Chapter 14

92 9 0
                                    

Nag-file ng leave si Yezha for one week. Gusto niya malinawagan kung ano ang nararamdaman niya kaya gusto rin kasama ang binata.

Tinawagan niya si Brent bago umalis ng office niya ganap na ala-singko ng hapon
Sinagot agad ni Brent ang tawag ni Yezha.
Hello Yesh, Hello Brent susunduin ko na sina Yrma at papa, magkita nalang tayo sa restaurant. Itetext ko sa'yo kung saan.
Yesh..if you want ako na ang susundo sa kanila.
Hindi na Brent, ako na susundo.
Okay sige ingat ka, i love you Yesh.
Okay sige bye Brent sabay baba ng phone niya.
Sinundo niya ang papa at kapatid niya.

Habang nasa sasakyan na sila na minamaneho ni Yezha ay nagsalita ang papa niya. Umuwi ka pala anak hindi ko na namalayan, opo pa,may kinuha lang ako umalis din po ako agad hindi ko na kayo inistorbo.

Ate, hinatid ka ba ni kuya Brent?
Oo hinatid ako. Kasama natin siya mag-didinner.
Wow! Kasama pala si kuya Brent.
Ate wala pa ba girlfriend si kuya Brent hanggang ngayon? Lampas na yata sa kalendaryo si kuya.

Naku Yrma huwag mo na alamin.
Bagay na bagay naman kayo ni kuya ate ang bait pa niya 'di ba pa? Prinsesa pa nga niya si ate noon pa.

Yrma, hayaan mo ang ate mo, bata pa naman 'yan hindi pa naman lalampas ng kalendaryo ang ate mo. Hindi minamadali ang ganyan bagay, napalunok si Yezha sa sinabi ng ama habang patuloy na nagmamaneho.
Naku ikaw Yrma ha baka mamaya unahan mo pa ang ate mo.

Siyempre naman pa, para may apo ka na agad sabay tawa ni Yrma.Loko kang bata ka at sabay nagtawanan sila.

Naalala ni Yezha nanay niya, sayang lang at maaga ito nawala sa piling nila.

Hanggang makarating na sila sa restaurant. Nauna na si Brent sa tagpuan nila. Longsleeve na puti ang suot nito na nkatupi hanggang siko, may ternong blue maong pants na hapit lang sa mga binti niya at naka brown leather shoes. Sobrang guwapo nito habang may hawak na bugkos ng mga bulaklak.

Nang papalapit na sila ay kinakabahan si Yezha. Hindi niya inaasahan na may pa-flowers si Brent.

Kinikilig si Yrma, luuh si ate ang haba ng hair, sabi ko na e..
Paglapit nila ay kinamayan ni Brent ang tatay ni Yezha nag hi kay Yrma at sabay inabot ang bulaklak kay Yezha.

Walang patid ang mga ngiti ni Yrma na todo kilig sa nakikita.
Iho mabuti at nandito ka ang sabi ng papa niya.
Opo wala naman ako kasama mag-dinner kaya naisipan ko sumabay sa inyo.

Nagsalita ng pabulong si Yezha kay Brent, ano 'to sabay nguso sa mga bulaklak na hawak niya. Pero narinig ni Yrma ang bulong niya, Sus si ate nagtatanong pa malamang flowers..ayiiee sabay tukso niya.

Pinandilatan siya ng mata ni Yezha, nag peace sign si Yrma na akmang ititikom na ang bibig.
Order na tayo ang sabi ni Brent.

Habang kumakain sila ay nagsalita si Brent.
Tito nais ko sana hilingin ang permiso n'yo, gusto ko sana na ligawan si Yezha.

Nagkatinginan ang magkapatid.
Nanlaki ang mata ni Yrma halos mabulunan sa narinig.
Nasa tamang edad na kayo iho, kung ano man ang pasya ng anak ko ay hindi ako hahadlang. Malaki na rin ang sakripisyo niya sa amin kaya hahayaan ko siya kung ano man ang magiging desisyon niya.Alam ko naman na mabuti kang tao noon pa. Basta ba huwag mong sasaktan ang anak ko, ang sagot ng papa ni Yezha.
Sumabat si Yrma, naku pa! Sa sobrang bait ni kuya baka itong si ate ang manakit kay kuya.
Yrma! ang tawag ni Yezha.
Joke lang ate ang bait mo kaya sabay ngiti ni Yrma. Sabi ko na ate e love ka ka ni kuya, nangiti si Brent.

Hanggang sa natapos sila kumain. Maya-maya ay nagpunta ng banyo ang magkapatid.
Ate ano na? Hayyyy ano pakiramdam ate mahal ka ni kuya..

Kasal na agad ate ha, para naman bongga tapos bigyan mo agad ng apo si papa triplets agad! Loko ka talaga bilisan na natin baka mainip si papa.

