Chapter 14

58 11 0
                                    

JULIUS'S POV

Kinaumagahan nga ay nauna akong gumising kay Neal. Alas sinko pa lang ng umaga ay bumangon na ako, tiningnan ko muna si Neal bago tumuloy sa banyo at naligo na. Kailangan kong nagpaliwanag sakanya. Yan lang ang tumatakbo sa isip ko.

Nang makalabas na ako sa banyo ay isinuot ko na ang itim na t-shirt, medyo fitted ito kaya hulmang hulma ang katawan ko. Muli kong tiningnan si Neal, tulog na tulog pa rin siya. Ang cute talaga ng mahal ko. Bumalik sakin ang mga ala-ala namin simula ng magkakilala kami. Andami na rin palang nangyari samin.

Napabuntong hininga nalang ako sa mga naisip. Tulad ng ginawa ko kahapon, bumili ako ng umagahan namin, mabilis lang ang pag bili ko. Inihanda ko na rin ito. Matapos kong ihanda ang pagkain ay tinungo ko na ang kinaroroonan ni Neal. Tinitigan ko lang siya habang natutulog ng mahimbing. Mahal na mahal ko ang taong to kaya kailangan kung magisip ng magandang paraan para makapagpaliwanag na rin ako sakanya.

Unti-unti akong lumapit sa natutulog na si Neal at hinalikan ang kanyang noo. Tumalikod ako pero habang papalabas ako ay may tumawag ng pangalan ko.

"J-julius... " Rinig kong sabi niya gamit ang bagong gising niyang boses at parang nabulol pa. Agad akong tumingin paharap sakanya. Nakita ko ang nakaupong si Neal sa gilid ng kama, nakayuko siya. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. Maya-maya pa nga ay bigla nalang akong niyakap ni Neal na ikinagulat ko naman. Bakit? Naramdaman ko din ang likidong dumampi sa aking dibdib.

Sandali? Umiiyak ba siya? Bakit? Kaya naman agad ko siyang niyakap pabalik at hinalikan muli ang kanyang noo bago magsalita.

"Babe? U-ummm... Yung kahapon... Yung nakita mo sa sando ko, ipapaliwanag ko yun. Babe ko, mahal na mahal kita at tandaan mong hindi kita lolokohin. Yun-" pagpapaliwanag ko pero pinigilan niya ako gamit ang isang daliri niya na inilapat sa labi ko bago niya ako tingnan. Kita pa rin ang luha at pamumula ng kanyang mata.

"Mamaya na natin pag-usapan yan. Pagbigyan mo na muna ako sa gantong posisyon naten. J-julius, a-ano kasi u-umm Kahapon nung hindi kita pinapansin may narealize ako. Napag-isip-isip ko na. Hindi ko kayang magalit sayo kasi..." Tumigil siya sa pagsasalita at inilapit sakin ang kanyang mapupulang mga labi , hinalikan niya ako. Gulat man pero gumanti ako sa kanyang halik. May ngiti na rin saking mga labi. Uminit ang aming paghahalikan at nauwi na nga sa isang umagang punong puno ng init. Pumatong ako sakanya habang hindi pinuputol ang halikan namin. Ramdam ko ang pagmamahal sa init nang pagtatagpo ng aming mga labi.

"Babe sorry kahapon ha. Please wag mo na uling gawin yun. Pag galit ka kausapin mo ko kasi mababaliw talaga ako pag hindi mo ako pinansin ng matagal. " Sabi ko ng pansamantalang tumigil ang aming mainit na pagtatagpo. Nakapatong pa rin ako sakanya. Nagsimula na rin ning alisin ang mga suot namin at naganap na ang aming pagniniig.

" Babe. Ligo na tayo ng sabay para makatipid sa tubig. " Sabi ko na nakapagpamula sakanya. Agad naman niya akong tinulak palayo sakanya at tuluyan na nga siyang tumayo habang nakatapis ang kumot sakanyang katawan. Katatapos pa lang din ng mainit naming tagpo. Naka 3 rounds din kami. Ilang minuto na rin kmaing nakapag pahinga.

"Ang sexy talaga ng babe ko. Sabay na tayo babe ko. " Sabi ko na may ngisi saga labi. Papasok na siya sa banyo na tumingin siya uli sakin at nagsalita.

"Che. Mukha mo." Masungit niyang usal sakin. Umupo ako sa gilid ng kama at tinitigan lang din siya. Nagkatitigan kami.

"Ohh. Ano pang hinihintay mo jan? Akala ko ba sasabay kang maligo, wag mo akong paghintayin dito?" Nagulat ako ng sinabi niya yun. Binitawan niya na rin ang nakatakip na kumot sa katawan niya ,kaya naman kitang kita ko na ang matambok niyang pang upo, nakatalikod kasi siya at nahahilig ang kanyang ulo sa direkyon ko. Agad naman akong bumangon at patakbong pumunta sa banyo. Naunang pumasok si Neal.

Desiring Him (Bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon