Chapter 3

952 29 9
                                    

Lyra Liana
Chapter 3:

"Oh, salo hahahaha," sabi sa akin ni Sir Raylad. Kanina pa kami dito sa Mall at itong lalaking ito daig pa ang babae kung mag-shopping.

Kanina pa bumibumili ng kahit ano ok lang sana kung siya ang mag tutulak nitong cart

"Sir, tama na please," pa-cute kong sabi ngunit hindi niya ako pinakinggan. Sa halip ay nagpatuloy lang siya sa pagkuha.

"Oh, ayan pa," abot niya sa calcheese. Ang dami naman nito 'di rin niya siguro mapapansin kung bawasan ko ng isa. Kumuha ako ng isa at kinain ko. Siya naman ay abot lang ng abot. Hinayaan ko lang siya at uminom ng mogu-mogu.

Raylad

Busy ako sa paghahanap ng Tobleron para kay ate. Nilingon ko si Lyra dahil nakakapagtakang
tahimik siya ngayon samantalang kanina todo reklamo siya.

Pero nagulat lang ako ng tinignan ko ito ay kumakain na ng calcheese at mugo-mugo

"What the, bakit mo kinakain ang pagkain ko?" inis kong sabi. Pinakaayaw ko talaga sa lahat kinakain ang pagkain ko eh.

"Eh kanina pa ako gutom. Ikaw naman kasi ang tagal-tagal mo. Andami mo pang binili eh ang bigat-bigat na ng cart," malditang reklamo niya. Abat ako pa talaga ang sinisi ah, that's nice.

Walang galang na secretary kung hindi lang si dad ang nag hired sayo tatanggalin na kita

"Wala akong pakialam. Ibalik mo 'yan," inis kong sabi habang kinukuha ang calcheese at mogu-mogu sa kanya pero patuloy niya lang itong nilalayo.

"A YA W, ayaw," sabi niya at iniiwas ang kanyang kamay. For a secretary, she's quite feisty. Ako boss niya 'tas gaganyanan niya ako.

"Ibalik mo kasi 'yan,"
"Nabawasan ko na eh, bili ka na lang ulit kuripot nito,"
"Ibabalik mo yan? O hahalikan kita? choose?" pagbabanta ko sa kanya. Natigilan naman siya. At mas lalong natigilan naman ako.

"Kyaahhhh, ang sweet sweet nila bes," tili ng isang babae sa mall.
"I love you po," parinig naman ng isa pa.
"Hoy bakla, 'wag ka ngang sumigaw. Pag ikaw sabunutan ng girlfriend niyan, iiwan talaga kita,"
"Ang swerte ni ate gurl,"
"Wahhh, ako nalang ang halikan mo kuya. Bibilhin ko lahat ng calcheese at mogu-mogu para sa'yo," sabi ng lahat ng babae at baklang nanunuod sa'min. Inis naman tinignan sila ni Lyra.

"HINDI KO SIYA BOYFRIEND DAHIL WALANG MAGKAKAGUSTONG MAGING BOYFRIEND 'YAN, KAYA PWEDE BA MAGSIALIS KAYO SA HARAPAN KO KUNG AYAW NIYONG BASAGIN KO YANG PANGIT NIYONG MUKHA," sigaw ni Lyra sa kanila. Mukhang natakot naman sila
At kaagad na umalis

"Oh," bigay niya ng pagkain.

"Salamat Lyra, pero na-realize ko na nalawayan mo na 'yan kaya sa'yo na lang,"nakangising sabi ko at naglakad papuntang counter.

"Aba't bwisit ka ah!" sigaw niya habang patuloy parin akong sinusundan.

"Bilisan mo ang bagal mo namang maglakad," reklamo ko.

"Hoy, ang bigat ng cart dahil ang dami mong binili," reklamo niya pabalik.

"'Wag ka ngang maingay dumadami na ang pumipila. Bilisan mo diyan kung ayaw mong mag-isa kong ipabuhat sa'yo 'yan mamaya," banta ko na naman sa kaniya.