Naku ate basta ha, yes agad kapag mag-propose si kuya.
Ewan ko sa'yo Yrma.
Habang nasa banyo sila ay nagpasya si Brent na ipagpaalam si Yezha sa papa niya habang silang dalawa lang ang naiwan sa mesa.

Tito magbabakasyon ako ng one week, gusto ko sana isama kayo kung papayag kayo. Naku iho hindi ako puwede si Yrma naman hindi rin makakasama may pasok siya.
Si Yezha ang isama mo mula nagkatrabaho 'yan ay hindi na halos nagpapahinga.

Tiwala naman ako sa'yo iho basta ibalik mo ang anak ko.
Salamat po tito huwag po kayo mag-alala tito mamahalin ko po ang anak n'yo.

Papalapit na ang mag-kapatid, tay tara na ang sabi ni Yezha.
Oh sige iho.. alis na kami, sige po convoy ako sa inyo.

Nakasunod lang si Brent sa kanila habang nagmamaneho pauwi sa bahay nila Yezha.
Nang makarating sila ay sabay- na bumaba.
Pumasok rin si Brent sa bahay nila.

Iho maiwan ko muna kayo papahinga na ako, sige po tito ang tugon ni Brent.
Ate may tatapusin pa ako na assignment una na ako sa taas ang paalam naman ni Yrma.

May pahabol pa itong sinabi, ate alam mo na ha...bye..goodnight kuya ang sabi nito.
Napailing si Yezha sa kapatid. Nangiti naman si Brent kay Yrma.

Maya-maya ay nagpaalam na si Brent, alis na ako..siya nga pala sasama ka ba sa akin sa bakasyon?
Nag-file na ako Brent ng leave ko problema ko lang si papa nahihiya ako magpaalam e,
Don't worry Yesh, sinabi ko na pumayag na siya.
Ano?? Inunahan mo pa talaga ako mag-paalam sure na sure ka talaga na sasama ako.

Dapat kasi kasama sila ng kapatid mo kaso may pasok daw ito tska hindi naman daw puwede ang papa mo sa isang linggong bakasyon.

Sige na alis na ako sabay kindat ni Brent. Sige ingat ka sa pagmamaneho mo, salamat pala sa bulaklak. Dadamihan ko pa para sa'yo. I love you Yesh alis na ako. Hinalikan ni Brent sa noo si Yezha, akmang hahalik sa labi pero umiwas si Yezha baka makita tayo bigla lumabas si papa nakakahiya.

Napakamot si Brent sa ulo, okay alis na ako kumaway nalang si Yezha. Habang pauwi si Brent ay excited na ito sa magiging bakasyon nila.

Gusto na niya madaliin ang oras para masolo ang dalaga.
Marami siyang plano para sa kanilang dalawa.
Palawan ang destinasyon nila.

Habang nasa bakasyon sila napakalambing ni Brent. Mas lalong prinsesa ang pakiramdam ni Yezha.

Nasa isang hotel sila, maganda ang kuwarto na napili ni Brent w/complete luxurious amenities.
Nagustuhan din ito ni Yezha.

Ganda naman dito Brent, of course Yesh, gusto ko perfect para sa'yo. Gusto ko maging komportable ka sa bakasyon natin. Thank you Brent.
Mamasyal tayo mamaya pahinga muna tayo ang sabi ni Brent.

Nang makapagpahinga na sila ay agad sila nagpasya na kumain muna sa labas. Habang naglalakad sila sa hallway ay may napansin si Yezha isang bulto ng lalake na pamilyar sa kanya. Hanggang sa nagkatitigan sila bahagyang nagulat pa si Yezha at ganoon din ang lalake na papalapit sa kanila.

Yezha..is that you? Ang tanong ng lalake..Hindi nakasagot agad si Yezha, Si Brent ang nagsalita.
Who are you man? Do you know him? Ang tanong ni Brent kay Yezha. Yes it's me ang mahinang sagot ni Yezha sa lalake..Brent remember A.K? He's my classmate elementary and high schoool days,. Nagkita na kayo before..
I can't remember ang sabi ni Brent. You are Yezha's bestfriend right?

Yes! Before but i'm his fiancee now. Bahagyang naningkit ang mata ni Al King, oh..congrats pare. Congrats Yezha ang bati ni Al King gustong tumutol ni Yezha sa sinabi ni Brent pero hindi ito nakapagsalita.

So, bakasyon kayo rito? Yes one week lang ang sagot ni Yezha.. ikaw? Kararating ko lang, dito muna ako nag-stay may inaasikaso kasi ako dito.

Sige bud..alis na kami ang paalam ni Brent, By the way i'm Brent Mandaza pormal na pagpapakilala ni Brent, Al King Durante sabay lahad ng kamay nila.

Enjoy your vacation ang sabi ni Al King habang papalayo na si Brent at Yezha.

Labis ang tuwa niya nang makita ang babaeng minahal niya ng matagal na panahon. Pero durog siya dahil ang matagal niyang lihim na minahal ay ikakasal na.

Untold Love HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon