Chapter 04

1.2K 44 0
                                    

CHAPTER 04 ..

       BUMUNTONG hininga siya habang nakatingin sa lapida ng kapatid niya . Its Dukie deaths anniversary, its been 10 years at hanggang ngayon sinisisi parin siya ng mga magulang niya sa pagkamatay nito .

Pagkatapos ng nangyari sa kapatid niya, pinalayas siya ng magulang niya na parang hindi siya nito anak . Hindi siya nito pinakinggan, kahit anong sabihin niya sinisisi parin siya. Its accident ! Aksidente lang ang lahat, bakit siya ang sinisisi nang mga ito ?

“ Okay ka lang ba diyan, my little Duky ? Sorry, dahil kasalanan ni Ate kung bakit namatay ka . Wala talaga akong kwenta, Duky . Walang kwenta ang Ate Rein mo. Sorry rin dahil ngayon lang bumisita si Ate Rein mo ha, busy kasi si Ate sa trabaho . I miss you, Duky . I really miss you ” . While saying those words from her younger brother, kyzha can't control her emotion . Bumagsak ang luha niya sa pisnge niya . He's only 5 years old ! Limang taon palang siya, bakit ganun ? Hindi niya makalimutan ang nangyari noon sa apartment nila, hindi niya iyon matanggap. Wala siyang kasalanan, aksidente lang ang lahat . Bakit ayaw nila maniwala ?

I'm sorry, Duky . Im sorry .

Pinatong ni Kyzha ang bulaklak sa harap ng puntod ng kapatid niya . Naninikip ang didbib niya kapag naalala ang nangyari sampung taon na ang naka-lipas . Hindi siya dapat nandiyan, siya dapat ang nandiyan .

Hindi ko kaya manatili pa dito, little Duky .Hindi ko kaya. Ang hina ko pagdating sayo, mal—

“ Anong ginagawa mo dito ? ”

Mama ? Tumingin si Kyzha sa likod niya . Nakita niya ang disgusto na mukha ng magulang niya habang nakatingin sa kaniya .

Napayuko siya, nasasaktan siya kapag ganito ang trato nila sa kaniya .

“ Ma— ”

“ I don't want to see your face ever again, Rein . Wala kang karapatan na pumunta dito, umalis kana ! ” Matigas na ani ng ina niya . Alam niyang galit ang mga magulang niya pero bakit ganito ? Sobra na sila . Nasasaktan rin siya, sa sampung taon ganito ang pakikitungo nila sa kaniya . “ Pero ma, kapatid ko si Duky . Maniwala naman kayo sa akin, sinadya ang nang— ”

“ Sinadya o talagang pinabayaan mo ang anak kung masunog sa loob ng apartment natin ha ? Dahil sa katangahan mong iyan nawala ang anak ko ! ” Sigaw nito sa harapan niya . Pinamukha nito sa harapan niya na kasalanan niya ang lahat .

“ Ma, maniwala naman ka— ”

“ Umalis kana, Rein ! ” Sinigawan narin siya ni Papa .

Umiling siya sa mga ito .

Nagmamakaawa ang mukha niya, gusto niya pakinggan siya ng mga ito .

“ Kahit ngayon lang, pakinggan niyo naman ako . Kasalanan ko kung bakit hindi ko nailigtas si Duky pero hindi ko kasalanan ang lahat, Mama . Pa, bakit ayaw niyo makinig sa akin ?! ” Hindi niya sinasadya na tumaas ang boses niya .

Ang malakas na sampal ang ginawad ni Mama sa kaniya, hindi siya makapaniwala na tumingin dito. Tuloy-tuloy ang luha niyang nakatingin sa mga ito .

Hinawakan ni Kyzha ang pisnge niyang sinampal ng ina niya, kahit lumuhod man ito sa harap niya . Hindi na mawala sa systema nilang siya ang may kasalanan nang lahat .

“ Wag mo akong sigawan sa harap ng puntod ng anak ko . Its your fault, Rein! Iniwan mo ang kap— ”

“ Hindi ko siya iniwan, Ma . Please, believe me . Kahit kailan hindi ko iniwan ang kapatid ko ! ”

Mama face darken “ Wag mo siyang tawagin kapatid dahil hindi ka niya kapatid ! ”

Napaatras siya sa sinabi nito . Umiling siyang nakatingin sa ina at ama niya . Anong ibig nilang sabihin? Kyzha blink, her mouth half-parted and her heart thightened . Hindi ito totoo diba ? Anak nila ako ! Sumisikip ang dibdib niyang walang tigil na pag-agos ng luha niya . No ! Hindi iyan totoo . Anak nila ako ! Parang sinaksak ng punyal ang dibdib niya dahil sa sinampal sa harapan ni Kyzha na hindi siya nito anak .

AlphabetusSeries 4: Hearts DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon