SWITCH: The Soul Swapped

11 4 0
                                    

Chapter Six: Let's Go to the Camp!!

  
    I checked my hairstyle on the mirror before going out! Nagpakulay kasi ako ng buhok at pinacurl ang buhok ko ng kaunti! I looked different today! Malayo ang itsura ko sa dating Nerd na kilala nila.

  "You're going to be late again Vanna. Ano bang pinagagagawa mo jan sa katawan ko ha? "

  I ignored her question and went out! Inalis ko na din ang glasses na suot ko at pinalitan na lang ng contact lense. It's better this way! Feeling ko kasi apat  ang mata ko sa eyeglasses na yun. Naduduling ako! Nagiging dalawa kasi ang tingin ko sa mga nakakasalubong ko. Nakakatakot.

 
  Late na ako kaya naman wala ng mga estudyante sa may hallway. Nagmadali na akong naglakad para makarating na sa room namin.

Feeling ko may magandang mangyayari sa araw na to except the fact na maganda na ako, nagparamdam sakin na may maganda talagang mangyayari!!! Oh baka feel ko lang yun! Assuming pa naman ako.

Papasok na sana ako sa room pero biglang bumukas iyon mula sa loob kaya ang resulta, naumpog ang noo ko sa pintuan. Napahiyaw ako sa lakas ng impact at napahawak doon.

 

"Shit!! Anong katangahan na naman ba to Freak, ano ba kasing ginagawa mo jan. Ayos ka lang ba?"

Nilapitan niya ako at hinipan ang noo kung alam kung namumula na. Masama ang tingin ko sa kaniya kahit na hindi niya ito nakikita dahil nga nasa noo ko ang atensyon niya. Bwisit na PG, akala ko maganda talaga ang araw ko yun pala umagang umaga, nasampulan na ang maganda kung mukha.

"Bakit ka ba kasi bigla na lang lumalabasa! " Inis na sabi ko saka tinampal ang kamay niyang nakapatong sa noo ko.

"Pinalabas ako ng prof. Nainggit yata sa kagwapuhan ko. "

Ngumiwi ako pagkarinig sa sinabi niya.

"Did you take the wrong medicine ? "

"Hindi ako umiinom ng kahit na anong gamot! Pinagsasabi mo?!!"

Tumayo siya sa harapan ng room dahil iyon talaga ang punishment ng lahat ng pinapalabas o may ginagawang kalokohan sa loob ng room. Tatayo siya doon sa loob ng isang oras. Kawawang PG. Tsk tsk.

Pumasok na rin ako pero saktong lumingon ang prof sa direksyon ko. Mukha pa namang badtrip ang isang to dahil magkasalubong ang kilay.

"Ms. Loca. Ang aga mo naman para sa sunod mong klase?" Sarkastikong sabi nito .

Tiningnan ko ang relo ko saka sa kaniya.

"Ah! Maaga pa ba ?? Akala ko pa naman late ako kaya nagmadali ako dito."

Kinamot ko ang leeg ko. Am I too early? Bakit hindi ko alam yun?.

"Ms. Loca. GET OUT!!"

Nagtaka ako. Bakit niya ako pinapalabas?

"Bakit?" Inosenteng tanong ko. Nakita ko ang pagsenyas ni First sakin pero hindi ko naintindihan ang sinasabi niya.

"Anong sinasabi mo ??" Tanong ko sa kaniya kahit na nakatingin ang prof. samin.

Agad itong nag iwas ng tingin at nagpanggap na hindi ako nakikita. Ang gagong to.

  "Ms. Loca! I said, OUT." Nagfreak out na siya kaya wala akong nagawa. Sasagutin ko pa sana siya kanina pero huwag na lang. Kawawa naman baka magka hypertension mahirap na.

SWITCH: The Soulmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon