2 years later....
Sobrang abala si Yezha..subsob sa trabaho halos wala na itong pahinga. Paguwi ng bahay ay anak naman niya ang inaasikaso n'ya.
Manang...ang tawag niya kay manang Fe, o iha ikaw pala mabuti at medyo maaga ang uwi mo namimiss ka ng anak mo. Agad na pumunta si Nairro sa kanya at hinalikan naman niya ang anak niya sa pisngi nito.
Kumain na ba ang baby ko? Ang malambing na tanong ni Yezha sa anak.
Tumango lang ang anak. Very good ang sabi ni Yezha.Iha ipaghahanda kita ng pagkain mo. Naku manang huwag na po medyo busog pa ako at wala po akong gana. Hay naku iha napapansin ko lagi kang matamlay, lagi kang busy. Subsob ka pa sa trabaho mo. Huwag mo naman pabayaan ang sarili mo. Ayaw ni Brent na ganyan ka.
Habang kandong ang anak ay tumulo na naman ang luha ni Yezha. I'm sorry manang kung nakikita n'yo akong ganito pero sobrang sakit pa rin. Agad niyang pinahid ang luha niya gamit ang palad niya. Sige po iakyat ko muna sa Nairro. O sige basta kapag magutom ka may pagkain dito. Sige po manang salamat po.
Habang karga ang anak niya ay parang nararamdaman ng anak niya ang lungkot niya.
Pinahid ng anak niya ang luha ni Yezha.Mommy is okay baby, nilapag ang anak sa kama nila promise mommy will take care of you, niyakap ang anak. Pinatulog niya muna ang anak bago pumunta ng banyo para maligo si Yezha.
Habang nasa banyo siya ay tinignan ang sarili. Nakita niya medyo pumayat nga siya at nangingitim ang ilalim ng mga mata niya.
Sana babe kayanin ko pa! Ang daya n'yo e, napahagulgol na naman siya nang maalala ang mag-ama niya.
Flashback...
Paglabas ng doktor ay agad na sinalubong ni Yezha.
Doc kumusta po ang mag-ama ko? Ang tanong ni Yezha habang tumutulo ang luha niya.
I'm sorry Mrs. ginawa po namin ang lahat pero parehong ulo po ang naapektuhan kaya hindi na po nila kinaya ang operasyon.Hindi......ang sigaw ni Yezha! Hindi totoo 'yan!!! Hindi maaari ang hinagpis na sabi ni Yezha!!! Labis ang hagulgol niya manhid na ang katawan niya sa kakaiyak !
Ate tama na sabay naman yakap ni Yrma. Ate please tama na tatagan mo ang loob mo kailangan ka pa ni Nairro. Hindi ko kaya! Wala na ang mag-ama ko naging masama ba ako para parusahan ako ng ganito?? Ang tanong ni Yezha habang kayakap ang kapatid.
Hindi ate, may rason pa para lumaban ka. Nandito kami na pamilya mo, kaibigan mo higit sa lahat si Nairro ate kailangan ka niya.
Naging sariwa na naman ang lahat kay Yezha habang nasa banyo siya. Habang nakatapat ang shower sa mukha niya ay kasabay ng pagtulo ng mga luha niya.
Noong nalaman niya ang nangyari kay A.K na wala na ay mas lalong tripleng sakit ang naramdaman niya dahil mag-ama niya ang nawala.
Natapos siyang naligo, pinatuyo niya ang buhok niya tinitigan ang anak na si Nairro habang mahimbing na itong natutulog.
Pangako anak pilit magpapakatatag ang mommy.
Kinintalan ng halik ang anak sa noo bago na rin siya tuluyan makatulog.Malalim na ang gabi nang biglang may tumawag kay Kent.
Napatawag ka gabing-gabi na.
Gusto ko lang siyang kumustahin sa'yo.Ayun hindi pa rin siya okay madalas pa rin umiiyak masakit pa rin ang nangyari nagaalala nga si Yrma madalas kasi puro trabaho ang inaatupag niya.
Uuwi na ako bud, ang sabi ni A.K
Ano??? Ang gulat na tanong ni Kent! Gusto mo patayin tayong dalawa ng magkapatid!??? Ang alam nila patay ka na tapos uuwi ka?? Pinagluksa ka ni Yezha tapos magpapakita ka???Basta sunduin mo ako bukas uuwi ako. Hindi ko kaya na walang gawin lalo na wala na ang lalakeng inaasahan ko para mahalin at protektahan siya.
Hoy King!!!! Gago ka ba? Kapag ako nadamay sa kalokohan mo tignan mo lang!! Ang bulyaw ni Kent sa pinsan.
BINABASA MO ANG
Untold Love Hurts
RomanceThis is my first time😊 makakarelate kayo sa story na ito! Alam mo ba ang feeling na mahal ka niya at lihim mo rin na minahal siya💔💔💔 pero huli na nang magtapat siya😥💔