NEAL'S POV
Hinang hina ako, hindi ko alam kung bakit ansakit ng ulo ko at ng buong katawan ko. Ano bang nangyare? At sin.... Naputol ang pag-iisip ko. Wala akong makita pero nakaramdam ako ng mainit na bagay sa aking noo. Hindi ko alam kung paano, pero naimulat ko sa wakas ang aking mga mata.
Isang mukha ng lalaki ang bumungad sakin. Hindi ko siya kilala. Sandali ng lang. Nasan ba ako? Ano ang lugar na ito?
"Tatawagan ko lang ang doctor mo." Sabi sakin ng lalaki at may pinindot na kung ano sa dingding. Nakatingin lang ako sakanya habang may kinakausap. Ang gwap-- ano bang iniisip ko. Hindi ao nagwagwapuhan sakanya. Lalaki ako. umayos ka nga. Sabi ko sa sarili ko.
Magsisimula na sana akong magtanong sa lalaki kaso may pumasok na isang lalaking naka suot ng puting damit. Narealize ko na doctor ako. Kung ganun nga, ibig sabihin nasa ospital ako. Pero bakit? Anong nangyare sakin?
"Lumabas ka na muna sir. I need to check him up. " Sabi ng doktok dun sa lalaki. Kita ko ang pagkadismaya ng mukha ng lalaki, para bang ayaw niyang umalis. Tumingin lang siya sakin at ngumiti. Naguguluhan man ay nakapagsita na rin ako pagkalabas nung lalaki.
"Doc. Ano po bang nangyare sakin? Bakit po ako nandito?" Agad kong tanung sa doctor. Oinilit ko pa ngang umupo pero hindi ko talag kaya. Hindi ko maramdaman ang paa at kamay ko. I feel so numb, pero ramdam ko ang sakin ng aking kalamnan, kinakaya ko lang maigalaw ay ang mga labi ko at leeg.
"Nasa hospital ka. Naaksidente ka nung nakaraang 2 araw. Kumusta nga pala ang pakiramdam mo?" Pag uusisa sakin ng doctor.
" Ang sakit po ng kalamnan ko doc pero hindi ko po nararamdaman ang paa, kamay at ulo ko. Ano po ba ang nangyayare sakin? " Tanong ko sakanya naguguluhan ako.
" Don't worry about the numbness you're feeling right now. Epekto yan ng gamot na itinurok sayo. I have a question to ask. Kailangan nating alamin kung may nadamage ba sa memories mo. Anong huli mong naaalala?" Tanong niya na lalong nagpagulo saaking isipan. Sandali nga lang. Sino nga ba ako? Anong pangalan ko? Ngayun ko lang din naisip yun.
"W-wala . Wala a-akong m-maalala doc. B-bakit ganto?" Sabi ko sakanya. Ramdam ko angpanginginig sa bawat salitang binitawan ko. Umiling iling ito bago nagsalita.
"Kung ganun tama nga ang hinala ko. Dahil sa lakas ng imapact ng pagtama ng ulo mo sa driving wheel ng kotse ay naapektuhan ang mga ala ala mo. You're suffering from post-traumatic amnesia. Hindi naman iyon malala. Pero kailangan mong magpahinga ng ilang buwan para maibalik ang mga ala alang nawala sayo. Don't worry, tutulungan ka naman siguro ng boyfriend mo?" Mahabang Sabi niya sakin.
Pilit kong inunawa lahat ng yun. Hindi ko kilala ang sarili ko. Wala akong matandaan. Sabi ng doctor may post-basta may amnesia daw ako. Pero sandali lang ano nga ba ung sinabing huli ni doc. Hindi ko alam kung tama ang pagkakarinig ko kaya naman tinanong ko nalng sa kaharap kung doctor.
"Doc, pakiulit nga po yung huling sinabi niyo. Hindi ko kasi maayus na narinig . " Pagsusuamamo ko sa doktor. Sana hindi tma ang oagkakarinig ko kanina. Sana talaga.
"Alin dun? Yung post traumatic amnesia. Gagaling ka within months of rest?" Sabi ng doctor.
" Hindi po yu doc yung sinabi niyong huli. Yung tungkol sa bo-....." Naputol ang sasabihin ko ng mag salita na uli ang doctor.
" Ahh. Yung boyfriend mo. Yes tutulungan ka niya." Tila nabingi ako sa narinig ko. M-may bbo-boyfriend ako? Kung ganun bakla ako.
" Boyfriend?! " Yun nalng ang naisigaw ko sa doctor na nasa harap ko.
" Yes. Boyfriend, siya yung lalaki dito sa loob kanina. Ang sweet ng boyfriend mo. Halos hindi ka niya iwan dito sa loob ng 2 araw. Umuuwi lang siya siguro para maligo. Hindi ko nga nakikitang kumain yun. " Sabi niya
BINABASA MO ANG
Desiring Him (Bxb)
Roman d'amourIn the world that we live in, lies laws or concepts that are hard to grasp. But the most vague among them is the laws of love. Let us embark to the world focusing the laws of love between couples who's love story started from a simple dare, a dare...