Chapter 15

98 10 0
                                    

Flashback
Sa totoo lang ay kinakabahan si Brent kung paano ipapaalam si Yezha sa bakasyon na pinaplano n'ya kaya binalak na rin niya na isama ang buong pamilya ni Yezha. Gusto niyang masolo ang dalaga pero naisip niya na mas mapapasaya niya ang dalaga kung makakasama ang pamilya niya sa bakasyon.

Sayang lang at hindi makakasama ang kapatid at papa niya. Masosorpresa sana si Yezha.

***********❤️❤️❤️**********
Nakahanap na rin ng lugar kung saan sila kakain. Habang kumakain sila ay tinanong siya ni Brent.

Parang tahimik ka yata Yesh, may problema ba?
Wala, ang matamlay na sagot ni Yezha baka kulang pa ako sa pahinga alam mo na malayo byinahe natin kanina.

Ok sige, after natin kumain balik na tayo hotel para makapagpahinga ka.
Tumango lang si Yezha at tahimik lang sila kumain.

Nang makabalik na sila sa hotel na tinutuluyan nila ay hinanda na ang sarili para makapagpahinga.

Magkatabi sila ni Brent pero napansin ni Brent na parang may kakaiba sa dalaga.
Yesh, okay ka lang ba talaga?

Oo okay lang ako. Kaya hindi na nangulit si Brent. Sige pahinga ka na bukas nalang tayo mag-ikot at mamasyal.

Habang nakahiga si Yezha ay naisip niya si Al King. Nakakaasar ka self, hindi ka na teenager. Ang totoo kasi nang makita niya si Al King ay nagulat ito, pero 'di niya maitatanggi na bigla siyang kinabahan at hindi maiwasan ang paghanga niya dito lalong mas guwapo kasi ito.

Maganda ang pangangatawan at mas lalo pang tumangkad ito. Pamatay pa talaga mga dimples.
Parang gusto pa sana ni Yezha na makumusta pa si Al King matagal kasi itong hindi niya nakita at halos walang balita mula umalis ito sa lugar nila.

Marami siyang tanong sa isip niya..pero bakit pa Yezha..ang saway ng sariling isip niya.
Hindi rin agad nakatulog si Yezha hindi dapat siya nakakaramdam ng paghanga pa sa binata.

Maaaring noon, oo kahit hindi naman sila close ay gusto niya ito.Siguro natural lang naman bilang paghanga lang noon, pero bakit ngayon ay sobra ang kabang nararamdaman niya nang makaharap si Al King.

Late na nang makatulog siya. Pero maaga siyang nagising. Kinuha ang cellphone niya para tawagan sana si Vira, dahan-dahan siyang bumaba ng kama para hindi magising si Brent.

Di-nial niya ang numero ng kaibigan..matagal bago sumagot ito, pupungas-pungas pa ang boses nito.

Ano'ng meron Yezha mas maaga ka pa sa alarm clock ko ang sabi nito.
Vira may itatanong lang ako..
Bakit mahalaga ba masyado 'yang tanong mo? In-love ka na ba kaya hindi ka pa natutulog madaling araw na ha?..

Hindi..si Lezandro ba may number ka niya?
Oo meron ipasa ko sa'yo.
Sige may itatanong lang kasi ako.
Ano naman itatanong mo? Ang alam ko masyadong busy si fren Lezandro.

Nag-open ka na ba fb mo? May latest sa group natin may usapan sina Al-Al dun. Ay friend speaking nagbalik na siya dali magbukas ka na sabay tili nito na parang kinikilig.

Kanina lang inaantok ka ngayon kinikilig ka na.
Sige na matulog ka pa oopen ko fb ko bye, salamat ang sabi ni Yezha.
Ok bye.

Agad na nag-open si Yezha at sunod-sunod ang notifications niya mula sa group nilang magkaklase noong high school.

Al King: Good evening guys, pasensya na ngayon lang ulit active sa group. Medyo nabusy lang. Erp Lezandro see you next week. Yezha, nice seeing you again. You're still pretty😘

Coleen: Hey Al King! Hope to see you soon. Well, mabuti naman nagkita kayo ni Yezha. Kailan ka pa nakabalik pinas?

Vira: Al-Al welcome home! Bakit si Lezandro lang imimeet mo? How about us?😢

Untold Love HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon