Chapter 2

1.1K 29 0
                                    

Raylad Dhent
Chapter 2:
Busy ako sa pag check ng mga manuscript ng biglang mag vibrate ang phone ko
Kaya kaagad ko itong sinagot

"hello" sagot ko sa phone ko.

"Boss, si Taney 'toh, pumunta kayo sa mansyon. Ang ate at mama niyo-"bigla akong napatayo ng malaman kung si Taney iyon.
minsan lang kasi ito tumawag kung walang emergency ay may kailangan

"Anong nangyari sa kanila?" taranta kong sambit.

"Dito ko na lang sasabihin boss" agad akong lumabas sa opisina at nagmamadaling pumunta sa elevator.

Habang nasa elevator ay kaagad kung ini message ang driver ko na aalis kami pero kaagad din naman itong nag reply na nagkita sila ng girlfriend niya

Mabilis ko naman itong tinawagan kaya mabilis din itong sumagot

"You're Fired" sabi ko ng sumagot siya at binabaan ng telepono

Hayyst wala na akong choice kundi mag maneho putchaks

Mabilis akong naglakad papuntang elevator

"Bilis, bilis, hay, ano ba ito argh!" palabas na sana ako ng elevetor ng may nakabangga akong babae.

"Aray!" sigaw niya at natumba.
Gusto ko sana siyang tulungan kaso pinangunahan ako ng inis dahil sa driver kung bwct

"'Yan kasi hindi tumitingin sa dinadaanan," sabi ko nalang sakanya,isa pa kasalanan naman niya eh

"HOY, KASALANAN MO 'YUN NAGMAMADALI KA KASI, ANO NATATAE KA?" sigaw niya ulit sa akin. Ang hyper naman nito. I have no time for this.

"What are you crazy?" singhal ko sa kanya.

"No, I'm not, 'coz you are," singhal niya pabalik at tumayo mula sa pagkakatumba.

"Hindi ka ba magso-sorry man lang, huh?" inis niyang tanong. Tch, nagmamadali ako eh. Hindi niya ba nakikita yon?

"Hindi dahil may importante pa akong gagawin, tabi!" hiyaw ko sa kanya

"Hoy, gwapo ka sana pero hindi ka gentleman, che!" sigaw na naman niya. Maganda ka sana pero binadtrip mo ako tsk. Kababaeng tao naninigaw. Hinayaan ko siya roon at tumakbo papalabas ng building at umuwi sa mansyon.

***

"Good morni-" hindi ko na pinatapos ang pagbati ng yaya ni mama sa akin at agad na naglakad papasok.

Naramdaman ko naman na sumunod ito saakin kaya tinanong ko nalang

"Nasaan sila mom?" tanong ko.

"Nasa sala po, sir," kaagad naman akong nag tungo sa sala

"Mom!" sigaw ko at niyakap ang aking ina. "Are you okay, mom?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

"Yes anak, I'm okay," nakangiting sabi niya.

"Ano ba kasing nangyare sa inyo?" takang tanong ko. Saktong namang dumating si ate na may dalang tubig at inikwento sa akin ang lahat ng nangyari. Bilib ako sa babaeng nagligtas sa kanila, I hope I meet the person who saved them. I can at least thank them for helping mom and ate.

***

"Oh, ikaw na ang bahala sa kaniya, Taney," bilin ko kay Taney, isa sa personal security ng mansyon at ng pamilya ko.

"Yes boss, makakaasa kayo," saludo nito. Tss baliw aahhaha

"Saan nga pala si dad?" biglang tanong ko naman dito dahil hindi ko nakita ni isang anino ni dad kanina

Expect The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon