JULIUS'S POV
Nagising nga ako ng alas 4 , tulog pa rin ang mahal ko. Hindi ako umalis sa pagkakayakap ko sakanya. Gusto kong samantalahin lahat ng panahon kasama ko siya. Hindi ko alam kung aaminin ko na ba sakanya ang lahat. Maraming na akong sikreto na tinatago kay Neal. Dumagdag pa dun ang isang problema na dumating kaninang umaga.
*********//Flashback//***********
Naglalakad ako ngayun papunta sa tindahan kung saan may bilihan ng pagkain. Malapit lang naman ito.
Pumili ako ng mga pagkain na siguradong magugustuhan ni Neal.
"Manang, Bigyan mo po ako ng 2 piraso ng bawat ulam dito. At isa nyang chicken soup. " Sabi ko sa isang tindera. Mabilis itong kumilos at nailagay agad sa isang trey ang nga pinili ko ng hindi ko namamalayan.
"Sir, ito na po. Bale 450 po lahat." Sabi ng tindera saken. Inabutan ko naman siya ng 500 bill.
"Keep the change manang." Sabi ko naman. Kukuhain ko na sana yung trey ng may kumuha ng atensyun ko.
Naglalakad siya papunta sa direksyon ko. Panong nandito rin siya? Bakit?
Di ko namalayan na nasa harap ko na pala siya.
Parang may iba sakanya, namumutla ang kanyang mukha at pansin din ang biglaang pag payat niya.
"K-krizzy? Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya.
Nagulat ako ng bigla nalang niya akong niyakap at umiyak.
" B-babe sorry sa lahat. Hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag sayo. Natakot ako." Sabi niya habang umiiyak at humiwalay na din sa pagkakayakap sakin.
Nakatulala pa rin ako at hindi malaman ang nangyayare. Ano bang sinasabi niya?
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit ka nandito krizzy?" Tanong kong muli sakanya. Yumuko siya bago magsalita.
"I have stage 3 colon cancer. Hindi makakauwi sila auntie galing States. Kailangan kita ngayun Julius. Please, kahit isang buwan lang. Sana pagbigyan mo ako. Kailangan ko ng kasama hanggang sa makauwi dito si Auntie. At ummm. I-ikaw lang ang naisip kong tutulong sakin. Please. " Sabi niya. Tumuloy nanaman ang pagpatak ng mga luha niya.
Napaisip ako. Totoong hindi ko na mahal si krizzy pero, kahit papaano ay may pinagsamahan kami. At isa pa wala siyang kasama.
"A-ano kasi krizzy bus-" pagdadahilan ko sana pero pinutol niya.
"Please Julius. Isang buwan lang at pangako di na kita gagambalain pa." Sabi niya naman. Nang masabi niya yun ay wala na akong nagawa.
"Pumunta ka nalng sa bahay sa linggo. May gayawin muna ako. " Pagpayag ko naamn.
Ngumiti siya sakin at niyakap akong muli.
" Thank you, thank you talaga Julius. Salamat kasi kahit anong nangyare satin, pumayag ka pa rin. " Sabi niya sakin.
Nang matapos niya akong yakapin ay nagpaalam na rin siya at unalis.
Kinuha ko na rin ang trey na may lamang pagkain at pumunta na sa cottage namin ni Neal.
Haysttt! Ano nanaman bang pinasok ko. Pano ko to sasabihin kay Neal.
************//End of Flashback//**************
JULIUS'S POV
Bumili uli ako nang pagkaing panghaponan namin ni Neal.
Pagkabalik ko ay tulog pa din ang aking mahal . Tinitigan ko siya. Maya maya pa ay nagmulat ang kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Desiring Him (Bxb)
RomansaIn the world that we live in, lies laws or concepts that are hard to grasp. But the most vague among them is the laws of love. Let us embark to the world focusing the laws of love between couples who's love story started from a simple dare, a dare...