Maaga palang ay nagising na si Brent,ngayong araw niya gustong pormal na mag-propose sa dalaga. Sandaling umalis si Brent para gawin ang mga plano niya.
Bago ito umalis ay nag-iwan siya ulit ng mga bulaklak, nilapag niya ito sa isang mesa na nasa gilid ng ulunan ng kama nila.
Ganap na alas-nuebe ng umaga nang magising si Yezha. Pagmulat ng mga mata niya ay agad na nakita ang mga bulaklak.
Napakunot ito, lalakeng talagang 'to may bulaklak na naman kabibigay lang kagabi, bahagya niyang inamoy ang mga bulaklak.
May nakita rin siyang note.
Yesh, good morning, I love you! I can't wait to see you. I miss you.
Love,
Your Mr. Mandaza❤️Napangiti si Yezha sa (your Mr.Mandaza) napabuntong hininga siya at biglang naisip si Al King. Napailing siya at kinuha ang cellphone niya.
Tinawagan si Brent, hello Yesh ang sagot niya na mukhang excited na, nasaan ka ang tanong ni Yezha. May inaayos lang ako Yesh ipapasundo kita diyan, be ready okay? Okay sige ang sagot ni Yezha. Salamat pala sa mga bulaklak hindi pa nga nalalanta ang mga binigay mo kagabi ang dami na tuloy bulaklak.
Masanay ka na, wala e sweet talaga 'tong si Mr. Mandaza bukod sa guwapo pa.
Napangiti si Yezha, oo na ikaw na,.sige na maliligo na ako, tawagan kita kapag ready na ako, Yesh nasa lobby na ang sundo mo, Ano??? Ang biglang tanong ni Yezha. Bakit hindi mo sinabi na may naghihintay na sa akin?? Dapat kanina mo pala ako tinawagan nakakahiya sa driver.
Okay lang Yesh, take your time, basta magready ka na huwag kang magmadali.
Okay sige bye na. Binababa ni Yezha ang cellphone niya.
Napailing naman at napangiti si Brent na excited na habang kagat pa ang labi niya.Samantala 7 a.m palang ay nasa lobby na ang driver na kausap ni Brent, ganun din siya katagal na naghihintay kung kailan at anong oras magigising ang sundo niya.
Maaga rin nag-inspection si Al King sa kabuuan ng hotel na pag-aari niya. Nakabalik na ulit siya ng lobby nang mapansin niya ang driver niya na nandun pa rin sa lobby.
Manong, kanina ka pa diyan, hindi ka pa ba nakakaalis?
Bahagyang napakamot ang matanda, Naku sir, good morning po, kayo po pala 'yan ang magalang na sabi ng matanda.Hindi pa ho e, pero malapit na po bumaba ang guest natin late na raw po nagising sabi ng kausap ko na asawa niya yata. Pero malapit na po bumaba napuyat siguro ni Mr. ang pabirong sabi ng matanda.
Napangiti si Al King, sige anong room ba patawagan natin baka matagalan pa, sa VIP room sir number 324, naalala ni Al King ang room nina Yezha. Aakyat na sana ako kaso ang bilin ng asawa dito ko lang hintayin sa lobby.
Naku! Manong Arthur hindi niya asawa 'yun.
Ganoon po ba? Ang totoo nga niyan sir, akala ko maaga ko siya maihahatid. May lakad po sana ako birthday kasi ng anak ko kaso parang hindi ako aabot.Napaisip si Al King, sige ganito nalang manong, umuwi ka na ako na ang bahalang maghintay at maghatid.
Naku sir, huwag na po nakakahiya po sa inyo alam ko ho busy pa kayo.
No, manong it's okay you may go now! Baka hindi nga kayo umabot malulungkot ang anak n'yo
Sir salamat po talaga, ito po pala ang address kung saan n'yo dadalhin ang bisita natin nandiyan na rin po ang bawat detalye na kailangan n'yo.
Maya-maya ay nakita nila na papalapit na si Yezha ang ganda nito sa black na bestida niya.
Nang malapit na si Yezha ay binati ito ni Al King, good morning Yezha, good morning ang tipid na tugon naman ni Yezha.
BINABASA MO ANG
Untold Love Hurts
RomanceThis is my first time😊 makakarelate kayo sa story na ito! Alam mo ba ang feeling na mahal ka niya at lihim mo rin na minahal siya💔💔💔 pero huli na nang magtapat siya😥💔