'll buy a new dress kasi for my friend's party this weekend. I will bring you with me to that party nga eh.
Julius: ( dahil sa gulat, napasigaw ako)... What!! ? Party?
Krizzy: Yes babe... I told you naman na about it diba. Last week remember. Sige na babe please.
(Ayan nanaman ang pagpapacute niya. Pasalamat talaga siya kasi may kailangan akong kalimutan, kung hindi hiniwalayan ko na toh. Alam kong marami pa rin siyang affairs until now. Pina-imbistigahan ko siya sa isa kong kaibagan na magaling na tracker. And guess what... Tatlo kami ngayun na pinagsasabay sabay niya. Siguro kung mahal ko pa siya nagalit ako, kaso hindi na eh. Napagplanuhan ko na rin ang break- up namin uli. Sa susunod na linggo hihiwalayan ko na yung babaeng yun. At dahil ayaw kong masira ang plano ko kailangan kong sakyan ang kaartihan ni krizzy .)
Julius: ah. Sorry babe nakalimutan ko lang. Sige san ba tayo magkikita?
Krizzy: Yiee thank you babe. I know naman kasi na you love me talaga. (Ngumisi nalang ako sa kabilang linya. Love pala ha) Sa entrance nalang ng kjs mall tayo magmeet babe ko. I'm on my way na rin right now.
Julius: sige babe...(pinatay ko na sya.. ay yung tawag pala sa cellphone.)
Pagkatapos ng nakakainis na pag- uusap namin nagbihis na ako. Simple lang naman,plain navy blue t-shirt at pants lang.
Lumabas ako ng bahay mag aalas tres na din. Dumating ako sa mall ng 4 at nakita ko na siya. Maganda naman si krizzy, 5'6" , maputi, mayroon rin siyang magandang mukha at curly na buhok. Lumapit na ako sa kinaroroonan ni krizzy. At nakita niya na rin ako.
"Babe. You're so tagal talaga. I've waited here for about 30 minutes kaya. " Pagtataray niya sakin. Pinilit ko nalang ngumiti at inaya nalang siya papasok.
" Babe, pasok na tayo. Nang makahanap ka na din ng dress mo." Sabi ko sabay pikit muling ngumiti. Hinila ko siya papasok. Sinadya kong biglain ang pagkakahila sa kanya. Muntik na tuloy siyang masubsub sa tiles.
"Sorry babe, ambagal mo kasi eh" sabi ko. Inirapan niya lang ako at siya na ang umunang maglakad. Pumunta kaming second floor at dun siya namili ng kung ano anong mga kolorete at yung dress na rin. Nagtagal kami dun ng ilang oras. Tapos pumunta na rin kami sa isang french cuisine sa mall na ito.
BINABASA MO ANG
Desiring Him (Bxb)
RomanceIn the world that we live in, lies laws or concepts that are hard to grasp. But the most vague among them is the laws of love. Let us embark to the world focusing the laws of love between couples who's love story started from a simple dare, a dare...