Yezha's Debut
Sa wakas tuwang-tuwa siya. Pumunta ang mga kaibigan niya. Si Brent ay pumunta rin simpleng handaan lang.
Dalaga ka na Yesh.'wag ka muna magpapaligaw ha..ang sabi ni Brent.
Oo naman ano ka ba..marami pa akong gustong gawin at pangarap.
Ikaw Brent..tumatanda ka na ano wala ka bang ipapakilala sa akin gf man lang..? Dapat kasi kuya tawag ko sa'yo mas matanda ka sa akin ayaw mo naman.
Hindi ako mukhang kuya kaya Brent is okay Yesh.
Ngumiti si Yezha at iniwan muna si Brent hinarap ang ibang bisita.
Masaya si Yezha kanina kasi umaga palang may delivery dumating hindi sinabi kung saan galing nagtataka man..binuksan niya
Hindi naman siguro bomba 'to sa isip niya. Pagbukas niya isang panyo na naman ang nakita niya, may kasamang bracelet na sa tantya niya ay mamahalin ito kulay ginto at may mga palawit na puso at anghel.
Ang ganda naman nito pero saan..kanino galing baka nagkamali lang ang mama na 'yon. Kaya tinabi niya ang panyo at bracelet.
Pasado 9pm na nang magpasya magpaalam ang mga bisita at kaibigan niya.
Yesh, goodnight happy birthday ulit. Goodnight too. Ingat ka sa pag-drive salamat sa pagpunta at sa regalo Brent.
Sana magustuhan mo Yesh.
Okay lang kahit ano man 'to masaya ako kasi bigay mo.
Mamaya ko na buksan
Ok sige bye..yumakap ito at sabay kaway at tuluyan na umalis si Brent.
Ate masaya masaya ka ba? Tanong ni Yrma.
Oo naman masaya ako nandiyan kayo ni papa at mga friends ko kaya okay ako at masaya.
Mabuti naman kung ganun ate.
Mamaya ko na ibigay regalo ko ate..
Sus..ang bunso talaga nag-abala ka pa.
Siyempre ate special 'tong araw na ito.
Oo na sige mas lalo ako matutuwa sa'yo kung sasamahan mo ako magligpit.
Of course ate keri 'yan tara ligpit na sabay subo ni Yrma sa hawak na grapes.
Nang matapos magligpit ang magkapatid kanya-kanya na sila pumunta ng silid nila.
Hay..salamat po
Lord at natapos na naman ang araw. Salamat po isang dagdag na naman na taon.
Naalala niya ang regalo ni Brent.
Binuksan niya ito..
Isang relo, alam niya mahal din iyon. Napahinga lang siya ng maluwag nakakahiya mahal na naman to sigurado.
Nakita niya may note na nakasulat.
Yesh sana maenjoy mo bawat oras mo. Huwag mong kalimutan ang oras na laging masaya ka.
Happy birthday!!
Brent
Kinuha ni Yezha ang cellphone niya at nagpadala ng mensahe kay Brent
Ang mahal naman ng regalo mo nag-abala ka pa talaga..pero salamat ang ganda isusuot ko 'to lagi.
Brent
Okay lang para talaga sa'yo 'yan mabuti at nagustuhan mo.
Napangiti si Yezha at hindi na nagreply pa. Sa sobrang pagod niya ay nakatulog na rin siya.
Hindi na rin nagabala si Brent na magmessage pa kay Yezha.
Unti-unti parang may narerealize si Brent. Pilit inaalis kung ano man ang nararamdaman niya at gusto itong pigilin.
Hindi puwede Brent makakahanap ka rin ng iba 'wag siya.Hindi makatulog si Brent nang gabing umuwi siya ng bahay nila.
Lalong gumanda siya! Shit pero bata pa siya..napatagay siya ng alak.
Hindi malaman ni Brent kung kailan pa nag-umpisa ang nararamdaman niya basta ngayon lalo siya humahanga kay Yezha.Pero lagi niya sinasabi na hindi puwede bukod sa mas bata ay magkaibigan pa sila. Nalilito siya kung hanggang kailan niya kaya kimkimin ang nararamdaman niya sa dalaga.
Hanggang sa nakatulog siya na ang iniisip ay si Yezha.
BINABASA MO ANG
Untold Love Hurts
RomanceThis is my first time😊 makakarelate kayo sa story na ito! Alam mo ba ang feeling na mahal ka niya at lihim mo rin na minahal siya💔💔💔 pero huli na nang magtapat siya😥💔