"Mag-isa ko ngang itinutulak mag-isa ko pa ring bubuhatin. Aba'y UNGENTLEMAN ka talaga," kahit ano na ang sinasabi niya pero pinabayaan kuna lang ito

"Bilis na," sabi ko ng marating ang counter.

"50,000 po lahat cash or credit card?" tanong ng nagpapacute na saleslady.

"Credit card," diretsong sabi ko at inabot ang credit card ko.

***

Hapon na ng makarating kami sa bahay ko. Medyo napagod ako sa kadaldalan ni Lyra, but it's okay nag-enjoy naman ako.

"Kailan mo kaya ako balak na tulungan dito?" masungit na tanong niya at mukhang nahihirapang buhatin ang mga pinamili namin.

"Pag naging akin ka na, habang buhay kitang tutulungan sa lahat ng bagay," hugot ko,"akin na." Agaw ko sa buhat niyang carton na may lamang mga delata. Iniwan ko siyang nakatanga at ipinasok ang mga dala ko.

"Buti naman naisipan mo pa akong tulungan dito," malditang salubong sa'kin nito pagkabalik ko. Ibinaba naman niya ang mga pinamili namin, Kinuha ko ang iba at ipinasok sa bahay ko.

"Masyado ka kasing payat para pabuhatin ko nito. Baka mamaya matumba ka sisihin mo pa ako," natatawang sabi ko dito at patuloy pa rin sa pag-akyat sa hagdan. Siya naman ay sumusunod lang.

"Wow huh, nagsalita ang mataba. Wag kang feeling, bwisit ka, ang payat mo rin ulol," panlalait niya at inunahan akong umakyat. Ngayon ako naman ang nakasunod.

"Hoy boss mo ako 'wag mo akong maulol-ulol loko ka ah," inis kung sabu sakanya ngunit tinignan lang ako neto na parang wala

"Ikaw ba nagpapasweldo sa'kin?" tanong niya.

"Hindi si dad," sagot ko.

"'Edi si Mr. Gabriel ang boss ko, bobo mo," hayyst kung manlait kala mo perfect nice

"Naging crush mo naman," tanong ko sakanga pero hindi naman niya ito na gets,so slow

"Ano?"

"Naging crush mo sabi," pag-uulit ko.

"Si Mr. Gabriel? Anong akala mo sa akin gold digger porket mayaman na papatulan ko?" gusto kung matawa or mainis.whatever dahil sa ka slowan niya

"I mean ako," pagtatama ko. If may crush nga talaga siya kay dad ay i-fi-fired ko agad siya.

"Anong 'you mean ikaw'? ikaw magiging crush ko? Aba'y baka i-crash kita, mas gwapo panga ang dad mo kaysa sa'yo," natatawang sabi niya at pumasok sa elevator.

"Baka kainin mo 'yang sinabi mo," tugon ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako.

"Pagkain lang ang kinakain ko," she replied. Alam ko dahil sa takaw mong 'yan ay halata na. Nilapag niya ang mga hawak niya sa lamesa.

"'Wag 'kang pakasiguro," matigas kong sabi.

"Hahaha, tignan natin," tawang-tawa nitong sagot.

"Ang gwapo pala ni Mr. Gabriel 'noh?" nakangiting aniya habang nakatingin sa picture namin ni daddy. Mas gwapo ako bulag ka lang.

"Akina na nga 'yan umalis ka na dito istorbo ka eh," inis kong sabi at inagaw ang picture frame na hawak niya.

"Grabe ka naman sa'kin ah, alam mo bang pinagod mo ako buong araw tapos calcheese lang ang pinakain mo sa akin, tapos ngayon 'di mo ako papakainin. Tapos ngayon papauwiin muna ako tapo-"

"Oo na, tama na ang tapos. Kanina ka pa tapos ng tapos eh. Alis na," singit ko sa sinasabi niya. Nakasimangot naman niyang kinuha ang bag niya sa sofa.

"Whatever, timang ka," galit niyang sabi sa akin at mabilis na umalis.

"Tsk tsk tsk, girl not girly," bulong ko sa sarili ko dahil sa inasta niya

Expect The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon