Chapter 9

4 0 0
                                    

Dream

Halos isang oras akong nagbabad sa bathtub. Tulala habang pinaglalaruan ang mga bula na tumatabon sa aking katawan. Inaaliw ang sarili para pilit na makalimutan ang mga naiisip. Kanina pa ako rito pero hindi pa rin nawala ang bigat sa aking dibdib.

Hindi ko mapigilan ang sariling isipin ang tungkol sa pag-uusap ni Gio at Vanessa. Kahit gusto ko iyong marinig at malaman, at kahit gusto ni Gio na sumama ako at sumali roon, sa tingin ko'y hindi naman iyon magandang ideya. Lalo na't mukhang pribado iyon na nagawa pang pumunta ni Vanessa rito para lang kausapin siya tungkol sa kung ano mang bagay.

Kumikirot ang puso ko sa halo-halong dahilan. Sakit, kaba, hiya, at panliliit sa sarili. Kung ipagkukumpara, walang wala ako sa kanya. Maganda, sikat, at mayaman. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang ayos. Samantalang ako, napagkamalan lang naman niyang katulong.

Bumuntong hininga ako.

Nakakahiya ka, Kaye. Kinakahiya mo ang sarili mo. Nanliliit ka sa sarili mo. Ni hindi ko nga dapat kinukumpara ang sarili ko sa kanya dahil sobrang layo ng agwat namin.

Umahon ako at inabot ang tuwalyang nakasabit sa gilid. Pinatuyo ko ang sarili gamit ang tuwalya bago sinuot ang aking underwear. Pagkatapos ay sinuot ko ang bathrobe bago tuluyang lumabas ng banyo.

Nagulat ako nang makita si Gio na nakaupo sa dulo ng kama at nakayuko, mukhang problemado at malalim ang iniisip. Nang marinig ang paglabas ko ay umangat ang ulo niya at nagtama ang paningin namin. Agad akong umiwas ng tingin.

Nilagpasan ko siya para makalapit sa table, hindi pinansin ang presensya niya.

Naglalagay ako ng lotion sa aking hita nang tumayo siya at lumapit sa akin. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Halos sumabog na ito nang yakapin niya ako mula sa likuran at ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Kahit naghaharumentado na ang puso, pinagpatuloy ko ang ginagawa na parang wala lang.

"We just talked about work. That's all," paliwanag niya kahit wala naman akong sinasabi.

Pinagmasdan ko siya habang nanatili siya sa ganoong ayos. Isang malambot na halik ang pinatak niya sa aking balikat.

"Hindi naman ako nagtatanong tungkol doon,"

Umangat ang tingin niya sa akin ngunit nanatili pa ring nakapatong ang baba sa aking balikat. Nagkatinginan kami sa salamin. Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumuso naman siya at nagkibitbalikat.

"I just wanted you to know,"

"Iniwan mo siya sa baba?"

Umiling siya, nakanguso pa rin. Tila isang batang nagpapaliwanag sa magulang ng kanyang kasalanan. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang sabihin ito sa akin.

"Umalis na?"

"Pinaalis ko,"

Gulat ko siyang nilingon. Umayos siya ng tayo ngunit hindi pa rin inaalis ang kamay sa aking baywang. Sumandal siya sa table at hinapit ako para pumwesto sa gitna ng kanyang hita.

"Pinaalis?! Bakit mo pinaalis? Ni hindi mo man lang pinapasok sa bahay mo?" gulat kong tanong, hindi makapaniwala sa ginawa niya. Parang ang rude naman masyado kung ganoon nga ang ginawa niya.

Napadpad ang tingin niya sa aking suot na bathrobe.

"Hayaan mo siya," tanging sagot niya dahil abala na sa paglalaro ng ribbon ng roba.

Pilit kong hinuli ang mga mata niya ngunit masyado siyang nakapokus sa ginagawa. Pinapaikot niya ang nakalaylay na tali sa kanyang daliri.

"Dapat pinatuloy mo! Tapos na ba kayong mag-usap? Gio!" Sigaw ko, naiirita na dahil hindi niya ako pinapansin.

Touch of YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon