"Hey Zhei, remember why you chose this way, right? Cheer up young girl! Show the world kung gaano kaganda ang mundo, hindi para iyakan lang. I don't know if this is the right way. I hope so. Sana tama ang tatahakin kong daan. Yes, I want them to say na nagbago na ako. I want to be the real I am. No more fears, no more doubts. Challenge accepted!", pagkukumbinsi ko sa sarili while looking at the mirror. 'Hindi pa naman ako baliw sa lagay na ito diba? HAHAHHA Sometimes you have to cheer yourself up when no one else can do it for you'
"Sabi kasi agahan ehh. Nasaan na ba iyon?" Kanina pa ako palakad-lakad dito sa harap ng school namin. Tinatawagan ko na nga siya ehh pero ayaw niya sagutin. 'Kalma Zhei... maaga pa naman ehh' Saktong pagsagot niya sa tawag ko, nakita ko siyang naglalakad, hila-hila yung trolley bag ng ading niya. Nakuha niya pa ngumiti-ngiti 'tss' "Hi ate Zhei!" ,bati ni Shiella at Anthon, mga kapatid ni Ivan. Napangiti naman ako bigla, "Hello Shiella. Hello Anthon." "Ege Zhei, ihatid ko lang sila sa room nila ahh." ,nagpapacute effect pa ang isang ito. "Hmmm... Bilisan mo kaya?! Joke... Oo, hintayin kita dito."
'Ano kasi trip nitong si Ivan? Bakit dapat kasama pa ako? Ang awkward tuloy...' Nandito na kami ngayon sa bilihan at kasalukuyan na siyang nakapila sa counter. Buti nalang talaga may nakabukas na sa ganitong oras. Palabas na kami ng shop pero may narinig kaming bulungan sa mga estudyante pero iba uniform nila, ibig sabihin hindi sila nag-aaral sa school namin. "Ang gwapo nung guy beh! Parang gentle man pa!",sabay hampas ni ate girl sa katabi niya na puno ng make up yung mukha. "Oo nga beh... kaso sayang may nakabingwit na ehh." ,sabi naman ng mukhang clown HAHAHAH 'sorry, hindi naman ako judgemental sa lagay na ito noh? ' Pagtingin ko kay Ivan, 'nihh HAHAHAHHAHAHAHAHA ang pula niya... superrrrr!!!' Hinila niya ako bigla palabas doon.
Malapit na kami sa school pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nagsasalita. 'Naalala ko nanaman mukha niya kanina HAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHA dami ko tawa... tae... kinikilig ba siya nun? HAHHAHAHA' "Hoyyyy!!! Tama na nga yan! Ewan ko sayo Zhei! Sayo na yang illustration board natin!" 'Luh, galit na siya niyan? HAHAHHA wait tama na nga... pero natatawa pa rin talaga ako HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHA... ok inhale.... exhale....' Tumakbo na ako para maabutan ko siya. Pagkarating ko sa tabi niya, "Sorry na hehe... sorry na... sa atin lang yun! Di ko sasabihin... Pero now I know kung bakit ayaw mo pumunta nang mag-isa... kaya pala... akala ko gusto mo lang ako makasama ehh." Ngumiti naman siya bigla kaya hindi na ako nag-alala pa. (yeah, isa sa kahinaan ko kapag may taong galit sa akin, lalo na pag malapit yung tao sa akin.) Kaso bigla niya hinigit yung illustration board sa kamay ko at hinampas niya sa ulo ko sabay tawa. "Aishhh! Sabi na ehh! Isa kang malaking tae, Ivannnnnn!" Tumakbo na siya sa quadrangle at napansin ko na magsisimula na pala yung flag ceremony. Napayuko nalang ako at naglakad papunta sa linya namin. 'Narinig kaya nila yung sinabi ko? HUHUHU nakakahiya.... pangatlong araw palang pero gumagawa na ako ng eksena dito sa campus...' Nagsalubong yung tingin namin ni Ivan kaya kinusilapan ko siya, 'humanda ka sakin mamaya BWAHAHAHA, syempre joke lang, hindi naman ako ganun kasama nohh'. Buti nalang kakarating palang ng adviser namin. Nagsimula na yung flag ceremony namin kaya umayos na kaming lahat.
"Ok class! Pakilabas na yung mga materials na pinadala ko kahapon. Pagbalik ko, inaasahan ko na nasa kanya-kanya na kayong grupo kasama yung mga gagamitin ninyo. Maliwanag ba?",sabi ni Sir Fred. "Yes sir!",sagot ng karamihan. So, para kaming nakawalang mga pasyente sa mental hospital na naghahanap kung saan kami pupunta. Bihira nalang yung mga sigurado at kalmado kung sino lalapitan nila. Pumunta naman ako kaagad kay Ivan. "Zhei, diba kasama natin si Tracey?", tanong niya pagkalapit ko. "Ayy oo, tayo nalang lumapit doon para doon na tayo gumawa." Bago pa dumating si sir, maayos na yung grupo ko pero yung iba, nagtatanong pa rin kung saan sila mapapadpad. Lima kami ngayon sa group 1.
BINABASA MO ANG
My Unsaid Thoughts
Roman pour AdolescentsSabi nila, "Isa sa pinakamasarap na parte ng buhay ng isang tao ay ang maramdaman niyang mayroong nagmamahal at tumatanggap sa kanya." Napakasarap nga naman maranasan ang ganitong bagay, ngunit lingid sa kaalaman ng iba ay ang katumbas na sakit na n...