Chapter Seven : To the Camp 2
"She's Cannabis Loca right? Wow! She looks stunning!! "
" The Nerdy Girl from Class A- 2 before? "
"I can't believe it! She change that fast? Ang ganda na niya ah!!"
"Kunin natin number niya mamaya pre. "
"Saang bus kaya siya sasakay? I hope we can get along together!"
Palingon-lingon ako sa buong ground dahil hindi ko pa nakikita si PG. Marami na ang mga nandito at meron na din ang bus na sasakyan namin . Nakita ko ang pagkaway ng tatlo kaya nilapitan ko sila."Hey! Nakita niyo si PG?"
"PG?? Si Ian ba? Hindi pa. Baka nawawala!" Third replied.
"Tara hanapin natin!!" First."Baka walang balak sumama! Huwag na nating hanapin. Tinatamad akong maglakad!" Sec.
Palinga- linga pa rin ako pero hindi ko talaga siya mahanap. Subukan lang niyang hindi magpakita .
"Hi!! Cannabis right? Can I get your number?"
Napatigil kami sa paghahanap kay PG ng biglang may lumapit sakin. Kukunin ko na sana ang phone niya pero may nauna nang kumuha non at ibinalik sa may ari. Lumingon ako at biglang nagliwanag ang mukha ko.
"PG... Akala ko hindi ka na darating. Bakit late ka .. Tinext ko sayong agahan mo diba?"
Ipinabuhat niya sakin yung malaking bag niya kaya medyo nawalan ako ng balanse . Mabuti na lang hinawakan ako nung tatlo.
"Anong nilagay mo dito sa bag mo? Bat ang bigat naman. Don't tell me, dinala mo pati bahay niyo?"
"Magkakasya ba bahay namin jan. Asan utak Freak. Gamitin mo din paminsan-minsan!!!"
Dinamba ko siya mula sa likuran at sinakal. Gago eh. Buti inawat ako nung tatlo kung hindi mapapatay ko to.
"Aisst.. Pinapunta mo ba ako rito para patayin??" Siya habang hinihilot yung leeg niya. Inirapan ko lang siya at nilagpasan. Hindi ko siya papansinin.
Tumabi ako kina Sec. na busy sa pagkalkal sa bag ni PG. Kaya naman pala mabigat, ang daming lamang gatorade. Teka ... nagdala rin ng canned beer ang gago!! Anong trip non.
"Akin nga yang bag na yan!!"
Inagaw ko sa kanila yung bag at ako na ang nagcheck sa mga laman non. Napangiwi ako ng may makitang condom .. maarte ko itong hinawakan at itinaas kaya nakita ng tatlo at saka pinag agawan kaya naman ang resulta, nakita yun ng prof at ipinangalandakan pa sa harapan ng mga estudyante. Napagtawanan tuloy si PG na ngayon ay masama ang tingin sakin.
"Patingin din ng laman niyan Fourth!!" Nakiusyoso na si Third kaya kaming dalawa na ang tumingin doon .
Ang ogag... Nagdala rin ng Marlboro... Isinumbong ko siya kay Prof kaya naman naconfiscate yung sigarilyo niya.
"Tst. Akin na nga yan!!"
Mukha namang wala lang yun sa kaniya. Sa pagkakakilala ko kay PG, hindi naman siya naninigarilyo ah. Bakit nagdala siya ng ganun?
"Bakit mo binigay yun sa prof natin. Ibinigay mo na lang sana sakin!" Bulong ni Third kaya binatukan ko. Ang bata- bata pa gusto ng manigarilyo. Tsk tsk..
"Stupid.. bawal sa bata yun!!" I said.
"Pero hindi na ako bata. "
"Hindi na ba? Bakit ang liit mo??" Mas matangkad kasi ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
SWITCH: The Soulmate (Completed)
FantasyA soul is the foundation of becoming a human but what if your soul suddenly popped out from yours and entered into someone else?!