Chapter 2

8 0 0
                                    

[R-18]

Injured

Halos kaladkarin niya ako palabas ng bar at papunta sa parking lot. Marahas kong binawi ang kamay ko sa mahigpit na pagkakahawak niya.

Napahinto ako sa paglalakad nang lingunin niya ako.

"What? Akala ko sasabay ka sa akin?"

Kunot ang noo at namumungay ang mga mata ni Gio nang ibaling sa akin ang kanyang atensyon. Tila naasar sa ginawang pagbawi ng kamay ko.

Lasing pa ba ako? Baka nananaginip lang pala ako! Bakit kasama ko si Gio?

Papikit na ang mga mata niya habang nagsasalita. Mukhang inaantok na at nanghihina dala ng tama ng alak.

Tinalikuran niya ako at mabagal na naglakad palapit sa kotse niya habang may kinakapa sa bulsa, siguro ay ang susi nito. Pagod siyang sumandal sa pinto ng front seat at mariing pumikit. Lumapit ako sa kanya para tulungan siya dahil mukhang hindi niya na kaya pang kumilos dulot ng kalasingan.

"Nasaan ang susi?" tanong ko.

Nilahad ko ang kamay ko sa harapan niya. Sinamantala ko naman ang pagkakataong nakapikit siya para pagmasdan ang kanyang mukha. Pilit ko pang pinigilan ang sariling huwag hawakan ang mahaba at makapal niyang pilikmata. Ang gwapo pa rin kahit lasing. Namumula ang kanyang pisngi at nakapout ang makapal na labi. Ang cute!

Dumilat siya at tumingin sa akin, nanliliit ang mga mata habang pinagmamasdan ako. Siguro ay nagtataka kung sino ako at ano ang ginagawa ko rito kasama siya.

Ako lang naman ang mapapangasawa mo, sir.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili sa naisip na sasabihin.

"I don't know. I can't find it in my pocket," tamad na sagot niya at muling pumikit. Amoy na amoy ko ang alak sa kanya. Mukhang maraming nainom ang isang ito. Dapat iinom lang siya kapag ako ang kasama! Char.

Bumaba ang tingin ko sa bulsa ng pantalon niya. Walang nakaumbok sa front pocket kaya hindi ko na ito kinapa dahil baka iba pa ang umbok na mahawakan ko. Mahirap na..

"Kukunin ko sa bulsa mo ha," paalam ko bago lumapit sa kanya. Tumango lang naman siya, pikit pa rin ang mga mata, at hinayaan ako sa gagawin.

Of course, consent is important. Baka sabihin pa nito ay hinihipuan ko siya! Gusto ko lang naman tumulong.

Nakasandal siya sa kotse kaya naman nahirapan akong kapain ang bulsa sa likuran.

Dumilat siya nang ipasok ko ang kamay sa kaliwang bulsa at kinapa ito. Tinitigan niya ako habang ginagawa ko ito. Sumisilay sa kanyang labi ang ngising pilit niyang pinipigilan. Tila namamangha pa sa ginagawa ko.

Pigil ang hininga ko habang pinagmamasdan siya. Tuwing nariyan siya sa malapit ay para akong nasusuffocate at hihikain. Ngayong sobrang lapit namin sa isa't isa ay para na akong tuluyang mauubusan ng hininga lalo na sa ginagawa niyang paninitig.

Napatalon ako sa gulat nang hawakan niya ako sa baywang habang ang isang kamay naman ay gumapang sa likod ko.

Jusko Lord! Bakit naman kailangan akong pahirapan nang ganito? Ang hirap na ngang hanapin ng susi, ang hirap pang magpigil ng landi!

Magkadikit na ang katawan naming dalawa. Matangkad siya kaya naman kailangan ko pang tumingala para matignan siya sa mata.

Habang kinakapa ang bulsa ay may kakaiba akong nararamdaman na dumidikit sa aking puson. Dahil nagtataka, bumaba ang tingin ko rito at kuryosong pinagmasdan. Nanlaki ang mata ko nang maisip kung ano ang tumutusok sa akin. Napalunok ako at mabilis na kumurap-kurap dahil sa kaba. Nang makuha ko ang susi ay agad akong humiwalay sa kanya.

Touch of YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon