Chapter 13

690 14 1
                                    


Masyado akong busy nitong nakaraan minsay nag o-over time ako para ih check ang mga manuscript at librong pini-print nila.
Ako din ang nag design ng post cards at nag layout ng book covers kaya minsay hindi na ako nakaka uwi ,3 days to go narin ay ang international book signing ng mga author na hawak namin.
Two weeks na ang naka lipas simula nung maka uwi ako galing sa bahay nila 9Raylad
Pero 2 weeks narin yun ay ang hindi namin pag uusap. Naiintindihan ko siya sa puntong iyon dahil alam kung busy siya sa dadating na international booksigning.

pero ang ipinagtataka ko lang ay ang sabi niya ay tumawag si mama nung araw na nasa bahay pa nila ako  at hinahanap daw  ako nito dahil meron kaming bisita na gusto akong makita,pero nung maka uwi ako ay tinanong ko si mama tungkol sa bagay na yun pero hindi naman daw pala siya tumawag sa kay Raylad,sa katunayan nga daw ay si Raylad pa ang tumawag sakanya upang ipaalam na i-uuwi niya ako ng ganong oras.

Minsay sinubukan ko rin kausapin si Raylad pag nasa opisina kami.
Pero gumagawa talaga siya ng paraan para maka iwas saakin.

Sa eksaktong booksigning narin ang aming 1st monthsarry pero mukhang hindi namin ito ma i-celebrate ng maayos or hindi talaga namin ma i-celebrate dahil sa hindi namin pag uusap

"Good morning Ms.Lyra ang aga niyo naman po yata?" nakangiting bungad saakin ni kuya Rolli ang guard

"Good morning kuya,hehehe marami pa kasing gagawin eh.sige na kuya babye" nakangiting sagot ko rin sakanya at naglakad na paalis

Sinadya ko talaga na pumasok ng maaga beacuse i decide na kakausapin ko si Raylad ngayon at itanong kung bakit niya ako iniiwasan.

Ako lang yata  mag isa ang pumasok ng maaga dahil ni anino ng mga kliyente ni Raylad ay hindi ko maaninag

Mabilis akong sumakay sa elevator at pinindot ang number 4.
a few minutes later ay naka rating narin ako sa opisina namin ni Raylad.

Agad kung binuksan ito gamit ang isang susi na-nasa akin,ng tuluyan na akong maka pasok ay nagulat ako dahil imbis na dalawa lang ang lamesa sa opisina ay naging tatlo pa ito.

Naglakad ako papuntang ikatlong lamesa na nasa tabi ng lamesa ni Raylad at sinuri ang bawat sulok nito.
Kulay pink ito at may mga disenyong bulaklak

Alam naman siguro ni Raylad na Black ang paborito kung kulay pero bakit pink ang binili niya para saakin?

Habang tinitignan ang bagong lamesa ay biglang gumalaw ang hawakan ng pintuan hudyat may paparating kaya kaagad akong umupo saaking sweil chair at tinakpan ang mukha ng librong aking dala dala

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay pumasok ng sabay ang dalawang taong hindi mo inaasahan na magkasama at magka hawak ng kamay.

Para akong na-istatwa sa aking kinatatayuan nang makita si Raylad at Higacia'ng magka hawak ng kamay at sabay na pumasok sa opisina
Nanatili akong naka tayo at hindi nagsasalita,hinahayaan ang sariling makinig sa kanila

"Honey sabay tayong kakain later huh" malanding sabi ni Higacia kay Raylad at bumitaw sa pagka hawak nito sa kamay at humawak sa braso ng aking kasintahan

Maliit na ngiti lang ang isinukli ni Raylad kay Higacia.

Pabagsak kung nilapag ang librong hawak hawak ko dahilan para ma pa-tingin sila saakin.
Kita ko sa mukha ni Raylad ang pagka gulat habang si Higacia naman ay naka ngising tumingin saakin.

Naglakad ako papunta sa kanila at ng nasa harapan na nila ako ay isang malutong na sampal ang iginawad ko kay Higacia

"Diba sinabi kuna sayo?" tanong ko naman sakanya at sinampal siya ulit sa kanang pisnge niya

Expect The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon