Zheirina's POV
'First day of school was a little bit exciting and boring at the same time. Boring kasi puro naman introduction na kahit kilala mo naman na ang mga kaklase mo ay kailangan pa ulit-ulitin nang ilang beses ang pagpapakilala. Pero para sa iba, exciting kasi magkikita nanaman sila ng mga kaibigan nila. Well, speaking of "kaibigan", I already deleted that word from my own dictionary. Para saan pa kung hindi ka rin naman pala nila iisipin pagdating sa gipitan, diba? '
Naglalakad ako ngayon papasok ng gate nang batiin ako ni Manong guard, "Good morning Zhei! Mukhang excited ka na pumasok ahh." 'Tss, si Manong talaga mukha ba akong excited?!' Pero syempre nginitian ko nalang, "Good morning po kuya Budds!" Napakatahimik naman, sabagay masyado pa kasing maaga. Napaka-excited kasi pumasok ng mga pinsan ko pero nahuli ako pumasok ng gate kasi dumaan pa ako sa simbahan para magdasal. Gusto ko kasi laging makipag-usap sa nag-iisang kaibigan ko (yeah, no other than Jesus, since when? Since I remove the word 'friends' in my life so iisa nalang talaga gusto ko maging kaibigan ).
Pagdating ko ng classroom, nakakatakot naman umupo dito kasi mag-isa ko palang baka biglang may magpakitang multo HUHUHU kaya nilapag ko nalang yung bag ko sa dulo ng pangalawang linya pagkatapos, napagdesisyunan ko na lumabas muna. Syempre saan pa ba ako pupunta, sa pinaka-paborito kong puntahan, sa CR! Mediyo malayo siya sa room kaya medyo natagalan ako sa paglalakad pabalik at napansin ko na dumadami na rin yung estudyante na pumapasok hanggang sa may narinig ako sa likod ko, "Omo! Parang si Zhei yan ahh. Hallah Zheirina, ikaw nga! Bakit ka nagpagupit?" sabi ni Sam, isa sa itinuring kong best friend noon pero ngayon? 'Bakit ba? Pakielam niya?' Ngumiti nalang ako nang pilit at umiwas ako ng daan. 'Am I bit too harsh to do that to my best friend? Correction, ex-bestfriend. Pero hindi kasi, iba na ngayon, hindi ko na siya best friend. I learned how to be contented in my life without her.'
So after flag ceremony, pumasok na kami sa classroom namin and thankfully hindi ko katabi sila Sam. Katabi ko ngayon yung mga boys kaya medjo awkward kasi hindi ko naman sila gaanong ka-close maliban nalang kay James na dinamayan ako nung nasasaktan ako dahil sa friendship na yan. May bago rin pala kaming classmate kaya gusto ko siya i-entertain kaso hindi ko alam kung paano. 'Ang gulo ko rin ehh, akala ko ba ayaw ko na sa kaibigan? Aishh! Iba kasi yung gusto kong sabihin doon. What I really hate is that word itself Ayaw ko na ng kaibigan na tinatawag kong 'bestfriend' pero gusto ko ng new enviroment, hindi yung nakakulong lang ako sa circle of friends na nagiging toxic naman na sa buhay ko. Gets niyo ba?'
"Okay class! Magkakaroon tayo ng introduction ngayong araw na ito. Alam ko na ang iba sa inyo ay magkakakilala na pero meron din kayong mga bagong kaklase. Umpisahan natin sa gitna. Yes kuyang matangkad, banatan mo na!" Napatingin ako sa likod ko kung sino ba yung tinutukoy ni sir. Oo nga noh? Ang tangkad nga. "Hi classmates. My name is Adrian Magsayo, 16 years old. I love playing guitars and other musical instrument. That's all. Thank you." 'So, Adrian pala name niya. Hmmm, he looks like a nice guy huh. Pero not interested, aral muna Zhei.' So nagtuloy-tuloy nga ang pinaka-boring na introduction part na since kinder ay ginagawa na namin. Pinaliwanag din ng bago naming Adviser ang paulit-ulit na mga rules and regulations sa school na ito na pang-sampung taon ko na naririnig. 'Dibale ilang taon nalang niyan. Susulitin ko nalang this last two years ko dito.'
Since wala naman na pumasok pa na ibang mga teachers kasi mamayang hapon pa daw yung iba magpapakilala kaya ito kami, may kanya-kanyang business. As usual, nagsusulat lang ako ng poem ngayon sa notebook ko hanggang sa hindi ko namalayan yung oras."Uy!" "Uy..." "Uy?" 'Sino ba yan? Nanahimik ako dito ehh.' Paglingon ko yung bago pala naming classmate. "Bakit?" Napakunot nalang yung noo nung nagpoker -face siya bigla, "Kanina pa kasi tinatawag tapos hindi mo ako pinapansin." 'Luh? So kasalanan ko pa? Malay ko ba na tinatawag niya ako.' "Sorry. Bakit mo ako tinatawag?" Ngumiti siya bigla. 'Baliw ata ito ehh?' "Oh bakit ganyan tingin mo sakin? Ang tahimik mo kasi kaya gusto kita kausapin. Wala ako kausap dito ehh." "Ganun ba? HAHAHA Ano pag-uusapan natin?" Hinarap ko nalang yung upuan ko sa kaniya kasi nasa likuran ko siya. "May boyfriend ka na?" 'Ehh?!' "Wala! Bakit mo natanong?" "Weh? Hindi ako naniniwala. Sa ganda mong yan?" 'Ayos lang ba talaga itong kausap ko? Ako? Maganda? Saan banda?' "Oh, bakit namumula ka na? May boyfriend ka na ano?" "Wala nga! Kung ano-ano sinasabi mo ehh." Tinaasan lang ako ng kilay ng lokong ito. Ang dami din niya tinanong na kung ano-ano like nagbabasa daw ba ako ng watty, ano daw paborito kong subject, paano daw magturo yung mga guro dito... basta ang dami niyang tanong. 'Sino ba talaga ang babae sa amin?'
BINABASA MO ANG
My Unsaid Thoughts
JugendliteraturSabi nila, "Isa sa pinakamasarap na parte ng buhay ng isang tao ay ang maramdaman niyang mayroong nagmamahal at tumatanggap sa kanya." Napakasarap nga naman maranasan ang ganitong bagay, ngunit lingid sa kaalaman ng iba ay ang katumbas na sakit na n...