Chapter 1

10 0 0
                                    

'"Sam, bakit ang tagal-tagal niyo?", reklamo ni Miles pagkadating namin sa canteen. "Eh kasi itong si Zhei, napakatagal sa CR." 'WOW ako talaga sinisi, sabagay totoo naman HAHAHAH' Hindi nalang ako nagsalita pa at dumeretso kami sa may bench sa dulo na tambayan namin. "Nasaan pala si Kylie?",tanong ni Sam. 'Oo nga noh, nawala nanaman yung kabuteng iyon pagkatapos bigla-bigla susulpot mamaya hayst.' "Miss niyo nanaman ako ehh. Hindi ba pwedeng natagalan lang sa pila? Ang dami kasi tao ngayon sa canteen, buti nakasingit ako hehe." 'O diba? Sabi na ehh, biglaang sulpot ang isang ito' As usual, break time ngayon at kumakain na itong si Kylie na halos bilihin na ang buong canteen. Itong si Miles at Mina naman, tamang daldalan lang kasi hindi sila kumakain para daw babawi sila sa tanghalian. Kami naman ni Sam, tamang kain lang din ng biscuits na baon namin.

Pagkatapos namin kumain, babalik din kami agad sa room kasi gusto pa namin magbasa ng libro ni Sam bago pumasok yung teacher namin kaso biglang may narinig kaming kaluskos sa tabi naming secret garden. "Narinig niyo ba yun?", tanong ni Kylie. "Oo, akala ko ako lang nakapansin.", sabi naman ni Miles. "Tara tignan natin!", excited na sabi ni Mina. 'Ok, masyado nanaman silang na-curious. Baka pusa lang iyon ehh.' "Ano ba?! Magbabasa pa ako ehh. Wag niyo na yang pagkaabalahan kasi!" , tumalikod na ako para bumalik na sa classroom. Narinig kong may sumunod sa akin kaya hindi ko nalang sila pinansin. Nakakailang hakbang palang ako pero may humawak bigla sa kamay ko. Paglingon ko nakita ko si Sam namumutla habang nakalingon sa secret garden, 'tekaaaa! Pumunta ba sila Mina doon? Shockss!!!' Nakita ko dahan-dahan silang pumapasok sa maliit na sira na pader papasok sa garden na iyon. "Hey! That was a restricted area guys!", sigaw na sabi ko pero hindi sila nakinig. Napasabunot nalang ako bigla ng ulo dahil sa inis pero nakita ko bigla si Sam sumunod din. "Seriously?! Pati ikaw Samantha? Pupunta ka rin?!",ok naiiyak na ako. 'Ang tigas naman kasi ng ulo nila ehh.' Nginitian lang ako ng loko. Nakatulala pa rin ako hanggang sa makapasok silang lahat doon. 

Susunod na sana ako papunta doon nang biglang, "Zheirinaaaaa, ouch-ahhh, wag-ahhh kana--ang sakit--sumunod----ahhh--dito!" Napahinto ako bigla, 'Teka, boses iyon ni Mina ahh. Sabi kasi wag na sila pumunta doon ehh!' Binilisan ko nalang ang pagsunod doon baka ano na nangyari sa kanila. Pagkapasok ko doon sa loob ng secret garden kuno, napakalawak at nag-iisa lang ang puno na nandito. 'teka ito ba yung acacia na sinasabi ng principal namin? Pero, nasaan sila Mina?' "Mina?" Nanginginig na ako ngayon, medjo madilim kasi dito dahil sa pader na nakapalibot dito. Idagdag mo pa yung puno na nakatakip sa kalangitan na biglang kumulimlim. Pero nagpatuloy ako sa paglakad kahit bawat hakbang ko ay gusto ko nalang bumalik sa pinagpasukan ko pero hindi ko ginawa 'kailangan ko silang hanapin. Yung mga kaibigan ko.' "Sam? Mina?" 'Bakit bigla sila nawala? Nasaan na kaya sila?' "Miles? Kylie?" Napahinto ako nang makarinig ako ng kaluskos sa bandang pinakamadilim na bahagi ng acacia. "Miles? Sam? Kayo ba yan?" 'Baka naman pinagloloko lang ako ng mga ito?' Dumeretso ako kahit nag-aalangan ako nang biglang may boses akong narinig "Kaibigan? HA HA HA Walang kwenta! Napaka-pride mong tao! Mas inuuna mo pa iyang pag-aaral mo kaysa sa mga kaibigan mo!" Napakunot bigla yung noo ko sa narinig ko. Pero kahit natatakot ako sinubukan kong magsalita. "Mahal ko ang mga kaibigan ko. Kaya wag mo sasabihan yan." Mas lumakas yung kaluskos at mas dumidilim na sa parte kung saan ako nakatayo ngayon. 'Nasaan na ba kasi sila? Natatakot na ako ehh. Tsaka sino ba yung nagsasalitang iyon?' "Mahal pala ahh? Or baka naman mahal mo sila kasi napapakinabangan mo sila? Inuuna mo kasi yang pride mo. Nasaan ka nung kailangan ka nila? Nandoon, nag-aaral! Puro ka nalang ganyan! Paano naman sila? Inisip mo man lang ba sila? Matalino ka nga pero pabaya ka naman! Pabaya! Pabaya! Pabayaaaaa!" Naiiyak na ako. Napatakip nalang yung dalawang kamay ko sa tenga sa sobrang lakas ng boses na iyon. 'Nasaan na ba kasi sila? Gusto ko na umalis dito!' "Pabaya!Pabaya! Pabayaaaaaa!" Patuloy na sumisigaw ang kung sino man iyon, pero heto ako hinahayaan ko na mapaupo nalang ako sa buhanginan habang umiiyak. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. 'Sam! Kylie! Mina! Miles!' Gusto ko sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. 'Nasaan na kayooooooooooooooo?!' '

My Unsaid ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon